Chapter 19: Saan ka pupunta?

120 1 1
                                    

Chapter 19


(Lesly's POV)

"Hey! Saan ka pupunta?" mabilis kong hinawakan ang kaliwang braso nito.

"Aalis na" malimit niya namang sagot.

"Nagpaalam ka na kila Chrome?" tanong ko muli sakanya.

"'Di na kailangan" saka nito inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya.

Ok, anung problema nito?

"Umm... ok, Sabay na tayo, kailangan ko na ring umalis at may nakalimutan akong kunin sa shop" pagkukunwari ko naman.

"Wag na, dito ka nalang at bukas mo na yan kunin" sabat nito ng hindi ako nililingon.

"Ako nalang maghahataid sayo pauwi" singit naman ni Levi.

Ng mapatingin ako kay Lester ay kunot noo lang itong naghihimutok saka agad nang umalis.

(Lester's POV)

Tahimik lang akong nakaupo sa may gilid ng mesa. Nagmamasid sa mga kasiyahang nagaganap. Nagsisisi tuloy ako kung bakit sumama pa ako kay Lesly papunta dito sa bahay nila Chrome. Tuloy, worse things became even worst!

"Bro, chillax... nakakunot nanaman yang noo mo" preskong sinabi nung lalakeng ayaw kong makita buong buhay ko. Nakita ko itong papalapit sa kinaroroonan ko kaya agad akong nagiwas ng tingin.

"What do you want Levi?" seryosong sumbat ko sakanya ngunit hindi ko ito nilingon. Umupo lang siya sa tabi ko saka iniabot ang isang envelope. Ng hindi ko iyon tinanggap ay inilapag niya lang iyon sa mesa.

"I want it all," bigla naman nag-iba ang tono ng pananalita niya. Ramdam ko nalang na malapit na ang mukha nito sa gilid ko. "Lahat ng meron sayo...ay gusto kong mapasaakin! Gusto kong magdusa ka! Gusto kong ikaw rin ang masaktan at gusto ko ring maramdaman mo kung anung pakiramdam ng isang kapatid na palagi nalang pangalawa sa lahat ng bagay!" halatado sa mga pananalita nito ang pagpipigil niya. Ramdam ang tinding galit.

Hindi ako nakaimik at parang nanigas ang buong katawan ko.

Ng ilayo nito ang kanyang mukha ay buong lawak siyang ngumiti saka tumalikod.

"You better hurry up, you don't want her to keep waiting for you now do you?" aniya habang unti-unti nang naglakad palayo.

            Napalunok ako sa mga narinig ko, a-anung lahat? Anung meron saakin na gusto niyang mapasakanya? Anung... pangalawa sa lahat ng bagay? Nalilito ako sa mga sinasabi niya. Buong buhay ko tanging siya lang ang tiningala ko. Na kahit itakwil ako ni papa ay siya parin ang hinangaan ko dahil siya ang nagiisang taong kayang umintindi saakin. Ngunit bakit? Bakit niya nasabi ang mga iyon? Pati ba ang pagpunta niya sa Australia kasama si... Cloisa?

(3rd person)

            Pagkatapos niyang mapaisip ay agad siyang napatingin sa envelope na nakalapag sa mesa, at ng mabilis niyang itong buksan ay nakita niya ang litrato ng babae na nakaupo sa may isang wheel chair. Nagniningning ang bawat ngiti sa mga labi nito gayundin ang napakaamong mukha niya. Sa kabilang dako naman ay biglang nagkaroon ng pag aalala at pagkasabik na makita ang dalaga.

            Nawala ang awa nito sa kapatid niya, kundi'y ito'y napalitan ng galit at poot. Galit, na bakit sa tinagal tagal ng panahon na hindi niya nakita ang dalaga ay basta basta niya nalang itong makikita ngunit nasa ganong kalagayan!

            Gusto sana niya itong sugudin ang patikman ng kamao niya at pagusapan kung anu bang problema nito sakanya na gusto niyang makuha ang lahat, pero bago iyon ay naisip niya munang palagpasin at huwag patulan ang katarantaduhang nagawa nito sa babaeng mahal niya dahil naalala nito ang sinabi niyang naghihintay ito. Pero saan? At bakit ang kapatid pa nito ang unang nakaalam!

            Pagkatapos ng mahaba haba niyang pag iisip ay agad na itong tumayo at nagsimula na itong maglakad paalis.

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon