Chapter 1
(Lesly's POV)
"Ay tulume!---anak ng! ano ka ba naman Lester wag na wag mo nga akong ginugulat ng ganun!" nasapo ko ang dibdib ko ng bigla nalang may pumasok sa opisina ko. As usual. It was Lester trying to ruin my day again.
"ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.
"ano bang ginagawa mo jan?" tanong niya naman saakin.
"Are you here to annoy me again?" taas kilay ko itong tinignan.
"No. I'm here to ask what you're doing. Nabo-boring na ako sa office ko. Tapos ko na rin naman yung mga reports na pinagawa mo saakin. I've already went to the programmer analyst para tignan kung na-finalized na nila yung last project natin for this upcoming month and they've said 'yes'. Im bored. Wala na din naman akong mapagkaabalahan. So I came here to see you" nakangiti nitong sinabi.
"Aba! aba! Napaka komportable ata ng buhay mo at ni wala ka manlang ginagawa kundi magreklamo ng magreklamo. Pasalamat ka pa nga at iyon lang ang tanging pinapagawa sayo tapos ikaw pa ang may kusang magsabi na nabo-bored ka? Sige! As the new Head of this company and as the new Chief Technology Officer i-mop mo lahat ng tiles sa building na ito starting from the basement hanggang sa rooftop!" humalukipkip ako.
Antipatikong unggoy to!
"Rooftop? Wala namang mga tiles dun ah" bulalas nito.
"Papalagyan ko kaya umpisahan mo na ngayon" sambit ko ng tumalikod ako sakanya.
"ayoko nga! Masyado akong gwapo para gawin ang mga ganong bagay. And besides meron naman si Mang Kardo na janitor dito sa R.N.M.N building. Yun ang trabaho niya kaya siya ang gumawa" ani nito na parang isang batang tinatamad kung utusan.
"Ikaw talaga napaka kapal ng mukha mo! Ewan ko ba kung anung gagawin ko sayo! Nakaka high blood ka! Nakaka stress ka! At nakaka---"
"In-love?" sambit nito ng nakangiti at sinabayan pa niya ng pagpapapogi points sa harap ko.
"Nakakakilabot ka! Lumayas ka nga sa opisina ko" pasigaw kong sinabi sakanya at sabay itinuro ko ang pinto.
"Ayaw ko nga!" humalukipkip ito at sabay tumalikod saakin.
"Aba! At tumatanggi ka na sa mga inuutos ko sayo ngayon ha! At wag mo nga akong tinatalikuran kapag kausap pa kita!" inis na sinigaw ko dito. "Hoy! Aalis ka ba dito o ako mismo ang kakaladkad sayo palabas?!" pinilit kong kumalma sa pagkainis ko dito ngunit ilang sandali ay inilapit nito ang mukha niya saakin.
"A-YO-KO-NGA!" nangigigil naman niyang sinabi.
"huwag mung ilapit lapit yang mukha mo sa akin, at baka mapasa sa akin ang kaitiman mo! lumayas ka na sabi eh--Mr. Montinegro pinipilit ko munang kumalma dahil ayaw ko munang madumihan ang reputasyon ko bilang bagong department head ng building na ito. So if you please, Kung maaari lang eh lumayas ka na dito sa opisina ko bago pa ako maubusan ng pasensiya sayo at sa mismong pagmumukha mo" kalmado kong sinabi.
"No!" pagpupumilit nito.
Naku!naku! ang pera ko marami pa pero ang pasensiya ko dito sa kutong lupang ito ay konting konti nalang!Masasakal ko na ito eh.
"ano bang kailangan mo dito ha?" pinandilatan ko siya ng mata.
"No Ms. Santiago the question is 'Sino ba ang kailangan ko dito'" pagtatama nito.
"Oh eh sino nga ba?" natataka kong tanong.
"Well duh? Ikaw lang naman ang nag iisang tao dito sa kwartong ito sino pa nga bang kakailanganin ko?" supaldo nitong sagot.
"Aba! Eh anung malay ko kung balak mung buhatin lahat ng laman ng opisina ko at ang secretary ko na nanjan sa labas, Bakit anu bang kailangan mo saakin?" tanong ko ulit sakanya.
