Chapter 18
(Lesly's POV)
Saktong huminto yung motor sa harap ng gate nila Chrome, naririnig ko na rin yung mga ingay at kantahan dito. Bumukas yung pintuan ng gate at ang bumungad saamin ay si Levi yung bagong system designer. Napansin ko namang nag iba uli yung timpla ng mukha ni Lester ng saglit akong napasulyap dito.
"Oh nandito ka din pala" gulat na sinabi ko dito.
"Ah oo inimbita ako ni Chrome sa anniversary party nilang dalawa ng asawa niya" ani nito saka ngumiti. Maamo naman siyang tignan pati nung unang nakita ko siya. Medyo may itsura din at parang madaling mapakisamahan, ano namang kayang ikinagagalit ng katabi ko dito?
"Nanduon pala silang lahat sa likod" wika ulit nito. Tumalikod na ito para pumasok, sinundan ko naman at sumunod din si Lester sa likuran ko.
Binalingan ko saglit si Lester, para itong biyernes santo na nakakunot ang noo at nakahalukipkip sa likuran ko. Wala sa mood ang itsura niya at banas na banas habang tinitignan yung bagong system designer.
"Huy, anung problema mo?" nagtatakang tanong ko dito. Para naman siyang isang posteng walang narinig dahil hindi manlang ako tignan.
Sinabayan ko siya papasok saka siniko, "HOY! Ang sabi ko anung problema mo?" lakas tono kong tanong dito. Medyo nabuhayan ata siya sa siko at lakas ng boses ko kaya napalingon na ito saakin.
"Ah bakit?" pagtatanong naman niya na parang hindi parin narinig yung sinabi ko.
"Mukha kang naluging unggoy jan sa itsura mo, anung meron?" tanong ko uli sa kanya.
"Wala" pagkukunwari naman nito.
"Wala? Parang simula nung makita mo yung bagong system designer natin palagi ka nalang seryoso" sabat ko naman dito.
Napakamot nalang siya ng batok na parang nairita sa mga sinabi ko saka agad nang dumiretso sa labas. Medyo napakunot yung noo ko, hindi ko talaga maintindihan kung anung iniisip ng lalakeng iyon.
***
Masayang nag kakaraoke ang lahat ng mga tao sa oras na iyon. Lalo na si Synthia na todo birit sa inaawit nitong 'Pusong bato' at kahit medyo sintonado ay pinalakpakan pa ito sa nakuha niyang score na 99. Sa kabilang dako naman ay nasulyapan ko si negrong tahimik lang sa isang sulok kasama ang mga iba na masayang tumatagay ng alak.
Lalapitan ko sana at masabuyan ko ng hawak kong juice sakaling magbago ang mood pero
"wag mo na ituloy yang binabalak mo" narinig kong sinabi ng isang lalake. Napatingin naman ako sa kung sino mang nag salita saka ko naaninag si Levi.
"Ha?" napatingin ako sa hawak kong juice. "a-ah hindi ibigay ko lang sakanya malay mo nauhaw sa sobrang pagiisip" malawak na ngisi ang pinakawalan ko.
"I already gave him one kaso hanggang ngayon hindi niya parin ginagalaw" saad naman nito.
"Ah ganun ba sayang naman" Nakahinga ako ng malalim. Akala ko nabasa niya yung binabalak ko."San ka nga pala pumunta kanina?" tanong nito.
"Galing ako sa isang madramang eksena" sarkastikong sagot ko naman sakanya.
***
Pagkapasok na pagkapasok kasi naming tatlo sa loob eh mismong una kong namatahan yung impakta kong sekretarya. Aba! Sumama din pala ang bruha! Kahit na sinabihan kong tapusin niya munang i-summarize yung buong Content ng project, pero nandito siya ngayon at harot na harot pang sumayaw! She really never fail to surprise me.

BINABASA MO ANG
The Jerk Who Broke My Heart (Completed)
RomanceDumating na ba sa buhay mo yung kinikilig ka sa isang tao pero sa huli pakikiligin ka lang pala tapos iiwan ka lang sa ere. Ayun nang-gigigil ako sa mga ganun mga salot sa lipunan. Ayun, nag Author's note lang naman ako kasi nah-highblood nanaman a...