Yashika's POV
"Ang astig niyo pala?" Biglang sambit ko. Nakita ko ang lahat ng nangyari. Naastigan ako sakanila promise! Nagtago ako sa mga dingding nun at hindi gumawa ng kahit anong ingay para walang makarinig sakin.
"YASH?!" Sigaw nilang lahat. Nakangising lumapit ako sakanila. Nagi-stretching pa kasi sila eh.
"Yash! Anong ginagawa mo dito? Baka mapahamak ka eh! Paano ka nakarating dito? Ok ka lang ba?" Natawa ako dahil sa pag-aalala ni kuya.
"Ok lang ako kuya. Pumunta ako dito gamit si Prince." Sagot ko.
"Prince?" Sabay-sabay na tanong nila except kay kuya.
"Oo, si Prince. Ayun oh! Yung race car ko daw. Buti nga naalala ko pa kung paano magdrive eh." Natatawang sambit ko.
"Yash naman! Bakit ka pumunta dito?" Inis na sambit ni kuya. Napa-pout naman ako.
"May narinig kasi ako kanina na sunod-sunod na harurot na kotse kaya bumaba ako at tinignan. May nakita akong apat na race car na sumunod sa kotse mo kuya. Sa pag-aalala ko ay nagpaalam ako kay mom and dad na sundan kita. Napilit ko naman sila. Tapos nung marating ko itong hotel na ito ay nagtago ako sa isang dingding. Sinapak ko muna yung tatlong nakatago dun bago magtago." Kwento ko. Niloloko ko lang sila na sinapak ko yung tatlong nakatago, ang totoo ay wala namang nakatago dun dahil lahat sila ay nagsilabasan na dun.
"SINAPAK?!" Sabay sabay na sigaw nila.
"Pwede pakihinaan? Baka kayo din masapak ko eh." Sambit ko na nililinisan kunyari ang tenga ko.
"Yash naman! Alam mo namang delekado dito eh!"
"Kuya naman! Alam ko pero nag-aalala ako eh!"
"Tsk! Tara na nga! Papalampasin ko ito Yashika ha? Sa susunod sasabihin ko kay dad and mom na grounded ka in Two weeks!" Sigaw ni kuya na hinihila ako papalabas ng hotel na yun.
"Tsk! Kuya naman! Eh paano kung napahamak din kayo?" Nag-aalalang tanong ko. Sinakay ako ni kuya kay Prince na kotse ko.
"Hinde! Wag kang susunod samin ha! Sige na! Umuwi ka na!" Utos ni kuya na nakadungaw sa window ng driver's seat ko.
"Tsk." Sabi ko nalang at pinaharurot ang kotse ko.
*TIIIING!*
HEHEHE ( ̄∀ ̄) May naisip ako.
Pinaandar ko yung kotse ko ng mabilis at maya-maya lang ay niliko ko ito para makabalik kila kuya. Nakita ko kung paanong manlaki ang mga mata nila.
Tinapakan ko yung silinyador ko. Bago ko sila mabunggo ay tinapakan ko ang break bago iliko ang manubela ko. Nakita ko kung paano napunta ang tuwa sakanilang mukha sa takot. Mga isang dangkal ang layo ng kotse ko kay kuya.
"BLEEEE!!" Dila ko sakanya at pinaharurot ang kotse ko papunta sa bahay.
"Bwahahahahahhahahaha!!" Tawa ko. Bwahahahaha.
Nang maipark ko si Prince sa garadge ay chineck kong mabuti yun kung nakalock at nakalock naman.
Pumasok na ako sa bahay.
"Mom! Dad! I'm home!!" Pero walang sumagot. Ewan ko pero bigla akong kinabahan.
"Mom?!" Sigaw ko ulit pero walang sumagot.
"Dad?" Sigaw ko ulit pero wala nanamang sumagot.
Wala naman silang sinabi sakin na aalis sila dahil si mommy ay walang pasok. Day off niya ay Saturday and Sunday. Ganun din naman si Dad. Bago ako umalis kanina ay wala silang sinabing aalis sila! Nagsisismula ng kumabog ang puso ko.
YOU ARE READING
The Seven Dwarfs And Me (On Going)
De TodoIsang babaeng dalawang beses nagka-amnesia,una noong bata siya, pangalawa 1st Year Highschool siya. Nang wala pa siyang amnesia, marami siyang nilihim sa kanyang pamilya. Itong sikretong ito ay mapanganib kapag nalaman mo. Itong sikreto na ito ay na...