"Nothing much I just need you and your time"
"Bakit anong binabalak mong gawin saakin? kung irerape mo ako, wala akong balak na patulan ka"
"Ang kapal ng mukha mo, saka ko na gagawin yun kung tinotopak na ako"
"Pweh! at anu ngang kailangan mo? Pwede bang i-deresto mo na at sandamakmak pa ang gagawin ko!"
"I want to ask you out on a dinner" preskong sumbat nito.
"On a date?" pagtatama ko.
"It's not much of a date"
"Hindi naman pala eh"
"It's a dinner date" pagtatama nito
"Wala akong oras sa pakikipagdate ngayon dahil bisi ako" pagrarason ko.
Wala naman talaga akong hilig makipagdate. Mas gusto ko pang sa bahay nalang at kumain. Mas ok na yun kaysa makasama itong ulupong na ito ng ilang oras. Ikakamatay ko iyon sa sobrang suffocation sa mukha nito.
"Hindi naman kasi ito tungkol sa trabaho kaya bakit pa ako magsasayang ng oras na makipagdate? Lalo na sa tulad mo" saka ko siya minulagatan mula ulo hanggang paa.
"O come on. Any women would love to date me. To be with me. To have dinner with me. Tapos ikaw lang itong tumatanggi saakin. Alam mo ba kung gaano kalaking pribelehiyo ang mawawala sayo oras na tanggihan mo ako?" pagmamayabang pa nito.
"I don't care. It's not like you're the only man living on this planet. At excuse me hindi ako katulad ng mga babae mong desperadang makasama ka na walang wala ng puri at pinag titiisan kang kaharap ng ilang oras. Wag na wag mo akong itulad sakanila dahil malayong malayo ako sa mga kauri nila. Sila patay na patay sa mukhang insektong katulad mo. Habang ako isang taong halos masuka na sa kahit sulyap sa budhi mong maitim at mukha mong mas maitim!" galit na sigaw ko sakanya.
'Ba! anung akala nito ganun ako kalandi?
"hmmm.." wala siyang nasabi at pinagmamasdan lang ako. Mga ilang sandali ay nagsalita na ito.
"Interesting..." patuloy niya muli akong pinagmamasdan. "Tell you this Ms. Santiago, date me tonight and I'll leave you alone for 2 days" wika nito ng parang nakikipag bargain saakin.
"no" pagtangi ko.
"3 days?"
"no"
"4 days"
"no"
"5?"
"no"
"eh ano bang gusto mo?"
"forever"
"1 week?"
"a lifetime"
"Okay. 1 month take it or leave it?" nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba to o hindi.
"Okay. Deal" inilahad nito ang kamay niya at nag-aalanganin akong tanggapin. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil feeling ko binenta ko na ang sarili ko sa kutong lupang ito. Tuluyan na siyang lumayas ng opisina na ngingiti ngiti at saka isinara ang pinto.
Napaupo nalang ako sa swivel chair ko at sinapo ang aking ulo.
1 night kapalit ng 1 month na hindi siya mangbubulabog sa buhay ko. Tama nga ba ang ginawa ko?
Wala naman sigurong masamang mangyayari.
Nag kibit balikat nalang ako.
Malapad na pag ngisi ang binitawan ng mga labi ko. Gustong magtatalon ng puso ko sa tuwa dahil hindi niya ako guguluhin for 1 month kaya naglabas ako ng papel at ballpen sa aking drawer at isinulat lahat lahat ng mga pwede kong I-enjoy sa buhay ko sa darating na one month na walang unggoy na mangungulit at sasabit sabit sa kalayaan ko!

BINABASA MO ANG
The Jerk Who Broke My Heart (Completed)
RomansaDumating na ba sa buhay mo yung kinikilig ka sa isang tao pero sa huli pakikiligin ka lang pala tapos iiwan ka lang sa ere. Ayun nang-gigigil ako sa mga ganun mga salot sa lipunan. Ayun, nag Author's note lang naman ako kasi nah-highblood nanaman a...