Chapter 25: End

291 0 0
                                    

Chapter 25


(Lesly's POV)

Kaya mo to Lesly! Kaya mo to! Sa ilang buwang pagkikimkim mo ng galit kailangan mo nang ilabas ngayon!

Naghanap ako ng upuan at doon pumatong dahil hiyang hiya naman ako sa height ko baka hindi makalabas ng building yung mga sasabihin ko.

Humarap ako sa palubog na araw, huminga ng malalim at buong pwersang isinigaw ang katagang:

"LESTER MONTINEGRO! ANG IMPAKTONG, SIRAULONG, HINAYUPAK, AT BAKULAW NA BUMULABOG SA BUHAY KO! BWISIT KA! BWISIT KA TALAGA SA BUHAY KO! ANG ITIM ITIM MO! ANG YABANG YABANG MO! ANG SIRAULO MO AT HIGIT SA LAHAT ANG MANHID MANHID MO!... KUNG MAYAMAN LANG AKO AT MAY PERA, IPAPADEPORT KITA SA AMAZON RAIN FOREST! OO DOON PARA NAMAN MAWALA NA ANG LALAKENG DUMUROG SA MALADYAMANTE KONG PUSO! PWEH KA! PWEH! ISINUSUMPA KO ANG MGA KATULAD MONG MGA MANHID! WALA KAYONG ALAM! AT LALONG HINDI KAYO MARUNONG MAKIRAMDAM! ANG GALING GALING NIYONG MAG PAASA—PINAGLALARUAN NIYO LANG PALA! MASUNOG KAYO SA IMPERYNO! KINASUSUKLAMAN KO ANG BAWAT BAKAS NG KAITIMAN JAN SA KATAWAN MO! WALANG HIYA KA!! MAUNTOG KA SANA AT MATAUHAN NA BALANG ARAW TATANGKAD AT PAPAYAT DIN AKO!!"

Halos mangiyak-ngiyak kong sinabi. Hihingal hingal akong bumaba ng upuan. Parang nabunutan ako ng tinik at nakahinga na rin ng maluwag dahil nasabi ko na rin ang matagal ko nang gustong sabihin. Sana nga narinig niya lahat ng mga iyon at ng malaman niya kung gaano siya katanga!

Lumubog na ang araw kaya madilim na ang paligid. Kitang kita ko na unti unting bumubukas ang mga ilaw sa bawat sulok.

"ang ganda nga talaga dito"

Kahit pala napakasimpleng bagay lang na tanawin ay nakakahugot ng hininga. Huminga ako ng malalim, paalis na sana ako ng makita kong biglang nagbukas ang pinto...

"Hoy anung isinisigaw sigaw mo jan?" nagtatakang sinabi ni Jesica.

"O Jesica, a-anung ginagawa mo dito?" medyo dismayadong tanong ko.

"Diba ikaw ang tinatanong ko?" napakunot noo siya ng tignan niya ang relo niya. "halika na nga" pagaalok niya saakin saka siya tumalikod at nauna nang umalis. Malungkot at dismayado naman akong sumunod. Akala ko kasi narinig niya lahat ng sinabi ko. Akala ko... pagkatapos ng lahat ng ito siya yung unang makikita kong magbubukas nung pinto.

"Hayy Lesly. Umasa ka nanaman" Parang dismayado ding bulong ng isipan ko.

Habang pababa ako ng hagdan ay bigla nalang namatay yung ilaw. Napamura ako at kinapakapa yung hawakan sa may hagdan.

"Anu ba yan! Bakit biglang nagbrown out?" naiinis kong sinabi.

Nang maramadaman kong nakarating na ako ng hallway ay bigla nalang bumukas ang mga ilaw dito. Parang biglang nanginig yung mga tuhod ko. Sobrang natatakot ako dahil feeling ko eh may bigla bigla nalang susulpot na the grudge. Shocks. Ayaw na ayaw ko pamandin sa mga ganon.

Pero bakit parang may nagtutulak saakin para sundan ko yung mga ilaw na nagbubukas?

Kahit napupuno ng nakakatakot na bagay tong isip ko eh hindi na ako nagdalawang isip kaya sinundan ko nalang ang ilaw sa hallway na isa isang nagbubukas.

Ng makatunton na akong groundfloor. Bigla nanaman itong nawala kaya wala nanaman akong makita kundi yung mga ilaw sa labas. Saktong nakita ko si mang Kanor na nakabantay sa labas. Sinubukan ko itong lapitan at tanungin kung bakit bigla nalang nagbrown out ng maramdaman kong may isang ilaw na bumukas sa likuran ko.

"Stop right there!" narinig kong sinabi nito. Lumakas yung kabog ng dibdib ko dahil parang narinig ko na yung tinig na yon.

Dahan dahan akong napalingon at tinignan kung sinong ang impaktong nagpatigil saakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon