Chapter 24
(3rd person)
Ilang buwan rin ang lumipas matapos ang insidenteng iyon. Hindi malaman ni Lesly kung matatawa ba siya o maiinis sa ginawa niyang pagdrama drama sa mismong may parke.
"Isang kahihiyan! Isang kahihiyan para kay Ms. Lesly Faye Santiago ang umiyak ng ganon sa napakaraming tao. Kaya ngayon, ipinapangako ko na sa sarili ko na huli na iyon at hinding hindi ko na muli gagawin yon! Never! Itatak niyo yon sa lapida!" sambit nito habang sarap na sarap na sumubo nung pinabili niyang icecream kay Twinkle.
"Sus! Kung maka-iyak ka nga sa kalagitnaan ng gabi eh...may pa never never ka pang nalalaman" nangiinis namang tugon ni Mia.
"Manahimik ka nga at concentrated ako sa pagsubo nitong icecream ko! At hoy Twinkle paki abot nga yung isang box ng pizza jan sa tabi mo. Ubos na kasi itong isa eh" paguutos pa niya kay Twinkle na abala sa pagsusulat ng kung anu-ano.
"Hoy Lesly, akala ko ba'y magpapapayat ka na jan sa heart break na natamo mo, bakit wagas ka naman kung makalamon niyang icecream?" sarkastiko namang singit ni Pauline.
"Gusto-mo-icecream? Siksik ko sa tenga mo at ng luminaw yang pandinig mo" sarkastiko rin naman niyang sagot dito. "Alam mo namang wala sa bokabularyo ko yan, at wag mong ngang masabi sabi saakin yan at baka marinig ka ng mga fats ko magtampo pa sila" pabiro pa nitong dinagdag.
"Hay. Ewan ko ba sayo" naiiling nalang na tugon ni Pauline.
"O-o-o tama na yan" singit naman ni Twinkle saka inilapag ang pinagkakaabalahan nito sa mesa. "Alam niyo namang BROKENHEARTED yung tao. Pagbigyan niyo na" nangiinis pang sinabi nito na talagang na Emphasized yung salitang 'Brokenhearted'
"So anu na ngay balak mo? Patuloy mo nalang ba siyang iiwasan?" seryosong tanung ni Mia dito.
"Sino?" nagkukunwari niyang sinabi.
"Ay sinusubukan mo talaga ako? Gusto mo talagang i-broadcast ko pa ng malinaw sayo?" medyo naiinis pero pabirong sambit ni Mia.
Pineke nito ang pagtawa niya. "Joke lang yun ikaw talaga hindi ka na mabiro" sabay pa ng paghampas nito sa braso ng dalaga. "Wag na nga kasi natin yung pagusapan. Naiinit lang ang dugo ko pag naaalala ko yun" pagiiwas niya muli sa usapan.
"Yan ka nanaman eh! Sa tuwing tinatanong ka namin palagi ka nalang umiiwas. Lesly maawa ka naman saamin! Ilang buwan mo na kaming ikinulong dito sa bahay mo... nagmumukha tuloy kaming mga hostage mo!" sarkastikong sinabi naman ni Twinkle.
"Bakit? Pinapakain ko parin naman kayo ah"
"Hindi no! tignan mo nga yung bulsa ni Twinkle butas na... natatakot kaming baka ako at si Pauline ang isunod mo" pabirong sinabi ni Mia ngunit iiling iling nalang siyang ngumiti sakanila.
"O may tawag ka nanaman" mabilis na pinuntahan ni Pauline ang cellphone nitong nakalapag mesa upang tignan kung sino ang tumatawag. "Si 'The Jerk I wanna kill'" natatawang sinabi ni Pauline.
"Ilayo mo nga yan saakin"
Pero imbes na ilayo niya ito ay talagang idinikit pa nito mismo sa pagmumukha niya. Iniwas iwas nito ang mukha niya ngunit hinawakan ng dalawa ang magkabilang kamay niya.
"Sasagutin mo itong tawag o hindi?" tanong ni Pauline dito.
"HINDEEEE!" malakas na sagot niya.
Pinilit niyang magpumiglas mula sa pagkakahawak ng dalawa upang pigilan si Pauline ng akma nitong pindutin ang answer button ngunit dahil sa sobrang lakas niya at ang isa pa sa humahawak sakanya ay walang binatbat sa pangangatawan niya, napigilan niya naman ito ng ito'y sipain niya kaya napatilapon iyon sa may sahig. Nag unahan pa silang kunin ang cellphone na nahulog ngunit bigla nalang nawala ang pagtawag dito. Ng mapagod na silang magtalo talo at gawing wrestling ground ang kama niya, hihingal hingal silang bumagsak sa sahig.
"Lesly, alam mo namang mahal ka namin at ayaw ka na naming tumaba kaya makinig ka sa mga sasabihin namin!" seryoso ngunit hihingal hingal na sinabi ni Mia dito. "Twinkle pangunahan mo" paguutos niya sa dalaga. Agad naman iyong sumunod at kinuha ang notebook na inilapag niya sa mesa at humiga muli sa tabi ng dalawa.
"Una" pag sisimula niya. "Bakit hanggang ngayon ay hindi mo parin kayang harapin yang si Lester? Sagot?"
Nabigla siya sa tinanong ng kaibigan niya at mabilis na napaisip. "Umm..." kahit sa totoo naman eh alam niya ang isasagot.
"Kasi natatakot kang malaman ang katotohanan tama?"
"tama" sabay na sinabi ng dalawa.
Tama nga naman ang mga kaibigan niya. Isinara niya ang puso niya sa katotohanan at nagbingi bingihan nalang siya dahil mula ng malaman niyang kapiling na ng binata ang taong mahal niya ay napakasakit para sa parte niyang isipin na hindi siya iyon at naging isang bagay lang pala siya para gamitin.
"Pangalawa" sunod naman ni Pauline. "Bakit imbes na magalit ka sa ginawa niya ay hinayaan mo nalang siyang maging masaya kapiling nung taong mahal niya?"
"ahh—ehh"
"Dahil sa mas mahal mo siya. Tama ba?"
"Tama!" sabad muli ng dalawa.
Tama. Hindi niya alam kung bakit na imbes na ikagalit niya iyon ay naging masaya nalang siya ng makita ang kakaibang ngiti ng binata ng yakapin nito ang dalaga. Hindi naman siguro siya masokista para ipagpilitan nalang sa sarili niya na ok lang siya at wala lang ang nangyari. Pero inaamin niya na naging tanga siya ay hindi pala! Isa na siyang TANGA. Tanga na minahal niya ang isang Lester Montinegro na alam niya nama'y sinakatan at ginamit lang pala siya.
"At pangatlo, hanggang kailan mo ba kami balak gawing hostage dito sa pamamahay mo ha?!" sarkastikong sinabi ni Mia dahil pansin nitong naluluha nanaman ang kaibigan niya at medyo nagiging seryoso na talaga ang usapan.
"OO nga!" pagsang ayon naman ni Twinkle. "Alam mo bang butas na tong bulsa ko kabibili ng mga icecream mo?" pagsasalo din nito.
Bigla naman siyang nabuhayan sa mga pinagsasabi ng kanyang mga kaibigan kaya mabilis na napawi ang lungkot sa mukha nito. "Sa susunod kasi lalake nalang ang bilhin mo ha at ng hindi maubos yang pera mo" natatawang sabat naman niya dito.
"O so anu? Handa ka na ba?" muling itinanong ni Pauline.
"Anung pinagsasabi mo?" nagtataka naman niyang sinabi saka napatayo.
"Bukas na bukas kailangang harapin mo na siya at matapos na ang kadramahan mo!" nang gigigil na sinabi ni Twinkle.
"Ewan ko, tinatamad pa ako" sabay higa sa itaas nila. Sabay sabay naman silang nagsigawan at nagtawanan. Pinagpipilitang alisin si Lesly sa ibabaw nila.
"Ang bigat mo talaga!"
"Thank you!"
"Magdiet ka nga!"
"Pagiisipan ko"
"Maawa ka naman sa mga seksing katulad ko" nagpapaawang sinabi ni Twinkle. Bigla naman silang napatahimik. Mabilis bumangon ang tatlo maliban lang kay Twinkle.
"Sexy daw? Wuuu! Magluto ka na nga ng ulam namin nanay" nang aasar na sinabi niya dito.
"Kaya nga" sang ayon naman ng dalawa. At doon ay napuno ng tawanan at hagikgikan ang buong bahay dahil narin sa mga kaibigan niyang hinostage niya mismo.

BINABASA MO ANG
The Jerk Who Broke My Heart (Completed)
Storie d'amoreDumating na ba sa buhay mo yung kinikilig ka sa isang tao pero sa huli pakikiligin ka lang pala tapos iiwan ka lang sa ere. Ayun nang-gigigil ako sa mga ganun mga salot sa lipunan. Ayun, nag Author's note lang naman ako kasi nah-highblood nanaman a...