Chapter 10: Sino daw?

139 1 0
                                    

Chapter 10



(Lester's POV)

Pumasok na si piglet sa loob at naiwan naman ako dito sa labas ng isang ice cream shop kasama ang babaeng kausap niya kanina.

 "Oh narinig mo yun kuya ha! Hindi ka daw pwedeng pumasok baka magalit si boss"

"Okay. I understand. Pero siya ba ang may-ari ng shop na ito?" nagtataka ko naman tinanong.

"Opo" mala-bata niyang sagot.

"Ang galang mo naman masyado. Pwede naman na ang oo and you can just call me Lester or kuya Lester if you want"

"Okay po KUYA LESTER" nang aasar pa niyang sinabi.

"By the way what's your name?"

"Mia po"

"Pretty name just like you"

"Ummm..."

"How are you related to miss piggy piggy oink?"

"She's a friend of mine" walang tanging sinabi naman niya.

"Oh i see" patango tango ako. I like this Girl. Mabait. Magalang. Malayo sa ugali ni biik kaso parang masyadong bata at medyo may pagkaisip bata.

"Bakit po ang init ng dugo niya sayo?" tanong nito saakin.

"Ah kasi---"

Kuchi!Kuchi!Kuchi!Kuchi!Kuchi!Kuchi!Kuchi!Kuchi!Kuchi!Kuchi! nagring yung cellphone niya at napatingin naman siya saakin.

"Hello?" wika nito. "Sige po ate papunta na po" natatawa niyang sinabi. "Gusto mo ba siyang makausap?" napatingin muli siya saakin. "okay!okay! chill" humagikgik siya.

Parang kilala ko na kung sinong kausap nito sa kabilang linya. I think its piglet. Natatawa akong tinitignan si Mia habang bisi itong kinakausap si letchon sa kabilang linya.

Kinuha ko naman ang atensyon niya at sumenyas na aalis na. Napansin kong ibinaba na nito ang cellphone at tumingin saakin.

"Sige kuya Lester mauna na ako ha! At baka mag wala wala na yun sa loob" napangisi naman ako at tumango tango nalang. Baka kasi atakihin na sa puso yung biik na yun. Mahirap na, baka multuhin pa ako pag natuluyan.

Nakita ko yung hawak niyang plastic na may lamang chocolate cake.

"Chocolate cake ba yang hawak mo?" tanong ko dito.

"Ah opo para kay ate Lesly baka kasi mag protesta pag hindi ko dinalhan. Bakit po?"

"Wala naman. It was nice meeting you again Mia" kinindatan ko nalang siya at saka tuluyan nang umalis.

            I went back to my office para i-check at i-interview yung bagong empleyedo na mamamasukan bilang isang system designer.

May naririnig akong mga tawanan galing sa opisina ko.

Dumeretso akong pumasok at bumungad saakin ang ka-team mate kong sina Jerick, Chrome, Synthia, Jesica.

"Oh Lester ma-men! nandito kana pala" wika ni Jerick habang ini-aabot sakanya ng sekretarya ko ang kape.

hindi ko siya pinansin dahil tutok na tutok ako sa lalaking kaakbay nito.

"Levi meet Lester, Lester, Levi our new system designer" nakangiting sinabi ni Synthia saka kumapit sa braso nito.

"Hoy! Synthia masyado mo nang kina-career ang pagpapakilala kay Sir Levi" pakipot namang sinabi ni Jesica na halatado rin namang gustong ring makikapit.

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon