Chapter 11:The secret

115 2 0
                                    

Chapter 11



(Lester's POV)

"So how's my little bro?" wika ni Levi habang naglalagay ng beer saaking baso.

Kasalukuyan kaming nasa isang bar kasama sila Jerick Chrome at iba pa. Boys night out daw para sa bagong miyembro ng team pero para saakin parang isang tinotorture na makita at makasama ko muli si Levi.

"No. I don't drink. Just order me some ice tea" wika ko habang nakayuko at nakahalukipkip lang sa isang sulok.

"Wooh! bakla ka naman pre! uminom ka na jan parang di naman natin yan gawain dati" wika naman ni Chrome na sasayaw sayaw sa tabi ng mesa namin.

"Shut up dude I'm not in the mood" naiinis na wika ko dito.

Sumenyas naman si Levi sa babaeng waiter na kunan ako ng ice tea, kinindatan niya ito at agad din naman itong sumunod.

Kinuha niya ang kanyang inumin sa mesa at saka tumagay habang nakatingin sa mga taong sumasayaw.

"Why because I'm here?" saad nito saka ibinalik ang baso sa mesa.

Dumating ang waiter dala ang ice tea na ipina-order niya. Inilapag iyon sa mesa at kinuha naman ni Levi upang iabot iyon saakin.

"Here's your ice tea little bro" aalok niya saakin. Kinuha ko ito ng walang pagdadalawang isip saka uminom.

"So where is she?" sambit niya. Malapad ang ngiting ibinigay saakin. Napatigil ako sa pag inom.

"Sino?" wika ko sakanya.

"Aw! com'on the girl you're suppose to show me"

"Seriously, I don't know what you're talking about"

"Diba sinabi mo may nakita ka na? Wait, let me recall her name... is it... umm.. Leila? no--Lexi? No she's my ex, Leyna no--"

"Lesly!" nakangising wika ni Jerick na pakendeng kendeng din kasama ang kasayaw nitong babae.

"Bingo!" nakangising itinuro naman ni Levi ang kanyang hintuturo kay Jerick saka humarap saakin.

"Where is she? that Lesly girl?"

"Uy! Lester ha! tuluyan ka na atang nahulog dun kay boss Lesly at pati sa kuya mo nakakarating na yung kwento"

"Shut up! Jerick"

"Chilax bro, so what nakuha mo na ba siya? or talo ka na sa pustahan natin?"

"Wooooooah!" bulalas nila habang ito namang si Mike na kasamahan lang sa trabaho ay may patakiptakip pa ng bibig na nalalaman.

"Pustahan? pinagpustahan niyo si Lesly?" wika ni Chrome na iniwan na ang kasayaw at parang naging isang alipungang dumikit saakin.

"Well, yeah" kampanteng sagot ni Levi. "you didn't know?"

"Enough" pagpipigil ko sakanya.

"Ow damn tol, patay ka kay Lesly once na malaman niya yan"

"Kaya nga wala kang sasabihin diba?" pagmamanipula naman ni Levi.

"Sure, pero anung klaseng pustahan ba yan?" curious na tanong ng katabi ko.

"Well, pag natalo ako i'll leave once and for all, and He gets to see her pretty little love Clo---"

"ENOUGH!"

"Bakit si Lesly pa? eh marami namang ibang mas sexy na babae jan ah" tanong naman ni Jerick.

"Kilala niyo naman itong kapatid ko matinik pagdating sa babae kaso hindi challenging kung ganun ganun nalang kadali sakanya ang pustahan namin. So para mapahirapan naman siya kumuha ako ng list ng mga hard to get na babaeng mahirap akitin na kailangan niyang mapaibig sakanya"

"Kaya si Lesly ang napili mo?" curious na tanong saakin ni Jerick.

"Well actually wala siya sa mga listahan na ginawa ko but I think sa mga naririnig ko about that Lesly girl eh talagang mahihirapan itong kapatid ko at ngayon mahihirapan siyang makita si Clo--"

"I said that's enough!" idinabog ko ang baso sa mesa saka ko siya kinwelyuhan. Agad-agad naman kaming pinag hiwalay ng grupo ngunit bago iyon ay nakasuntok ako sa may parte ng mukha niya kaya siya bumagsak sa sahig.

"SHUT UP! no more of that pathetic deal, kung sayo talaga siya sumama wala na akong magagawa pa doon!" ngumiti lang siya.

Napahawak siya sa gilid ng bibig niya saka pinunasan ang tumulong dugo.

Damn! He pissed me off!

Nilayasan ko nalang sila at nagmamadaling sumakay sa aking motor.

Badtrip! bakit pa kasi dumating yun.

            Awtomatikong bumukas ang gate ng bahay. Napansin kong tumawag ang guard sa telepono dahil nakita kong nagmamadaling lumabas ang aming yaya.

"Sir Lester, nandito po pala kayo. Maraming salamat po at naka dala--"

"Nasan si papa?" tanong ko dito saka isinabit ang helmet sa may handle.

"Nasa loob po nagpapahinga, katatap--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at nagmadaling pumasok sa loob.

Nabigla ako sa mga nakita ng mata ko ng makita kong nakaupo nalang sa isang wheelchair ang dating matipunong katawan kasama ang isang mestisang babae na umaalalay dito.

"Pa" pagtawag ko sakanya. Sinulyapan niya lang ako saglit saka nag iwas na ng tingin.

"Bakit di niyo manlang sinabi na uuwi si kuya?" iritadong tanong ko dito.

Wala siyang ibinigay na sagot kundi katahimikan lamang. Sinenyasan niya ang babaeng umaalalay sakanya na ipunta na siya sa kanyang kwarto.

"Pa!"

"Umalis ka na dito!" masidhing sinabi nito.

"Kailan siya dumating kasama niya ba si--?"

"Ofellia, paalisin mo na nga yang batang yan sa pamamahay ko" narinig kong sinabi nito sa babae.

"Bakit pa? wala na ba akong karapatang tumapak sa pamamahay na ito? purkit ba wala na si mama?"

"GET OUT! and never come back!" lalong lumakas ang tono ng boses niya.

"Bakit dahil ba wala na si mama at may bago ka nang pinagkakaabalahan?"

"I said get out! you are not my son and you'll NEVER WILL BE--" napahawak ito sa kanyang dibdib na parang nanghihina.

"Papa!"

Pinigilan ako ng mestisang babaeng makalapit dito. "Leave now. Please, your father's not in a good condition right now" wika nito saka dali-dali niya na itong ipinasok sakanyang kwarto. Dali-dali rin namang sumunod ang mga nurse na ipinatawag ng mestisang babae.

Hindi ako makapagsalita. Hindi rin makaisip. Nalilito ako at nangamba na baka sa oras na ipagpilitan ko pang lumapit sakanya ay tuluyan nang mawawala ang nagiisang magulang at alaala na iniwan ng yumaon kong ina.

"Sir, Lester mag-iingat po kayo" wika ni yaya Rosa. Isinuot ko naman ang helmet saka ipaandar ang motor.

"Salamat.." kumaway kaway nalang siya kasama ang guard saka tuluyan ko nang pinaharurot ang sasakyan.

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon