Chapter 22: When the boss knows the truth

99 0 0
                                    

Chapter 22


(Lester's POV)

Tahimik lang akong nakamasid sa may tanawin habang relax na relax na nakaupo sa may swivel chair.

Bumuntong hininga ako.

 Sa totoo lang namimiss ko na ang buong grupo. Yung dalawang kolokoy, isang balyena, isang kawayan at siya...

            Pagkarating na pagkarating ko sa condo ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa may kama. Parang nawalan tuloy ako ng ganang mabuhay. Nakakapagod pala ang ganito. Ang maghintay. Ang umasa sa taong alam mong hindi na pwedeng mapasayo.

Alalahanin mo Lester nung araw na iniwan ka at sumama sa kuya mo, yun din yung araw na tinalikuran ka niya na at tuluyan nang kinalimutan.

Ah Sht! Malakas na ungol ko saka ko isinubsob ang mukha ko sa may unan.

Kinabukasan.

            Last two months ago, napagpasya akong huwag munang pumasok ng mga ilang araw, kaya nagpunta ako sa building at nagpaalam para mag leave. Tumagal ng isang linggo kaya  naisipan kong magresign nalang sa R.N.M.N ngunit bago ko pa nasabi iyon sa Main head ay inunahan na nila ako sa sasabihin nila. Sinubukan nila akong ilipat sa R.N.M.N sa Manila dahil kitang kita na raw dito ang pagkalugi ng kompanya at isa ito sa pwedeng makaapekto sa buong R.N.M.N company. Hindi ko naman na pinalagpas ang pagkakataon kaya pumayag nalang ako.

            Nagpaalam ako sa buong staff at sa grupo ngunit isa lang sa mga ito ang hindi ko nakausap at iyon ay si Lesly. Nagpunta daw ito sa Batangas para sa isang business meeting. Hindi ko na ito nahintay dahil sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko tuloy ang bawat araw ng panloloko at pagsisinungaling ko sakanya patungkol sa pustahan namin ni Levi. And speaking of Levi hindi ko rin siya nakita nung mga araw na iyon.

"I'm so sorry Lesly. At nagawa ko iyon sayo" mahinang usal ko.

            Alam kong masakit sa parte niya, lalo na kung malaman niyang pinagpustahan ko lang siya dahil sa kagustuhan kong makita si Cloisa. I was so dumb and stupid na nagpadala ako sa mga kalokohan ni Levi. Pero alam ko namang hinding hindi siya mahuhulog saakin. Hinding hindi siya magkakagusto sa isang tulad ko. Sino nga ba naman ako para magustuhan niya? napakataas niya at punong-puno siya ng abilidad para lang abutin ng isang katulad ko. Isang katulad kong... walang kayang ipagmalaki at walang mapatunayan sa buhay.

            Narinig ko ang malakas na pagkatok sa pinto. At kung sino man iyon ay siguradong hindi iyon ang in-assign saaking sekretarya, ng mabilis magbukas ang pinto ay laking gulat ko kung sino ang nakita ko.

(3rd person)

"So anu nga uli iyon Jerick? Sino yung sinasabi mong pinagpustahan nila?" muling itinanong ni Lesly sa nakangangang si Jerick. Ang ibang mga kasamaan din naman nito ay parang nanigas nalang sa kanilang kinatatayuan.

"a-ahh...L-lesly...ka-kasi..." kinakabahang sinasabi ni Jerick.

"Kasi ano?" muling tanong nanaman nito sakanya. Narinig niya itong napamura at napapikit.

Lester patawarin mo ako. Mahinang bulong ng isipan niya.

"k-kasi ganito yan..." pagsisimula niya. Napalunok naman ito at ang kahawak kamay niyang si Chrome ng maramdaman nilang unti-unting sumasara ang pinto at paseryoso ng paseryoso ang mukha ng kaharapan nilang kanina'y nakangiti lang.

***

"Ahh...so magkapatid pala ang dalawang yun..." patango tangong sinabi nito. "Bakit parang ako lang ang hindi nakakaalam?" nakangiti niya pang itinanong.

            Nagkatinginan lang ang dalawa na parang hindi alam ang sasabihin dahil sa parang nanuyo na ang kanilang lalamunan. Damang dama parin sakanila ang kaba sa tuwing tuwang-tuwa si Lesly-ing interogahin ang mga ito. Alam kasi nila na sa oras na ganoon na ang ikinikilos niya ay mas lalong nagdidilim ang aura nito.

"Ok. Maraming salamat sainyong dalawa sa napakaraming impormasyon nakalap ko" presko nitong sinabi habang unti unting naglakad patungo sa pintuan. "Pwede niyo nang ipagpatuloy ang mga trabaho niyo...at ikaw Jean"

"Yes ma'am" alertong napatayo naman ito.

"Take over for tomorrow. Dahil may im-por-tan-te akong lakad bukas" saka nito binalingan ang dalawa. Mula sa pagkakahawak kamay ng mga ito ay kabado na silang nagyakapan. Mala-demonyo naman siyang ngumisi saka tumalikod at unti-unting isinara ang pinto.

Nakahinga naman ng maluwag ang dalawa at halatado sa mga itsura ng mga ito na alam na nila ang susunod na gagawin ni Lesly.

(3rd person)

"Grabeng tindi naman ng init dito sa manila" pagrereklamo nito habang todo sa pagpapapay. Ng makababa ito ng bus ay dali dali siyang pumara ng taxi papuntang R.N.M.N Manila.

"Humanda ka Lester! Magtutuos tayo ngayon!" sigaw ng isipan nito.

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon