Chapter 16

6 0 1
                                    

Prince's POV

Hindi ko alam pero nasasaktan akong makita si Gerald at Yashika na magkayakap. Ako sana ang nandun sa pwesto niya pero naunahan niya ako kaya umupo nalang ulit ako.

"Shhh...tahan na." Pagpapatahan ni Gerald. Narinig ko namang humihina ang iyak ni Yash. Kumawala si Yashika sa yakap ni Gerald at tumitig sakanya. Nakita kong pinunasan ni Gerald ang luha ni Yash sa mga mata kaya wala sa sariling nag-iwas ako ng tingin. Isa lang ang idi-discribe ko sa sarili ko........

Nasasaktan.

Hindi ko kayang tignan silang dalawa.

"T-thanks for comforting me Gerald. I owe you big." Rinig kong sabi ni Yashika. Pero hindi ko pa din sila tinitignan imbes ay yumuko nalang ako. Naramdaman ko ang akbay ng katabi ko——si James.

"Ok lang yan." Nakangiting bulong niya. Bumuntong hininga nalang ako at yumuko ulit.

"No, it's okay. Gusto lang naman kitang patahanin dahil hindi ko kayang nakikita ka ng ganyan." Pahina nang pahinang sambit ni Gerald.

"Yash, san mo natutunan yung kaninang moves na ginawa mo?" Biglang sambit ni Jelo. Napaangat ako ng ulo at napatingin ako sakanya—kaming lahat pala.

"Huh? Anong moves?" Nabigla kami sa tanong ni Yash. Nagkatinginan kaming lahat at tumingin ulit sakanya.

"WALA KANG NAALALA?!" Sabay-sabay na tanong namin. Magkakaibigan nga kami.

"Kailangan ba talagang sabay-sabay kayo?" Natatawang tanong ni Yash habang pinupunasan ang sariling luha. Napangiti ako dahil nakangiti na si Yashika.

"Wala akong naaalala. Ang naalala ko lang ay may nakita kaming black na van ni——wait! Nasaan si manang?!" Biglang tanong ni Yash at napatayo pa. Pinigilan na siya ni Gerald. *sigh*

"Nasa maid's room na si manang. Nagpapahinga. Umupo ka muna." Mahinahong sambit ni Gerald. Nakahinga naman ng maluwag si Yash nung sabihin yun ni Gerald at umupo.

"Seriuosly, Yash? Wala ka talagang naaalala?!" Taas-kilay na tanong ni Jonas. Minsan talaga iniisip kong bakla ito eh.

"Mmm, wala talaga eh!" Sagot ni Yash na parang may inaalala talaga.

"Ikwento namin sayo kung anong nangyari kanina. Simula nung makakita kayo ng van hanggang sa mawalan ka ng malay." Sabi ni John. Tumango naman si Yash.

Ayun nga. Ikinuwento namin sakanya ang nakita namin. Kung titignan mo ang mga facial expression namin ay halatang humahanga kami kay Yashika.

"Oo! Tapos tumingin ka sa likod mo. Sinugod mo yun tapos sinuntok mo siya sa tiyan ng malakas. Pumunta ka sa likod niya at hinila ang buhok niya at.......PAAAAAAAAKKK!! Sinampal mo siya ng malakas!" Sabi ni Jelo. Tawang tawa kami sakanya dahil talagang gumagawa siya ng sound effects. Hahahahaha (^∇^)

"Oo nga! Tapos ang sabi mo para yun sa pagsampal niya kay manang! Tapos pumunta ka sa harap niya at.................BOOOOOOOOOOGSH!!! Sinipa mo siya sa dibdib! Ayun! Tumba silang apat!" Eto din si Gerald. Gumagawa ng sound effects. Hahahahaha.

"Hahahahaha! Alam niyo nakakatuwa kayo! Last Year ang sabi ko sa isip ko, masasama kayong tao. Kasi minsan nakikita ko kayong nakikipagbugbugan tapos papasok ng may pasa ay black eye. Bwahahahahaha. Tuwing uuwi si Kuya sa bahay, magtatawag siya ng make up artist tapos papalagyan niya ng make up ang mukha niya para hindi halata ang pasa sa mukha! Hahahaha! Tapos nahuli ko siya nun, ang sabi ko ako nalang ang magme-make up sakanya eh ayaw niya. Blinock male ko siya, ang sabi ko isusumbong ko siya kay Mommy na nakipagbugbugan nanaman siya kaya ayun nagpamake up siya sakin. Nilagyan ko ng lipstick at kung anu-ano ang pasa niya." kwento ni Yash at nagtawanan kami.

The Seven Dwarfs And Me (On Going)Where stories live. Discover now