Chapter 15: Your new system designer

143 0 0
                                    

Chapter 15



(Lesly's POV)

"Congratulation Ms.Santiago, what a remarkable proposal you have" ani ng isa sa aming mga kliyente. Katatapos lang ng business proposal na ihinanda namin para sa mga kliyenteng nakatakdang kumuha ng mga produktong tatlong linggo na namin pinaghahandaan. And as far as we know it was a success.

"Thank you maam-umm..." 

Actually, naguguluhan ako. Hindi ko matukoy kung baril o barbie doll ang laruan neto nung bata pa siya eh. "...sir, but I couldn't have done it without my team and together with the staff of R.N.M.N company"

"Well, would you look at that how remarkable... how... Exquisite!" pataas taas kamay pa nitong sinaad. Ngiti nalang ang tangi kong naisasagot sakanya. Tinawag siya ng isa nitong kasamahang kadaldalan niya sa business meeting kanina. Tumango tango siya sa lalaking kausap niya saka muling humarap saakin.

"Lets have a chat sometime Ms. Santiago, I forgot. I have another meeting to attend to. Bye darling." mala-bakla naman nitong sinabi sabay ng malambot niyang pagkaway kaway.

"Ok sir, it was nice meeting you"

     Ng makaalis na ito kasama yung kadakdakan niya bigla kong nasapo yung dibdib ko ng biglang may nagsalita sa tabi ko. "I see you've done another great job Ms. Santiago" untag ng Main head namin ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko lang pala.

"O thank you sir, it's just a matter of effort and a great teamwork" bulalas ko naman dito.

"I see" patango tango ito. "with that great leadership of yours, it wont just be-being the head of R.N.M.N company here but...maybe someday you might also be the new Head of all five R.N.M.N International Company" taas noo naman siyang namulsa.

     Tulad nga kanina, ngiti nalang ang tangi kong maisagot dito. Medyo ngiti na rin na may malisya. Hindi ko kasi mapigilang mapangisi at mapatanga sa kagwapuhang ipinamalas sakanya ng mga ninuno niya.

At isa pa, ang bata pa niya para maging president ng R.N.M.N company.

"So see you later" wika naman niya.

Makikipag shake hands na sana ako ngunit may biglang tumabi sakanya at inilayo saakin ang kamay nito. Napatingin naman ako sa kung sino mang mukhang driver o katulong nito na  sumira nung moment ko. 

"Honey, we're still having dinner tonight right?" nanlalanding sinabi nito sakanyang asawa. 

Napangiwi nalang ako.  Pakiramdam ko may trust issue sa asawa ang babaeng to. Kaya siguro ganun nalang ang maging reaksyon niya. Ayaw niya ipahawak ang asawa niya. Hindi ko naman mapipigilan kung talagang ganun ang pag uugali niya. May itsura nga naman talaga ang President namin di hamak na malayong pakakasalan niya ang mukhang katulong na to. Kaya akala niya siguro nanakawin ng tao.

Nag kibit balikat nalang ako.

     Napataas yung isang kilay ko habang pinapanood silang umalis "grabe lang? kala mo naman kung lalamunin ko yung tao" naiirita kong sinabi. "Pero sayang gwapo mo pamandin--Ay negro!" napatingin ako sa kung sino namang impaktong tumapik sa balikat ko.

        Pagkakita na pagkakita ko palang sa mukha niya pakiramdam ko wasak nanaman ang araw ko. Well, everyday naman kahit pa yung apat na araw ko siyang hindi nakita wasak parin dahil sa walang sawa niyang pagpapadala ng mga sulat na punong puno naman ng mga drawing niyang kamukha niya.

        Nagdilim ang paningin ko ng tinitigan ko ito ng masama. Saglit ko ring sinulyapan yung kamay niyang nakapatong sa balikat ko. Akala ko kung nasindak na sa malabilog kong mata na masama ang tingin sakanya ngunit tigas mukha pa itong ngumiti ng malapad saakin.

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon