Chapter 17

5 0 0
                                    

Hiro's POV

Isang araw na ang nakalilipas at ngayon ang libing ni mommy. Hindi kami muslim o ano. Talagang ililibing na ngayon si mommy.

Galit pa din sakin si Daddy. Simula nung malaman niyang hindi ko nailigtas si mommy ay hindi na niya ako kinausap pa. Kapag kinakausap ko siya ay aalis agad siya na parang may narinig siya ng di kanai-nais. Feeling ko ay ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni mommy. Ganun din naman ako sa sarili ko, sinisisi ko din ang sarili ko dahil hindi ko nailigtas si mommy. Kaming Magbabarkada, Yash, manang, at Dad lang ang nakakaalam na patay na si mommy.

Nagtataka na din ako kay Yash. Parang naging cold siya, naging maangas, at naging palaban. Pero nagiging masayahin siya kapag kami na ang kaharap. Kami ng Delinquent Boys, at ni Daddy ay nagiging masayahin siya sa harap namin. Kapag kinakausap ko naman si Dad at nakikita niya si Dad na nilalayasan niya ako ay napapabuntong hininga nalang siya at iiling. Feeling ko tuloy ay bumalik na siya sa DATING SIYA.

Nang matapos ang libing ay tahimik kaming umuwi sa bahay. Nasa iisang sasakyan kami nila Dad, Manang at Yash. May sari-sariling kotse sila James. Dalawang kotse ang gamit nila. Yung isang kotse ay kay James, ang kasama niya dun ay si John, Jonas at Gerald. Ang isang kotse naman ay kay Jelo ay ang kasama niya ay si Prince. Sa kotse namin ay ako ang nagda-drive. Sinabi sakin nila James na uuwi daw muna sila para bigyan kaming tatlo ng time. Nang makarating kami sa bahay ay nagmadali si Dad na umakyat sa kwarto niya at padabog na sinara ang pinto. Napabuntong hininga nalang kami ni Yash.

"Sige, kuya, akyat lang ako sa kwarto." Ayun nanaman ang blankong mukha niya. Tumango siya kay Manang. Umakyat siya at naiwan naman akong nakatulala sa kung saan. Pumunta na sa maid's room si manang.

'Kasalanan ko ito eh! Kasalanan ko kung bakit nawala si mommy!! Hindi ko siya iniligtas! Bakit kailangang mangyari ito?! Hindi namin kaya nang wala si mommy! Kasalanan ito ng kumidnap kay mommy!'

Biglang may namuong galit sa aking dibdib nang maalala kong may kumidnap kay mommy. Siya ang dahilan kung bakit ito nangyari. Saka natulungan sana kami ni Gerald kung hindi siya binaril! Gusto ko siyang makita! Gusto kong patayin kung sino ang naglagay kay Mommy sa ganon! Gusto ko siyang ipakain sa mga hammer head sharks! Gusto kong maghiganti!

Umakyat ako sa kwarto ko. 5:30 palang. Umiyak ako nang umiyak sa kwarto ko habang sinisisi ang sarili at ng gumawa kay Mommy nun. Maya-maya pa ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

★☆★☆★KINABUKASAN★☆★☆★

"Kuya, gising na. Male-late pa tayo. 6 am na." Rinig kong sabi ng gumigising sakin. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Yash na nakapantalon at T-shirt na may nakalagay na 'F*ck Off B*tch!'. May gloves din siya na nakalabas ang mga daliri. Nakaleather jacket din siya. Leather din ang gloves niya. Anmeron?

Napaupo ako at kinusot ang mata ko.

"Yash, bakit ka nakaganyan? Diba dapat naka-uniform ka?" Sabi ko at saka nag-unat. Ngumiti lang siya at walang pasabi na lumabas ng kwarto ko. Bakit ganun yung suot niya? Alam ko ginawa na niya yun dati.

Hindi ko nalang iyon pinansin at ginawa nalang ang daily routine. Pagkatapos nun ay bumaba na ako at nagbaon nalang ng sandwich dahil baka malate ako.

"Manang, si Yashika po?" Tanong ko habang nilalagay sa bag ang sandwich na ginawa ni manang.

"Nauna na, iho. Nagtataka nga ako kung bakit ganun ang suot ng iyong kapatid. Tapos nung maihatid ko siya sa labas ay ginamit niya si Prince? Sa tingin ko ay tama ang hinala ko." Mahina ang pagakakasabi ni manang sa huling sentence niya kaya hindi ko narinig. Pagkatapos kong magbaon ay nag paalam na ako kay manang. Wala si Daddy at alam kong tulog pa iyon kakaiyak kagabi.

The Seven Dwarfs And Me (On Going)Where stories live. Discover now