Yashika's POV
"Huy, Yash. Gising na! Ano ba ang ginawa mo kagabi at puyat na puyat ka?!" Nagising ako dahil sa sigaw na iyon. Umupo ako,nag-unat, at kinuskos ang mata.
"Wala akong ginawa kagabi, ang alam ko lang nag-isip ako at nakatulog." Parang batang sagot ko. Naramdaman ko namang ginulo niya ang buhok ko.
"You need to wake up. Baka malate tayo pare-parehas niyan." Sabi niya. Pamilyar sakin ang boses na iyon pero sadyang ayaw gumana ng utak ko dahil tulog pa ito.
"Ayaw ko! Gusto ko pang matulog!" Pagmamaktol ko atsaka humiga ulit at natulog.
"Bahala ka! Breakfast pa naman natin ngayon afritada with eggs and rice." Napabangon ako sa sinabi ni kuya. Yung sinabi niya kasi kung ano ang breakfast tsaka lang gumana yung utak ko. Lol ( ̄∀ ̄) hehehe.
Bigla akong bumangon atsaka naligo, nagbihis ng leather pants at plane white t-shirt na pinatungan (wag green ( ̄∀ ̄)) ng black leather jacket na ang sleeve ay hanggang siko lamang. Hi-tech na wedge heels (black) na may dalawang button; yung isa (kaliwang sapatos) ay kulay red na ang ibig sabihin ay kukunin ang kutsilyo na nakatago sa secret pocket ng sapatos ko. Imposible man ay lima ang nakatago duon at yung isa (kanang sapatos) naman ay kulay green na ang ibig sabihin ay didikit ito ng pagkahigpit-higpit na pwede kang maglakad sa mga dingding. Sinuot ko din yung gloves ko na ginamit ko kahapon.
"Good Morning!!" Sigaw ko na nagmadaling bumaba dahil baka maubusan ako ( ̄∀ ̄) hehehe.
"Pagdating talaga sa pagkain, ang bilis bilis mo noh?" sarkastikong sambit ni kuya.
"Yan na pala ang bagong good morning ngayon?" Sarkastiko ding sambit ko atsaka ibinuhos ang afritida with egg sa kanin ko na tatlong sandok. Hehehe ( ̄∀ ̄) ibinuhos ko talaga kaya onti lang natira kila dad at kuya hehehe ( ̄∀ ̄).
"Takaw talaga ng baby ko, hindi naman tumataba!" Sambit ni sa daddy. Ngumisi na lang ako at sinimulang kumain.
Mmmmm!!! Ang talaaaaapp!! (☆∀☆) (☆∀☆) (☆∀☆)
"Mwehehehe ( ̄∀ ̄) (☆∀☆) hangtalaaap!" Bulong ko na parang bata na ninanamnam pa yung pagkain. Natawa naman sakin sila dad and kuya. Salamat naman dahil mabilis na nakarecover si Dad kahit kakaunti. Alam kong palihim niyang iniiyakan ang pagkamatay ni mommy. Ganun din si kuya. Ako naman ay pinipilit kong makarecover, aaminin kong unti-unti na akong bumabangon pero ang masasabi ko MAHIRAP. Hindi ko lang talaga pinapakita ang emosyon ko sakanila pagdating kay mommy.
Nang matapos naming magbreakfast ay nauna na akong lumabas ng bahay. Lumapit ako kay Prince na sasakyan ko. Kinuha ko yung maliit na remote sa pocket ng pants ko at may pinindot dun dahilan para bumaba ang bintana ng nasa driver's seat. Humawak ako sa bubong atsaka tumalon papasok sa binatana ng kotse ko. Ganun lagi ang ginagawa ko kapag energetic ako hehehe ( ̄∀ ̄)
"Mauuna na ako!" Sigaw ko. Nang makabukas ng malaking malaki yung gate namin ay tsaka ko pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa school. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung gaano karaming mga LALAKI—yes mga lalaki—ang nasa gate ng school. Maski isang babae ay wala! Puro mga lalaki lang talaga. Nang makita nila sasakyan ko ay napansin kong.............nag-ayos sila ng itsura nila?
Dinouble check ko yung loob ng sasakyan ko. Pagtapos nun ay kinuha ko sa katabing upuan ko ang bag ko atsaka bumaba ng naka-sun glasses.
"Woooaaahh!!"
"F*cking Chicks!!"
"Ang ganda niya!"
"Ang sexy niya, Tol!"
"Takte! Tinalbugan girlfriend ko! Tsk!"
"In love na ata ako sakanya. Tsk."
"Sarap niya!"
YOU ARE READING
The Seven Dwarfs And Me (On Going)
AcakIsang babaeng dalawang beses nagka-amnesia,una noong bata siya, pangalawa 1st Year Highschool siya. Nang wala pa siyang amnesia, marami siyang nilihim sa kanyang pamilya. Itong sikretong ito ay mapanganib kapag nalaman mo. Itong sikreto na ito ay na...
