Hiro's POV
KAINIS NAMAN!!!!!! Bakit kasi kailangan pang sumabay ng animal na yan?!
Kasalukuyan kaming nagdi-dinner ngayon at nag-uusap si Yashika at si Fritz. Kung wala siguro si Yashika dito baka nasa ospital na si Fritz ngayon!
"So, bakit ka nga pala napadaan dito, Fritz?" Napatingin kaming lahat kay Yash.
"Aahh,gusto ko lang sanang kamustahin at makasabay ka sa hapunan. Nag-aalala kasi ako sayo." Sinserong ngiti ang ipinukol niya kay Yash.
"Mmm..okay naman ako. Salamat nga pala sa dinala mong fruits ah?"-Yash. Nginitian naman siya ni Fritz.
"Mmm. Walang anuman."-Fritz.
"Kamusta ka na pala?" Biglang tanong ko ng seryoso ang tono.
"Ok naman."
"So, ok lang sayo na wala si Yash sa tabi mo?" Sarcastic na sambit ko sakanya. Napalunok naman siya.
"Kuya!" Mahinang sigaw ni Yash pero nagkibit balikat lang ako at tumingin ulit kay Fritz.
"N-no. It's not like that. Ang totoo ay nagtransfer ako sa DIS para kay Yash." Mahinahong tugon niya. Nananatiling tahimik at nagtataka si Yash sa pinag-uusapan namin.
"Ok lang naman siya kahit wala ka eh."
"Kasi wala siyang maalala."
"Yun nga eh. Wala siyang maalala kaya hindi ka niya kailangan."
"Pero kailangan ko siya."
"At para ano? Saktan mo ulit siya?"
"T-teka nga! Teka nga! Ano bang sinasabi niyo? Tapos pinag-uusapan niyo ako——sa harap ko pa mismo! Bakit parang magkakilala na kayo? Eh hindi ko nga siya kilala?" Dahil sa sinabi ni Yash nakita ko kung paano mangilid ang luha ni Fritz at mapayuko. Napatingin sakanya si Yash at nanlaki ang mata.
"U-uhm,Fritz, a-are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Yash. Nakita ko namang pasimple niyang pinunasan ang luha at inangat ang ulo at ngumiti kay Yash.
"Yeah, I'm okay——"
"Kasama ka ba sa nawalang alaala ko?" Natigilan ang lahat sa biglaang tanong ni Yash. Agad akong napatayo.
"Hindi, Yash! Hindi!——"
"Ganyan ba sainyo kadaling magsinungaling kay Heldagard?!" Sigaw ni Fritz. Natigilan ang lahat. Nagulat ulit ako nang biglang tumayo si Prince.
"Heldagard?!" Sigaw din niya.
This is not good.
"Ano ba ang alam mo kuya?!" Galit na sigaw sakin ni Yash. Napalabas naman sa kitchen si Manang Fe.
"Oh! Mga iho! iha?! Anong nangyayari dito?!" Nag-aalalang tanong ni Manang Fe.
"Manang Fe, pakisabi nga po sakin kung anong naging papel ni Fritz sa buhay ko." nakangiting sambit ni Yash kay manang Fe. Namutla naman ako. Napatitig ako kay manang Fe at napatingin naman siya sakin na parang 'ano-ang-sasabihin-ko-iho?-look'. Binigyan ko nalang si manang Fe ng makahulugang tingin.
"H-hindi ko alam i-iha——"
"Pati ba naman kayo manang Fe? Magsisinungaling sakin? Sige kumain na po kayo. Nawalan na ako ng gana." Nakangiting sambit ni Yash pero kitang kita ko kung paanong tumulo ang luha niya.
"YASH!" Sabay-sabay na sigaw namin nila Fritz, Prince at ako. Susundan na sana naming tatlo si Yash pero pinigilan na kami ni manang Fe.
"Hayaan niyo na muna si Yashika. Kailangan niyang mapag-isa." Sambit ni manang Fe kaya nagpatuloy nalang kami sa pagkain ng walang nagsasalita hanggang sa makauwi sila James ng walang salita. Naiwan naman kami ni Fritz at Prince sa living room.
YOU ARE READING
The Seven Dwarfs And Me (On Going)
RandomIsang babaeng dalawang beses nagka-amnesia,una noong bata siya, pangalawa 1st Year Highschool siya. Nang wala pa siyang amnesia, marami siyang nilihim sa kanyang pamilya. Itong sikretong ito ay mapanganib kapag nalaman mo. Itong sikreto na ito ay na...