Yashika's POV
"Hoy!! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ng isang batang babae sa batang lalaki na nakaupo sa swing.
"Tss. Hindi mo ba nakikita? Nakaupo sa swing!" Walang ekpresyong sagot ng batang lalaki. Inirapan naman ng batang babae ito.
"Ang sungit-sungit mo alam mo yun? Gusto lang naman kita maging friend eh!" nakasimangot na sambit ng batang babae. Umupo naman siya sa swing na katabi ng batang lalaki.
"Tss. Ako ayoko!" Sagot naman ng batang lalaki.
"Huhuhu!! Waaaaaaahhh!!" Nagulat ang batang lalaki sa biglaang iyak ng batang babae.
"H-hey! What's wrong?" May halong pag-aalalang tanong nito. Tinakpan naman ng batang babae ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay at duon umiyak.
"K-kainis ka!! G-gusto nga kasi kitang maging f-friends pero ayaw mo! Onti palang ang friends ko dito tapos ayaw mo pa!!" Hagulgol ng batang babae. Lumapit naman ang batang lalaki sakanya. nakatayo lang ito.
"Tss. Oo na. Sige na!" Sagot ng batang lalaki. Napaangat naman ng ulo ang batang babae.
"T-talaga? F-friends na tayo?" Lumuluhang tanong ng batang babae. Napabuntong hininga naman ang batang lalaki at bahagyang tumango ng nakangiti. Napangiti naman ang batang babae sakanya.
"Kaya don't cry na. I don't wanna see you crying 'cause I'm hurting." Sambit ng batang lalaki na umupo at pinasan ang mga luha ng batang babae. Natawa naman ng konti ang batang babae.
"Anong nakakatawa?" Bagtatakang tanong ng batang lalaki.
"May crush ka sakin eh." Nakangising tanong naman ng batang babae. Napatayo naman ang batang lalaki at napaiwas ng tingin.
"W-wala kaya!" Utal na sagot ng batang lalaki. Natawa ulit ang batang babae.
"Bakit may papunas-punas effect ka pang nalalaman?" Nakangising tanong nito na pinagpatuloy ang pagpunas ng luha sa kanyang mukha.
"T-tss. W-wala nga!"
"Okay. Sabi mo eh."
"Ano nga pala ang name mo?" Tanong ng batang lalaki.
"Ahh..ako nga pala si——"
"Heldagard!" Napalingon silang dalawa sa tumawag sa batang babae——kaibigan niyang si Heather. Nabaling naman ang tingin ng batang lalaki sakanya.
"Heldagard pala. Nice meeting you ^_^!" Nakangiting bati ng batang lalaki. Nang makalapit sakanila si Heather ay nabaling sakanya ang atensyon.
"Hi Heldagard! Sino nga pala siya?" Tanong nito.
"Aay..oo nga pala. Ano palang name mo?" Nakangiting tanong ni Heldagard sakanya.
"Aahh..ako nga pala si——"
"Prince!!!" Napalingon silang tatlo sa batang lalaki na tumatakbo papalapit sakanila. Nabaling naman ang tingin ni Heldagard kay Prince.
"Prince pala pangalan mo. Ang ganda, parang Prince Charming——"
"Ng buhay mo." Pagpapatuloy ni Prince sa sinabi ni Heldagard. Namula naman ang dalawang pisngi nito kaya iniiwas nito ang kanyang paningin.
"Hi! Ako nga pala si Gerald. Kayo...ano pangalan niyo?!" Nakangiting tanong naman ng isa pang batang lalaki. Nabalik naman sakanya ang atensyon.
"Hi! Ako si Heather. Nice meeting you!"
"Ako nga pala si Heldagard. Nice meeting you din!" Pagkasabi nun ni Heldagard ay tumingin siya kay Prince na animong hinihintay magpakilala. Nabasa naman agad ni Prince ang tingin niyang yun.
YOU ARE READING
The Seven Dwarfs And Me (On Going)
RandomIsang babaeng dalawang beses nagka-amnesia,una noong bata siya, pangalawa 1st Year Highschool siya. Nang wala pa siyang amnesia, marami siyang nilihim sa kanyang pamilya. Itong sikretong ito ay mapanganib kapag nalaman mo. Itong sikreto na ito ay na...