Yashika's POV
"Uhm, hello?" Tanong ko pa dahil nananatiling nakatitig siya saakin. Natinag naman siya dahil sa pagsasalita ko. Pinahid niya ang sariling luha na biglang tumulo at pilit na ngumiti.
"H-hey,are you alright?" Hindi ko na magawang itago ang pag-aalala ko. Hinawakan ko siya sa kanang braso niya. Pulit naman siyang ngumiti sakin.
"Yeah,thanks. Naalala ko nga palang wala kang maalala. Sige aalis na ako. Gusto lang naman kitang makita." Sambit niya atsaka naglakad papalayo sakin.
"A-aaaahh....W-WAIT!" Pigil ko na wala padin sa sarili. Napahinto siya at takang lumingon sakin.
"May I know your name?" Nag-aalanganing tanong ko. Natawa siya ng mahina pero rinig ko.
"Fritz Santiago. My name is Fritz Santiago." Sagot niya at tinalikuran na ako. Sa di nanamang malaman na dahilan ay nangilid ang aking luha sa mga mata. Feeling ko kilala ko ang pangalan na iyon at mahalaga siya sakin.
*KLAAK!*
Natinag ako nung marinig ko ang pagsara ng pinto kaya napatingin ako sa office. Bahagyang nakaharap ang katawan ko sa hallway kung saan nakita ko ang lalaki at ang ulo ko naman ay nakatingin sa pinto ng office. Nakita ko duon si kuya na may pag-aalala sakanyang mukha. Agad kong pinahid ang mga luhang nangilid at pilit na ngumiti sakanya.
"Yash, are you okay? I heard that your talking to someone." Nag-aalalang atnong ni kuya. Bumuntong hininga muna ako bago tumango.
"Kuya, hindi ko malaman ang sarili kong iniaasta." Iwas ang tinging sambit ko. Lumapit siya sakin.
"Why?"
"Kaninang lunch wala sa sariling napatayo ako sa cafeteria nung may narinig tayong sumigaw. Kanina nung nag-uusap kayo nila dad sa loob may nakita akong estudyante na nakatingin sakin tapos pakiramdam ko gusto kong tumakbo sakanya at yakapin siya." Nakita ko kung paano kumunot ako noo ni kuya. Bumuntong hininga ulit ako.
"Tapos bago ka lumabas sa office biglang nangilid ang mga luha sa mata ko nung marinig ko ang pangalan ng nagpakilalang estudyanteng lalaki kanina." At napayuko ako sa di malamang dahilan NANAMAN!
"And his name is??"
"Fritz Santiago." Ramdam kong nagulat si kuya at bumuntong hininga.
"Stay away from him." Napa-angat ako ng ulo. Magsasalita na sana ako pero inunahan na niya ako.
"And do what I said." Pagpapatuloy niya. Sakto namang lumabas ang TDB na may pagkamangha sakanilang mga mukha including James and Prince.
"Woah!! Ang tindi mo pala Yash! Idol na kita!" Biglang sambit ni Gerald. Nagtaka naman ako.
"Oo nga! Grabe ka! Kapag bumalik na ang alaala mo magpapaturo ako sayo!" Sambit naman ni Jonas.
"Akala ko talaga 'ganyan' ka lang pero may itinatago ka pa palang kakayahan!" Sambit naman ni John.
"Simula ngayon tatawagin na kitang MASTER!" Napatingin naman ako kay John. Nagtataka na ako sakanila ah!
"Woah,woah,woah,woah,woah! Saglit lang ah? Bakit ganyan kayo? Parang may ginawa naman akong kamangha-mangha sainyo? Sabihin niyo nga sakin..ano pinag-usapan niyo nila dad?" Tanong ko sakanila na tinuro pa sila. Ngumiti lang sila.
"WALA!" Sabay-sabay na sigaw nila including James and Prince. Alam kong nagtataka na kayo kung bakit lagi kong sinasabi na 'including James and Prince' kasi nga diba? Cold si Prince at walang pakialam sa paligid,masyado namang seryoso si James lagi pero minsan ay ngumingiti yan. Kaya ayun.
YOU ARE READING
The Seven Dwarfs And Me (On Going)
RandomIsang babaeng dalawang beses nagka-amnesia,una noong bata siya, pangalawa 1st Year Highschool siya. Nang wala pa siyang amnesia, marami siyang nilihim sa kanyang pamilya. Itong sikretong ito ay mapanganib kapag nalaman mo. Itong sikreto na ito ay na...