Chapter 8: Gotcha! :D

121 2 0
                                        

Chapter 8



(Lester's POV)

"Hey! Wait!" nagmadali kong hinarangan ang papalabas na biik mula sa exit. Hindi naman niya ako pinansin at nagpatuloy lang lumabas.

"Oi piglet sandali lang" hinawakan ko ang kanyang braso saka nagpumilit naman siyang nagpumiglas.

"Ahh! Bitawan mo akooo! Tulong! Rape! RAAPE!!"

"A-ano? Rape?! Hinawakan ko lang naman yung braso mo ah!"

"Wag mo akong hawakan! bitiwan mo ako! hindi kita kilala!" pabulyaw na sinabi nito habang nagpupumilit paring pumiglas. Lalo ko namang hinigpitan ang pagkahawak. "ARAY! Bitiwan mo nga ako nasasaktan ako sa pagkahawak mo!"

Inilapit ko naman ang mukha ko dito "ah so ngayon kilala mo na ako?" habang nakahawak parin sa kanyang braso.

"YUCK! Ang pangit mo! Wag mo ngang nilalapit yang mukha mo saakin! Baka magkapalit tayo ng mukha!" ihinampas niya ng kanyang mala-sakong bag saakin at mabuti ay dali dali naman akong nakailag.

"Akala mo ha!" nang aasar na dinilaan ko ito.

Pero nuong akala ko ay nakailag na ako sa mala murder weapon niyang bag.

"Aray! Masakit yun ah!" nabitawan ko naman ang pagkakahawak ko sakanya dahil agad akong napahawak sa chan kong sinikmura niya.

"Ha akala mo hindi ako marunong manuntok ng tao?" namaywang ako. "Laking pasasalamat ko nalang dahil isa kang hayup!" saka ito tumalikod.

Ano? Ako hayup? Tignan nga natin.

"A-aray... yung chan ko... a—a—" pineke ko naman yung pagkakabagsak ko sa semento pero syempre dahan dahan lang.

Dali dali naman niya akong binalingan na parang nag aalala. 


"HOY. wag ka nga mag inarte jan. Hindi ko yun nilakasan ha" seryoso ngunit may halong pag aalala na sabi nito.

Hindi ko siya pinansin dahil kunwari daw masakit at kumikirot yung chan kong sinuntok niya.

"Oh my gosh! Napalakas ko ata yung pagkakasuntok ko" narinig kong binulong niya sakanyang sarili.

"Hey! Monkey are you ok?" tanong ng biik.

Concern ba to oh nilalait lang ako?

"Les, L-Les... m-masakit"

"Wooo! Galing mo ring mag acting. Tumayo ka na nga jan at baka matadyakan ka pa nitong takong ko"

"H-hindi.. masakit na masakit talaga... hindi ako makahinga...katatapos ko lang ma-operahan nung tinanggal nila yung appendix ko last..week.." nakita kong naalarma ang kanyang mukha.

"Ha? Naku! Saan? Saan yung masakit?"

"d-dito... dito banda" itinuro ko yung bandang sinuntok niya.

Lumapit siya at napaupo. "Dito ba?"

Inilapit niya yung kamay niya sa chan ko at nagtatangkang haplusin.

"Oo jan...a--araay..."

hehehe! Galing ko talagang mag acting. >:D

"Pumunta nalang kaya tayong Hospital?"

"Oh sige tara na" agad agad ko namang sinabi.

"Ah hindi ikaw nalang pala. May pupuntahan pa kasi ako" naglabas siya ng pera mula sakanyang bag. "O ito" kinuha niya ang kamay ko saka nilapag ang isang daan sa palad ko.

"Aanihin ko to?" tanong ko naman sakanya.

"Duh? Pang taxi mo. Alangan namang pang punas mo jan sa maitim mong mukha" sarkastiko niyang sinabi. "Wait! Malapit lang naman ang hospital hindi ka naman ata aabutin ng isang daan diba?" kinuha niya muli ang isang daan sa kamay ko. Dinukot niya ang wallet niya sa bag at pinalitan ng fifty pesos.

"Oh eto fifty pesos" inilagay niya sa palad ko.

Ang cheap ha.

"Mahirap ang buhay ngayon kaya kailangan magtipid" Tumayo ulit ito at nagpaalam. "Sige kaya mo na yan!" tumalikod na ito at nagsimulang maglakad.

(Lesly's POV)

"Piggy! Wait! Ok na pala ako" masiglang tono ng unggoy.

Ha!? Niloloko ba ako ng chonggong ito?

Binalingan ko siya na may halong pagkairita saaking pagmumukha "akala ko ba masakit na masakit yang chan mo?"

Tumayo to sa pag kakaupo sa sementadong daan at pinagpag ang kanyang pwetan. "Hindi! ok na pala ako" masaya at ngingiti ngiting wika naman nito.

Inikot ikot niya ang kanyang mga kamay at iginewang gewang pa ang beywang. Saka nag sayaw sayaw pa ng Gangnam style.

OMG. This is so embarassing.

Nakita kong maraming taong nakatingin saamin. At ngayon ko lang napansin nasa labas pala kami ng building. At etong namang malanding ngingiti ngiting security guard namin eh kanina pa pala nanunuod.

Tumingin rin ako sa taas at nakitang nakadungaw ang mga ibang emplayado sa may bintana. Ngingisi ngisi ang mga to at ang lakas pa ng loob na mangantiyaw.

Naghihiyawan at nagtitilian sila sa taas.

Ako naman cool lang! COOL lang muna ako. Ngingiti ngiti. Ine-enjoy naman daw ang pangangantiyaw nila dahil pagbalik ko dito humanda sila!

Tinignan ko ng masama ang impaktong sumasayaw sa harap ko.

Parang gusto kong tanggalin tong stilleto hills ko at ipag pupukpok sa ulo niya. Nanggigigil ako sa inis dahil naisahan nanaman ako ng unggoy na ito.

"Crap! You've just wasted my time!" nanggigigil uling manuntok ang mga kamay ko ngunit ikinuyom ko nalang ito at tinalikuran na ang chonggo.

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon