Chapter 3
(Lesly's POV)
"So what do you want to eat?" nakangiting tanong ng unggoy sa harap ko.
Ako naman ay yun patuloy parin nakatitig sakanya. Nakahalukipkip. At pinagsasasaksak siya ng buhay---sa isipan ko. "What do I want?want do I want?!—gusto kitang balatan ng buhay!" inis na tugon ng isipan ko.
"Hello anybody there?" pa-cute na tanong nito saakin sabay ikinaway-kaway ang kanyang kamay sa mukha ko. "Huy! Kanina ka pa tahimik jan ah. Naiinlove ka na ba saakin?" mayabang na wika nito.
Dun lang ata gumana yung utak ko. Nabuhayan muli ako dahil nakita kong nabuhay ang kapre na pinagtataga ko sa isipan ko.
"hindi ka rin makapal noh?" taas kilay kong sinabi.
"Eh kanina ka pa tahimik jan eh wala ka nang ginawa kundi titigan lang ako buong magdamag. Kaya baka siguro—"
"At hinding hindi mangyayari yun!" agad kong isinumbat.
"umorder ka na garud jan keysa naman sa tinititigan mo tong mala-gwapo kong pagmumukha" halos masuka na ako sa sinabi niya kaya dali dali kong binuksan ang dala dala kong plastik.
"Ang sabihin mo, yang mala-EMPAKTO mong pagmumukha!"
"Impakto ka jan? at ano yan ha? Nagdala ka pa talaga ng plastic. Kung gusto mong mag-take-out pwede mo namang i-pasabi jan sa counter" sambit nito.
"Nakakasuka ka talaga!" pinanlabuan ko siya ng mga mata habang hawak hawak parin ang nakabukas na plastic.
"Ang sabihin mo nakakinlove. Amin na nga yan" at saka inagaw saakin ang hawak kong plastic.
"Hindi ka makakakain ng maayos kung hawak mo ito" sabay lukot niya dito at saka binulsa.
"Hmmmp!"
Wag niyo akong pigilan matatadyakan ko na talaga ito!
Ngunit dahil sa mahal na mahal ko ang sapatos ko at wala akong gagamitin pauwi pipigilan ko muna ang nangangati kong paa. 'Para sa sapatos ko!para sa sapatos ko!' Ipinikit ko saglit ang mga mata ko at inalala nalang na gagawin ko to para sa sapatos ko at pati na rin sa 1 month ay! Este 1 week na palang kalayaan ko.
"Okay. You want me to play your game! Pwes! Maglalaro tayo! Diba tinatanong mo kung anung gusto kong kainin?" taas kilay kong tanong.
"Yes! Nakapili ka na ba?" tanong nito habang hawak hawak ang menu.
"Ibibigay mo ba lahat ng gusto ko?" mataray kong tanong sakanya.
"Yeah. Sure anything you want" wika naman nito. Na parang hindi masindak sindak sa pagtataray ko.
Kinuha ko naman ang menu na nasa tabi ng table at tinignan kung pagkain ang pwedeng maituro.
"Okay" kalamado kong sinabi.
" I want THIS!THIS!THIS!THIS!THIS! and----- THIS! And for dessert I want THIS!" nangalay yung daliri ko sa katuturo ng mga pagkain sa menu.
Sinulyapan ko siya saglit at parang manghang mangha siya sa mga pinagtuturo kong pagkain sa menu.
"Wow! You have a big appetite" patango tango siya. Walang imik siyang tumingin saakin na parang ino-obserbahan kung ano ang susunod kong gagawin. Mga ilang sandali ay nagsalita na ito.
"Iyon lang ba?" walang kibing tanong nito na parang wala lang sakanya yung mga tinuro ko.
"Sandali" pagpapatigil ko sakanya.

BINABASA MO ANG
The Jerk Who Broke My Heart (Completed)
RomanceDumating na ba sa buhay mo yung kinikilig ka sa isang tao pero sa huli pakikiligin ka lang pala tapos iiwan ka lang sa ere. Ayun nang-gigigil ako sa mga ganun mga salot sa lipunan. Ayun, nag Author's note lang naman ako kasi nah-highblood nanaman a...