Chapter 5: Freedom!

184 4 2
                                    

Chapter 5



(Lesly's POV)

"KAGINHAWAAN!" impit ko habang palabas na ng C.R

"mabuti nalang at naihabol ko pa. Pasalamat siya dahil hindi to nahulog sa daan dahil kung hindi... baka ngayon eh ay ewan ko ba" pang gigigil ko sa hawakan ng doorknob ng C.R

"Napaka sira ulo talaga ng chonggo na yun! Anu bang kumakalat sa isipan niya ha?" habang unti unti iyong isinara.

"Nilapastanganan niya ang araw ko. Ang sapatos ko. Ang araw ng kalayaan ko. At lalong lalo na ang chan ko! At yun ang hinding hindi ko mapapatawad!" kinalkal ko ang shoulder bag ko upang kunin ang cellphone. Dali-dali kong di-nial ang number ng secretary ko.

Nag hintay pa ako ng isang oras bago niya ito sinagot.

"Hello?! H-HELLO!?" inis kong sinabi.

"Ay! Haha wag jan wag jan! nakikiliti ako... hi!hi! uy teka wait a minute pause muna tayo dahil tumatawag ata" malanding wika naman ng babae sa kabilang linya. Agad nag init ang ulo ko ng malaman kong nakikipaglandian ang naturingang sekretarya ko sa kung sino mang kasama nito.

"Naku! Malaman ko lang na ginagawa niyo yan sa mismong opisina ko malilintikan kang sekretarya ka saakin pati na rin yang kasama mo!" nanggigigil na sambit ng isipan ko.

"He-Hello Maam?" kabadong sagot ng babae sa kabilang linya na animo'y naging isang kambing.

"Chelsa! Paki inform yung assistant ko jan na mag le-leave muna ako ng 1 week" nagpupumigil kong sinabi.

"Bakit ma'am?" pagtatanong naman nito.

"Diba una palang sinabi ko na sayo na ayaw na ayaw kong kinukwestyon ang lahat ng sinasabi ko?" inis na sinabi ko dito.

"Ay sorry po ma'am" nagpapaamong sinabi naman nito.

"Who's that on the phone?"  pagtatanong ng isang boses lalake sa kabilang linya.

"Shhhh! Wag ka maingay yung boss ko to!" pagpapatahimik naman sakanya ng babae.

"Sino?" nagtatakang tanong ng lalake.

"Si ma'am Lesly. Wag ka masyadong maingay jan dahil pag narinig ka niya parepareho lang tayong malilintikan" pagpapatahimik muli niya dito na kanina ko pa naman naririnig.

"Ahh yung supladang pandak na sinasabi mong boss mo?" giit naman nito.

"Shhhh! Sinabi kong wag ka nang maingay jan eh!" malakas na binulong niya dito.

Mukhang tumahimik naman na ang impaktong lalake sa kabilang linya kaya muli ulit akong kinausap ng aking sekretarya.

"s-sige po maam i-iinform ko nalang po kay ma'am Sanchez" kinakabahang sinabi nito saka nagpaalam. Bago ko pa putulin ang tawag ay agad agad naman niya akong binabaan.

Napaka walang hiyang sekretarya yan! Oras ng trabaho ang galing galing makipaglandian! Anu kayang kababalaghan ang ginagawa nun tuwing nawawala ako sa opisina? Naku! Baka dinudugyot na nila ang bawat sulok ng opisina ko! At aba! Anung sinabi niya tungkol saakin? Supladang pandak?! Ang lakas din naman ng loob niyang sabihin iyon saakin kung sa katunayan nga eh ni wala manlang yun magawang maayos sa pagiging isang sekretarya! Puro lahat palpak!

Nagpunta ako sa kwarto upang magpalit. Sa kabila naman ng kalandian ng sekretarya ko ay hindi ko mapigilang maalala yung impaktong nangmulestiya sa sapatos ko.

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon