Chapter 16: Lets go!

125 0 0
  • Dedicated kay Ano-Florence Cudlas
                                    

Chapter 16



(Lesly's POV)

"Levi Montinegro?"

Natigilan ako saglit at inalala kung saan ko ba narinig yung pangalan na yun.

"Ah! yah-yah- I read your resume. But wait what do you mean 'Montinegro'? Kaano ano mo itong bakulaw sa tabi ko?" palihim kong itinuro ang unggoy sa tabi ko na tumalikod.

Napahagikgik naman siya kaunti saka napangisi nalang ng sulyapan niya din saglit si negro. "Yung bakulaw lang naman na yan eh ang nag iisang kapa--"

"Tara na nga Lesly" naputol ang usapan namin ng bagong system designer ng bigla bigla nalang akong tangayin ng bakulaw.

"H-hoy! Wait teka muna.. Ano sa tingin mong ginagawa mo!?" gulat na sinabi ko dito dahil bigla bigla nalang nitong hinila ang kamay ko. Ngunit para lang akong isang ipis na bumubulong dahil ni isang tingin ay hindi niya ako sinulyapan.

Napatingin ako kila Jesica at Synthia ngunit bakas sa mga mata nila ang tuwa kahit gaano pa kapait ang ipinapakita kong ekpresyon sa aking mukha.

"So is that a yes?" sigaw pa mismo ni Jesica na imbes na tulungan ako ay may ganas pa itong kumaway-kaway habang tinatangay ako papalayo. At bago pa man ako nakapagsalita ay palabas na kami ng pintuan.

(Lester's POV)

"Aray ko naman!" pahasik na sigaw niya. Saktong nasa tapat na kami ng motor ng bitawan ko siya. Hinimas himas niya ito saglit saka tumingin saakin ng masama. "Pwede ba? Ha! Kung gusto mo din lang akong palabasin pwede naman nating idaan sa malinis na usapan hindi yung basta basta mo nalang akong tinatangay! Langya to! Tapos kung makabitaw ka naman sa kamay ko parang sayo ah! Bakit basura ba 'to na ganun ganun mo lang itapon?!" nanlalaki ang mata niyang kumausap saakin.

Namaywang lang ako habang pinagmamasadan siyang dumakdak. Hayy. Satsat nanaman ng satsat. Hindi ba matatapos ang kadaldalan nito!? Dapat pala sana nilagyan ko muna ng packing tape, masking tape o anu mang tape na makapagtitikom sa bibig nito bago kami lumabas. Hmmm... !!

"Hoy! Anung iniisip isip mo jan tungkol saakin ha!?" tiklop kamay siyang nakatingin saakin.

Chismosa talaga. Lakas ng radar kaya pati laman ng utak nasasagap. "Ah wala to talaga ang dami mong alam. O san mo gustong mag victory party?" tanong ko nalang sakanya.

"Sa bahay dun ako mag vi-viuty sleep" mataray na sagot naman nito.

Grabe tong biik na to ang ayos ayos ng tanong ko ang taray taray namang sumagot hayy ibenta ko to sa babuyan eh. Pero dahil hindi din naman ako magpapatalo, nagtiklop din naman ako ng kamay saka taas noong tinignan siya. "Victory party sabi ko hindi 'viuty sleep'" tinitigan ko siya ng maigi.

Itinaas naman nito ang kanyang takong upang lumebel saaking mukha. "Aba! Ama-sorry naman diba kung yun yung GUSTO KO pagkatapos ko kasing magdadadakdak ng DALAWANG ORAS sa TRABAHO eh basta basta mo nalang HINATAK YUNG KAMAY ko kaya yun kahit papaano eh gusto ko din namang magpahinga ok po ba yun SER?" sopistikado pa siyang namaywang.

"Bibig at kamay mo lang naman ang napagod" nang iinis ko naman sinabi dito.

"Hoy! Excuse me mapa-bibig, baba, gilagid o bilbil ko man yan parte parin yan ng katawan ko ha! Kaya wala kang karapatang sabihan ako kung anung pagod at anung hindi. Tapos, tapos may gana ka pang ngumiti ngiti jan! Ang sarap mo talagang--- hayy stress...stress..." kitang kita sa mukha niya ang inis at galit kasabay pa ng mga ilang patak ng laway na tumalsik mismo sa mukha ko. Ew.

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon