Yashika's POV
"Sige! Tara!" Pagyayaya ko kay Prince. Hinila ko siya patayo at papunta sa kitchen. Naramdaman ko namang sinamaan niya ng tingin sila kuya.
"Tara dito tayo sa bartender. Gusto ko magkaharap tayo." Sambit ko na nilagay ang pagkain ko sa bartender. May bartender dito sa gitna ng kitchen. Ganun din ang ginawa niya. Kinuha ko yung bowl ng ADOBO pati yung pitchel. Siya naman kinuha yung dalawang baso. Buti naman at tinulungan ako.
"Gusto ko din na nag-uusap tayo habang kumakain ^_^" sambit ko at sinimulan ang pagkain. Siya naman nakatitig sa pagkain niya.
"Sakin toh diba?" Tanong niya. I rolled my eyes.
"Baka sakin yan? Gusto mo ba akong patabain?"
"Bakit ba ang sungit mo?"
"May pake ka ba?"
"Oo naman!"
"Okay!"
Yun lang at kumain na ulit ako. Alam kong napipikon na siya sakin pero wala akong pake.
"Akala ko ba mag-uusap tayo?" Tanong niya. I rolled my eyes again.
"Hindi! Ang sabi ko....tutuwad ka habang kumakain! Tss." Nagtataka rin ako kung bakit ang sarcastic ko ngayon eh. Kahapon pa nga eh.
"Adik ka din eh noh?" Singhal niya.
"Hindi! Naka-drugs lang!"
"adik na din yun!"
"May sinabi ako? Sabi ko nagda-drugs lang! Hindi, 'adik ako!'" Boplaks talaga nitong kausap ko!
"Sige nga! Magkaaminan tayo!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung sarili ko ba o sadyang biglang namutla si Prince.
"A-ano naman ang aaminin ko sayo?" Tanong niya. Tss.
"Malay ko sayo! Ako ba ikaw?" Sigaw ko sakanya.
"Sige ako mauuna. Ehem ehem ehem!" Sambit ko.
"May boses na pala yung pag ubo?" Sarcastic na sabi niya at sumubo.
"Oo. di mo alam? Ito oh uulitin ko. Ehem ehem ehem."
"Oo na! Bilisan mo na!"
"Okay. May kilala ka bang Heldagard?" Biglang seryoso ko. Naging seryoso din naman siya nang tanongin ko iyon. Napatitig siya sakin bago mag salita.
"Bakit?"
"Wag mo ngang ibalik sakin yung tanong! Sagutin mo na lang!" Sigaw ko.
"OO! MAY KILALA AKONG HELDAGARD!" Sigaw niya. Natahimik naman ako. Kumain ako habang nag-iisip
May kilala siyang Heldagard so, baka ako yun at baka siya din yung 'Prince' sa panaginip ko. Pero hindi ko makita yung mukha eh! Oo, tuwing mananaginip ako about sa nakalimutan kong alaala, malalabo yung mga mukha nila except yung sarili ko.
Atsaka hindi ko din alam kung ano ang buong pangalan nung 'Prince' sa panaginip ko! Wala pa akong sapat na ibedensiya para sabihin kong siya ang childhood friend ko. Pero isa na yung sinabi niyang may kilala siyang heldagard para maging ibedensiya ko.
Ang hirap naman! Hindi ko alam yung sarili ko kung bakit kailangan ko pang hanapin yung 'Prince' na yun!
May kung anong dumaloy na kuryente sa paa ko na dumaan sa buong katawan ko hanggang sa ulo ko. Sobrang sakit nito!
"Aaah!" Mahinang sigaw ko na nakahawak pa sa sintido. Hindi ko namalayang nahulog ko pala ang kutsara at tinidor ko.
"Aaahh!" Napalakas na ang sigaw ko dahil dumagdag ang sakit sa ulo ko. Naramdaman kong lumapit sakin si Prince at hindi ko nanaman marinig ang sinasabi niya!
YOU ARE READING
The Seven Dwarfs And Me (On Going)
RandomIsang babaeng dalawang beses nagka-amnesia,una noong bata siya, pangalawa 1st Year Highschool siya. Nang wala pa siyang amnesia, marami siyang nilihim sa kanyang pamilya. Itong sikretong ito ay mapanganib kapag nalaman mo. Itong sikreto na ito ay na...