Chapter 14: One Night

111 0 0
                                    

Chapter 14




(Lesly's POV)

"Bwisit na konsensya oo. Ano ba kasing ipinainom doon at ako pa ang naisipang tawagan"

Lamig na lamig akong naghahanap ng masasakyang taxi. Sa tingin ko malapit nang mag 3am ng madaling araw. Naiinis ako dahil kahit anong subok kong pumikit ay hindi ako makatulog at hindi ko alam kung bakit!

    Sa di kalaunan ay nakakita rin ako ng masasakyang taxi. Sa labas ng bar ay nakita kong nakaparada ang motor ng unggoy na iyon. Wow! hindi lang siya pang Manila Zoo, pwede na rin palang pang circus.

    Pumasok ako sa loob at naghanap ng natutulog na kapre. Sa pinakasuluk sulukan ng bar ay namataan ko ang unggoy. Sleeping peacefully. Lakas pa ng hilik. Sa sobrang lalim ng tulog ay hindi niya na naramdaman na nasa sahig na pala siya kaya nagmadali akong lapitan ito.

    Nakita ko din naman ang isang lalakeng nasa counter part ng bar na busy sa pagpupunas ng mga baso.

"Ma'am kayo po ba yung girlf--"

"Hindi"

"Ay ganun po ba?"

"Oo" malimit kong sagot sakanya.

"Eto po pala yung cellphone niya" saka naman niya inabot iyon saakin.

"Salamat" nginitian ko nalang siya.

Napaupo ako saka pinagmasdan siyang matulog. "Ano ba naman kayong mga lalake kayo oo doble dobleng kamalasan ang inaabot ko sainyo"

"Kaya niyo po ba yan ma'am?" napatingin ako sa lalake.

"Ikaw kaya mo?" tanong ko naman dito.

"Mukhang hindi po, masyado siyang matangkad para saakin at para saiyo" saka siya humagikgik.

"Badtrip. Ako pa kasi ang naisipang tawagin. pwede naman sila Jerick, Chrome, si Jesica or kaya si Synthia bakit ako pa? talaga bang pinagtritripan niya ang height at body size ko?" ngingisi ngisi at ngingiwi ngiwing nagpupunas naman ng baso ang lalake.

"Kawawa naman kayo ma'am" simpatya niya saakin.

"Imbes na kaawaan mo ako tapusin mo nalang yang mga pinagkakaabalahan mo at hayaan mo nalang akong mag strategize ng magandang paraan para madala ito palabas" sambit ko dito habang pakamot kamot na ako sa ulo.

Huminga ako ng malalim saka bumuntong hininga.

"Kung sunugin ko nalang kaya siya at ng matapos na ang lahat?-- di pwede kailangan ko pa siya para sa mga business proposal sayang ang mga idea na makukuha ko dito.

Eh kung talian ko sa leeg at hilain ko palabas?--uy pwede pwede! pero baka paglabas namin dito eh tuluyan nang makatulog habang buhay..

"Nakakainis naman. Ang laki laki mo pamandin!"

Tuluyan naman na akong napaupo sa sahig at napasandal sa may gilid ng mesa.

Lumipas ang mga ilang oras.

"Buhatin ko na nga lang ito" itinaas ko ang manggas ng aking jacket at saka buong lakas na binuhat at ipinatong siya sa likod ko. Sa awa naman ng estado ng pangangatawan ko ay nabuhat ko siya palabas. Sa awa din ng naman ng taxi driver na napara ko ay tinulungan niya akong buhatin ang impaktong kapre na sarap na sarap sa pagtulog. Nalawayan pa ata yung damit ko. Ay animal.

    Sa kasamaang palad ay sa pamamahay ko siya pinatuloy. Dahil hindi ko alam kung saang sulok siya ng mundo nakatira at masyadong malayo ang Zoo para dalhin siya dun. Nagdadalawang isip pa ako kung ipapasok ko ba siya sa pamamahay ko o iiwan ko siyang manigas sa labas pero sa ayaw kong magisip sa ngayon kaya  pinahiga ko nalang siya sa sofa. Kahit sa katunayan ay gustong gusto ko na siyang iwanan, kahit sa may gate palang!

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon