Yashika's POV
"KUYA/HIRO!!!" Napasigaw kami dahil may pumalo ng baseball bat sa tiyan ni Kuya. Napahawak siya duon at napaluhod sa sobrang lakas ng pagkakapalo.
Tumingin ako ng masama sa pumalo. Mga nakauniporme sapagkat may kaniya-kaniyang mask ang mukha. Napangisi ako.
"Hindi niyo na kailangan pang maglagay ng mask sa mga mukha niyo dahil kilala na namin kayo." Sambit ko. Umangat ang mask ng pumalo kay kuya kaya naman ay alam kong nakangisi na ito. Lumabas sa madilim na parte ang pito nung sumenyas ang pumalo kay kuya at isa isa nilang tinanggal ang mask.
"Magaling ka talaga, Yashika." Nakangising sambit ni Benedict.
"Ganun talaga! Walang sakit eh." Pilosopong sagot ko.
"Ito ba ang epekto ng pangbubully saiyo?" Tanong naman ni Joshua.
"Hindi, nagpabully ako dahil may amnesia ako nun, ngayong bumalik ang alaala ko ay naalala kong ako si HELL. Kilala niyo ba ako?" Nakangising tanong ko sakanila. Nanlaki ang mata nila.
"H-Hell?" Nanlalaking mata na tanong nila. Alam kong nakatingin na sakin sila James.
"Oo, ako nga. Sa susunod ay kilalanin niyo ng mabuti ang binangga niyo ha? Dahil kapag dumapo ang kamay ko sa balat niyo, alam niyo na ang kasunod." Maangas na sambit ko. Natutulirong lumuhod sila, except kila Joshua at Benedict na nagtataka sa iniiaasta ng alagad nila. Nung nagka-amnesia ako ay bago lang silang dalawa dito sa DIS pero bago pa man ako magka-amnesia ay kilalang kilala ako ng mga alagad nila.
"Huy! Joshua! Benedict! Magsorry tayo——" pinutol ni Benedict ang sasabihin Aeron. Yes, kilala ko ang mga iyan dahil dati ko silang alagad.
"At sino ka naman para sambahin namin?" Tanong niya. Napangisi ako.
"Baka ma-trauma ka pag nakilala mo ko?" Maangas na sagot ko.
"Matatakot na ba kami?" Pilosopong tanong ni Joshua.
"Hmmm, siguro?" Parang nag-iisip pero nakangising sambit ko.
"Alam mo? Ang yabang mo!" Sigaw ni Joshua.
"Huy! Tigilan niyo na yan!" Pigil sakanila ni Mac.
"Bakit ba parang takot na takot kayo jan sa basurang yan?" Inis na tanong niya kila Mac.
"Hindi niyo siya kilala pero kami ay kilalang kilala namin siya! Kaya umalis na tayo dito!" Sagot ni Harvey.
"Sino ba kasi siya!" Galit na talagang sigaw ni Joshua. Magsasalita na sana sila kaso nagsalita ako.
"Huwag niyong sasabihin baka maging alagad ko yang mga yan." Utos ko. Wala silang magawa kundi yumuko.
"Kung umasta ka parang kang Reyna!" Sigaw niya. Napangisi ako.
"Yun nga! Reyna ako!" Sigaw ko. Naguluhan naman sila.
"Q-queen, please." Pagmamakaawa nila Mac.
"Wag kayong mag-alala, hindi ko kayo sasaktan. Ang sasaktan ko lang ay kung sino ang pumalo kay kuya." Biglang seryosong sambit ko.
"Ako? Anong gagawin mo sakin? Ang tanong, kaya mo ba ako?" Tanong ni Joshua na nakaturo pa sa sarili.
"Oo, kaya kitang patayin." Malademonyong ngiti ang ipinukol ko sakanya. Nakita ko kung paano siyang pinawisan at napalunok. Lumapit ako sakanya ng dalawang hakbang pero humakbang siya paatras ng dalawa.
"Oh? Bakit ka umaatras?" Nakangising tanong ko.
"Bumebwelo bakit?" Pilit niyang ginagawang maangas ang sarili. Lumayo ako at sumenyas na sumugod.
YOU ARE READING
The Seven Dwarfs And Me (On Going)
De TodoIsang babaeng dalawang beses nagka-amnesia,una noong bata siya, pangalawa 1st Year Highschool siya. Nang wala pa siyang amnesia, marami siyang nilihim sa kanyang pamilya. Itong sikretong ito ay mapanganib kapag nalaman mo. Itong sikreto na ito ay na...