Prince's POV
"Grabe. Sobrang putla ni Yash." Napatingin naman ako sa kaliwa ko—si James. Seryoso siya. Well, lagi naman.
"Mmm. Gusto ko siyang alagaan." Nagulat ako sa sinabi ko. Wala ako sa sarili nung sabihin ko iyon. Naramdaman ko namang napatingin sakin si James.
"Oo nga eh. Nakakaawa yung itsura niya. Sa sobrang putla niya parang mahihimatay na siya anytime——"
"Aaah!!!"
Natigilan ang lahat dahil sa sigaw sa labas. Napatayo ako at ganun na din ang barkada ko dahil kilala namin ang boses na iyon.
"Aaah!! Aray!!!" Napatakbo na kami sa labas nung marinig ulit namin ang sigaw na iyon.
"Yash!!" Nakita namin si Hiro na tumakbo papunta sakanya.
"Yash! Okay ka lang? Dadalhin kita sa ospital!" Sigaw ni Hiro. Lumapit na din kami sakaniya. Hinayaan lang namin si Hiro na kausapin siya pero parang walang marinig si Yashika. Nagsilabasan naman ang mga ibang estudyante at pinanood ang nangyayari kay Yashika. Ganun nadin ang ibang guro.
"Aray! K-kuya! Masakit! Aray! G-gusto ko nang mahiga! A-aray!!" Sigaw ulit ni Yash. Namimilipit na siya sa sobrang sakit. Nasasabunutan na niya ang sarili niya. May kung anong kumirot sa puso ko habang pinapanood siya na namimilipit sa sakit.
"Yash! Dadalhin na kita sa ospital! Tara na!" Bubuhatin sana ni Hiro si Yashika kaso nagpumiglas ito at sinabunutan ang sarili sa sobrang sakit.
"K-kuya! H-hindi ko na kaya!" Sigaw ulit ni Yashika at namilipit sa sakit. May kung anong kirot nanaman sa aking puso nang makita kong may lumalabas na ng luha galing sakanyang mata.
"Tara na nga! Dadalhin kita sa ospital!" Sigaw din ni Hiro pero walang narinig si Yashika.
"K-kuya! Ang sakit!" Naalarma ako nung makita kong matutumba na si Yash kaya napatakbo ako papunta sakanya. Pero huli na ang lahat dahil may sumalo na sakanya. Kung sino pa ang pinakamalapit yun pa ang hindi nakasalo. May sumalo sakanyang estudyanteng lalaki at hindi ko iyon kilala. Medyo gwapo din naman siya pero mas gwapo ako.
"Dalhin na natin siya sa ospital, Hiro!" Sigaw nito at binuhat si Yashika ng bridal style at tumakbo para dalhin sa ospital ito. Hindi na nagsalita pa si Hiro at nagpamaunang tumakbo.
"Tara! Sundan natin!" Sigaw ko at tumakbo nadin. Nang makarating kami sa DISH ay dinala na agad siya nung lalaki sa Emergency Room at naghintay kami sa labas.
"Tatawagan ko lang sila Dad." Pagbabasag ng katahimikan ni Hiro at lumabas ng hospital. Napatingin ako sa balisang estudyante at nilapitan.
"Bro,kilala mo ba si Yashika?" tanong ko. Napatingin siya sakin ng puno ng pag-aalala ang mukha. Tumango siya ng maraming beses at nagpalakad-lakad ulit.
"Bakit parang mas balisa ka pa sa kuya niya?" Inis na tanong ko. Ewan ko ba pero inis na inis ako sakanya dahil nandito siya. At parang gusto kong ako lang ang mag-aalaga kay Yashika.
"Basta!" Sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad ng pabalik-balik.
"Yung totoo. Kaano-ano mo si Yashika?" Seryosong tanong ko.
"Basta! Mahalagang mahalaga siya sakin." Sagot niya ulit. Natigilan ako sa sinabi niya at hindi na muling nagtanong. Bumalik na si Hiro at sinabing paparating na sila tita Sylvia. Hinintay nalang naming lumabas si tito Harold.
Matapos ang kinse minutos ay lumabas na nga siya.
"Dad,is she okay?" Nagulat ako sa tanong ng lalaki. 'Dad'??? Anak siya ni tito Harold?
YOU ARE READING
The Seven Dwarfs And Me (On Going)
RandomIsang babaeng dalawang beses nagka-amnesia,una noong bata siya, pangalawa 1st Year Highschool siya. Nang wala pa siyang amnesia, marami siyang nilihim sa kanyang pamilya. Itong sikretong ito ay mapanganib kapag nalaman mo. Itong sikreto na ito ay na...