Chapter 11

7 0 0
                                    

This chapter is dedicated to:
jteves2
YourOneAndOnly0323
@kristinesantiago550
-----
Yashika's POV

*BOOOOOOGSH!*

*BOOOOOOGSH!*

*BOOOOOOGSH!*

*BOOOOOOGSH!*

*BOOOOOOGSH!*

Nabulabog kaming dalawa ni kuya sa aming narinig na sunod-sunod na bungguan. Alam kong bungguan yun dahil halata sa tunog. Kaming dalawa lang ni kuya ang nandito sa bahay dahil parehong nasa work sila mom and dad.

"Yash, ano yun?" Gulat na gulat na tanong ni kuya. Nanonood kami ni kuya ng tv dito sa first floor. Tumayo ako at nagderederetso sa drawer na pinakababa at kinuha dun yung baril ko. Wala nanaman ako sa sarili nitong oras na ito.

"Dito ka lang kuya." Seryosong utos ko. Napalunok naman si kuya. Pumunta ako sa pinto at binuksan iyon ng kaunti.

O.O

May nagmomotor sa ibabaw ng mga sasakyan! Wait,familiar sakin ang mga sasakyan na iyan——sasakyan ng mga kaibigan ni kuya!

Binuksan ko yung pinto at bumaba papunta sa gate. Binuksan ko ng konti yung gate.

O.O

YUNG NAGMOMOTOR TINUTOK ANG BARIL KAY PRINCE! Binuksan ko ng kalahati yung maliit na gate namin.

Pinosition ko ang sarili ko—itinutok ang baril sa nagmomotor na lalaki. Nagfocus ako ng todo. Nakita ko kung paanong inilagay ng nagmomotor ang pointing finger sa trigger at.........

*BANG!*

Inunahan ko na siya sa pagputok. Sakto namang tumama iyon sa balikat niya kaya nasemplang siya. Dun ko lang napansing nagkakagulo na ang mga kapit bahay namin. Tumayo ako at tumakbo sa nasemplang na lalaki.

Natigilan ako nang makita kong tumatakbo na ang lalaking nagmotor habang hawak ang balikat. Binilisan ko ang pag takbo ko at itinutok ang baril sa paa niya. Lumingon siya at kahit nakahelmet siya ay kitang-kita ko kung paanong manlaki ang mata niya.

*CLICK!*

HUH?! ayaw bumaril? Ibinato ko nalang ang baril sa paa nung nagmotor sa inis at sapul. Nadapa siya kaya binilisan ko na ang pagtakbo ko.

*BROOOOOOM!!*

Nagulat ako nang may makita akong isa pang motor na papunta sa gawi namin ng lalaki. Napatabi ako nang akmang bubungguin ako nun. Nagulat pa ako nang bigla niyang hilahin ang lalaki at sinakay sa motor at humarurot.

Nagtaka ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Napatingin ako sa gawi nila James at patakbong lumapit sakanila. May nakita nanaman akong pagkamangha sakanilang mukha pero hindi nila maitago ang pagkagulat sa biglaang pangyayari.

"Okay lang ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko sakanila. Nabalik naman sila sa reyalidad. Sunod-sunod silang tumango. Tumingin ako kay Prince na hindi pa nakakabawi sa pagkagulat. Lumapit ako sakanya at......

*PLOK!*

"ARAY! Bakit mo naman ako pinitik sa ilong?! Sakit ah!" Sigaw niya matapos ko siyang pitikin. Hinimas himas pa niya ito.

"Akala ko pa naman magaling ka pagdating dito sa bakbakan pero bakit tulala ka lang kanina?!" Nakapameywang na tanong ko.

"Psh. Bakbakan ba ang tawag dun? May baril siya at motor tapos ako sira na ang kotse namin wala pa akong baril!" Asik niya sakin.

The Seven Dwarfs And Me (On Going)Where stories live. Discover now