Hiro's POV
"TARA! BILISAN NATIN!" Sigaw ko sa earpiece ko. Nandito kami ngayon nila James,Prince at Gerald sa sari-sarili naming race car at papunta na sa abandoned factory. Sa ngayon ay nasa isip ko lang ang kaligtasan ni mommy. Nang makarating kami ay agad naming pinark ang kotse namin at bumaba.
"Yaaaaahh!!!" Sigaw ko bago sipain ng malakas ang pintuan na kahoy ng factory. Malakas na malakas ang pagkaka-sipa ko kaya naman nasira iyon.
O.O
"MOMMY!!" Sigaw ko at lumapit sa sobrang laking aquarium. Mga nasa pito ang hammer head shark. Kinabahan ako para kay mommy. Tinignan ko si mommy at nakatali ang buong katawan niya. May electric tape ang bibig ni mommy. Oo, electric tape hindi yung tape na laging ginagamit ng kontra bida sa mga teleserye. Sorry, nakalimutan ko tawag dun eh ≧▽≦y.
"Mommy! Wait ka lang! Ililigtas ka namin!!" Sigaw ko. Nakita ko namang tumingin siya sa kung saan kaya napatingin din ako dun. May nakita ako na isang malaking table. May maliit din na table at nakapatong dun ang t.v, sa harap ng t.v may nakita akong tape.
"Guys! Tara rito!" Sigaw ko. Naramdaman ko naman agad ang presensya nila. Inilagay ko na sa tape player yung tape.
Nasilaw kami dahil biglang naging white ang screen at biglang naging black. Pagkatapos ng one minute ay may nagsalita.
"Kamusta? Namiss niyo ko?" Medyo malalim ang boses nito.
"Nagrecord ako nito para bigyan kayo ng instruction. Alam kong may kasama ka Hiro. Hindi ka susugod ng basta-basta ng walang kasama. Ito lang naman ang instruction. May mahabang lamesa diyan. Nandiyan ang baseble bat na kahoy, kutsilyo at malaking pabilog na salamin. Sobrang laki niyan kaya hindi na nilagay sa lamesa. Hanapin niyo ang switch, ang switch para mahinto o mapabagal ang pagbaba ng mommy mo papunta sa ilalim ng aquarium. Mag-iingat ka dahil gutom ang mga alaga ko. Sa switch ng aking tinutukoy ay may limang kulay; blue, green, red, yellow at puti. Isa sa mga kulay ang pampahinto sa pagbaba ng mommy mo pababa sa aquarium at isa din jan ang pampabagal. Bibigyan kita ng five minutes and timer starts............................now!" Paliwanag ng nasa screen. Tumakbo kami papunta sa mahabang lamesa. kinuha ko yung baseball bat at tinignan si mommy. Nasa bubong siya at normal lang ang bilis niya pababa.
"Maghanap tayo ng switch! Ako na ang bahala sa mga materials na ito!" Sigaw ko at kinuha yung kutsilyo. Napatingin pa ako sa salamin. Sobrang laki nga. Nilapitan ko iyon at Familiar sakin ang sobrang laki niya.
*TIIIIING!!*
Alam ko na!
"Guys! Alam ko na kung para saan ang salamin na ito!" Napahinto sila sa sigaw ko. Agad silang nagsilapitan sakin.
"Para saan?!" Sabay na sigaw nila.
"Sa tingin ko ay para takpan ang bunganga ng aquarium" sagot ko. Napaisip naman sila.
"Oo nga! Sobrang laki niya at sa tingin ko sakto lang yan sa aquarium!" Sang-ayon ni Gerald.
"Gawin na natin——"
"3 minutes!" Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig sa t.v
"Packing tape! Bilisan na natin!" Sigaw ko. Sobrang bigat ng salamin. Buti nalang at may natitira pang kabaitan yung gumawa nito kay mommy dahil may dalawang hagdan sa parehas na gilid ng aquarium. Bago kami umakyat ay biglang nagsalita si James.
"Teka, teka, teka, teka! Lagyan natin ng mahabang kahoy sa gitna ng aquarium para i-guide itong salamin! Baka kasi hindi pumatong itong salamin at mahulog sa loob ng aquarium!" Sambit ni James at naghanap ng mahabang kahoy.
"Tara tulungan niyo ako at bilisan natin!" Sigaw ulit niya. Agad naman siyang nakakita at dalawa pa! Binuhat namin iyon at pinatong sa dalawang gilid ng bunganga ng aquarium.
YOU ARE READING
The Seven Dwarfs And Me (On Going)
AcakIsang babaeng dalawang beses nagka-amnesia,una noong bata siya, pangalawa 1st Year Highschool siya. Nang wala pa siyang amnesia, marami siyang nilihim sa kanyang pamilya. Itong sikretong ito ay mapanganib kapag nalaman mo. Itong sikreto na ito ay na...