Yashika's POV
"I NEED HUG, PRINCE!" Sigaw ko. Alam kong nagtatatago sila sa mga halamanan. Gusto kong yakapin ako ni Prince tulad nung bata pa kami. Oo, naaalala ko na ang lahat.
May naramdaman akong presensya na papalapit sakin. Hinayaan ko lang siyang lumapit sakin.
"Nandito na ang Prince Charming mo." Tinig kong sabi niya. Napangiti ako. Yun din kasi ang sinabi niya nung bata pa kami.
Tinanggal ko sa mukha ko ang mga kamay ko at ngumiti sakanya. Ngumiti din siya at hinawakan ang wrist ko at hinila payakap sakanya. Umiyak ako sa balikat niya.
"Wag na kayong magtago, alam kong nandyan kayo sa halamanan!" Sigaw ko. Pinunasan ko ang mga luha ko bago humiwalay sa yakap ni Prince.
"Thanks, My Prince." Nakangising sabi ko. Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko. Lumapit na din samin sila kuya. May naramdaman akong papalapit. Pasimple ako tumingin dun. Isang bato, papunta kay kuya.
"Kuya, atras ka ng onti." Ginawa niya yung sinabi ko. Lumapit ako kay kuya. Nakatalikod ako sa bato. Nangmaramdaman ko na na malapit na ito kaya sinalo ko iyon. Nakita iyon nila kuya.
"Sa susunod lakasan niyo ang pakiramdam niyo." Seryosong sabi ko at humarap kung saan galing ang bato. May nakita akong tao na naka-comofluadge. Lumapit ako dun. Mas nakita ko ang buhok nila na kasing kulay ng mga halaman sa paligid nila. Kunyari akong naghanap sa paligid pero bigla kong sinabunutan ang dalawang buhok na iyon at inangat.
"Ano kailangan niyo?" Seryosong sambit ko. Nagpupumiglas naman sila pero hindi sila makawala dahil sa sobrang higpit ng hawak ko na parang matatanggal na ang buhok nila.
"Gusto niyong bitawan ko kayo?" Tanong ko.
"O-oo! Oo! Pakawalan mo na kami!" Pagmamakaawa nila. Napangisi ako. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa buhok nila atsaka hinagis ng malakas sa harap ni kuya.
"Kuya, wag niyong gagalawin, gusto kong mag-excercise." Malademonyo ang ngiting ibinigay ko kila kuya.
"Wag mong paabuting patay na yan ha!" Sigaw sakin ni kuya habang nakaturo sakin.
"Oh, come on kuya, matagal ko na itong ginagawa!" Nakangisi pading sambit ko. Tumingin ako sa dalawang nakasalampak sa damo.
"Sino nag-utos?" Tanong ko sakanila.
"W-wala! Wala kaming alam! Please pakawa——huk!" Di niya natapos ang sasabihin niya dahil dinaklot ko ang leeg niya.
"'Siya' ba?" tanong ko. Nakatitig lang siya sakin at napalunok.
"'Siya' nga." Dagdag ko at pabatong binitawan sila.
"Please! Wag niyong sasabihin——"
"Hindi ko ipagsasabi iyon. Alam kong inutusan 'niya' kayo. Mandadamay at mandadamay 'iyon'. Sige makakaalis na kayo." Sambit ko.
"S-salamat! Salamat talaga! Tara na!" Yaya niya sa kasama niya. Patakbo silang umalis.
"Ano kuya? Napatay ko ba?" Nakangising tanong ko.
"Psh. Ayokong makulong ka sa ganyang edad, Yashika! Sinasabihan lang kita! Pagbibigyan kitang makipagbugbugan pero ayoko ng aabot sa isang pitik mo lang sakanila ay tulog na! Ayoko ng ganon, maliwanag?"
"Madilim kuya!" Sarcastic na sambit ko. Nauna na akong maglakad papunta sa room namin. Late na kami ng fifteen minutes. Tsk. Wala ng tao sa hallways kaya tahimik sa paligid. May naramdaman akong nakamasid sakin pero hindi ko iyon pinansin. Kinuha ko sa bulsa ng jacket ko ang shades ko at sinuot iyon. Yung sleeve nga pala ng jacket ko ay hanggang siko ko lang. Naramdaman ko naman ang presensya nila kuya sa likod ko.
YOU ARE READING
The Seven Dwarfs And Me (On Going)
RandomIsang babaeng dalawang beses nagka-amnesia,una noong bata siya, pangalawa 1st Year Highschool siya. Nang wala pa siyang amnesia, marami siyang nilihim sa kanyang pamilya. Itong sikretong ito ay mapanganib kapag nalaman mo. Itong sikreto na ito ay na...