Chapter 12: The boy

100 0 0
                                    

Chapter 12



(Lesly's POV)

"Marlon?"

"Suprise!"

"GUARD!"

"Wait--teka lang! I'm here to see you" kapal mukha niyang sinabi saakin. Pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kaliwang braso ko. Nagpumiglas naman ako sa pagkakahawak niya kaya tumilapon ang kanyang kamay.

"Ilayo mo nga yang sarili mo saakin. At isa pa hindi kita binigyan ng permisong hawakan at kausapin ako. Pinandidirian ko ang mga katulad niyo" mataray kong sinabi sakanya.

"Ah ganun ba?"

"Ay hinde! kasasabi ko lang diba? tanga ka ba? at anung klaseng gamot naman ang nainom mo at nadagdagan yang kapal ng mukha mong magpakita saakin?"

"Gusto lang naman kitang kumustahin" nagpapaawa pa nitong sinabi. Yuck! magkamukha tuloy sila nung unggoy na yun kaso mas kasumpasumpa ito.

"Ok naman ako buhay parin. Makakaalis ka na" sambit ko sakanya.

"Ako hindi mo ba kukumustahin?" bulalas naman nito.

"Waw! walang hiya ka rin no? pagkatapos mo akong patayin sa pananakal mo saakin--nandito ka ngayon at tigas ng mukhang kausapin ako? may pa suprise suprise ka pang nalalaman!" inis na tugon ko sakanya.

"Hindi ko naman sinasadya yun... at lasing ako nung mga oras na iyon and besides that was 5 years ago. Kalimutan na natin ang nakalipas"

"Anung kalimutan?" nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagtaas ng isa kong kilay. "Kamatayan ko ang pinaguusapan doon, hindi pitik bulag! Alam mo ba kung gaano ako nagdusa sa mga marka ng kamay mo sa leeg ko? Para akong tanga sa harap ng mga tao na naka muffler sa init ng araw! lalong lalo na sa nanay at tatay ko na pilit kong itinatago sakanila ang bakas at marka ng pagiging kriminal mo!" pambubulyaw ko na sakanya.

Parang gusto ko na tuloy siyang talunin at pag pagsasakalin pero dahil sa ayaw ko nga siyang mahawakan eh nagpipigil nalang ako. Ayokong mabahiran muli ng masamang budhi ang mala-flawless kong balat.

"But I said I'm sorry--" mangiyak ngiyak niyang sinabi na pwede ko nang ikasuka!

"Anung sorry!?" namaywang ako. "Bakit anung magagawa ng sorry mo? yayaman ba ako jan? papayat!? OMG! eh kung ganun din lang eh di kahit minuminuto pa akong magpapasakal sayo kaso hindi eh! HINDI!" tahimik nalang siyang nakatingin saakin.

"Oh anu pang tinitingin tingin mo jan? lumayas ka na nga dito! humayo ka at baka kung sinu-sino pa dito sa mga customer ko ang masakal mo baka mental hospital na ang bagsak mo!--mang Estelito!" pagtatawag ko sa gwardya. Agad naman itong tumungo sa kinaroroonan namin.

"Palabasin mo na nga itong nilalang na ito at baka matadtad ko pa ng sumpa at mura!"

"Yes ma'am!" agad-agad namang itong sumunod.

"Sir, labas na po kayo baka po tuluyang ma-highblood si ma'am Lesly at siya na mismo ang kakaladkad sainyo palabas"

"But Lesly wait! May mga mahahalagang bagay pa akong sasabihin saiyo" pagpipigil niya muli saakin.

"Sabihin mo nalang yan sa mga taong madadaanan mo---ay! Hindi, sabihin mo nalang yan sa poste sakaling makinig yun sayo oh siya! Layas!" mabilis na pinigilan ni mang Estelito ang kamay niyang muling gustong humawak saakin.

Sinigurado naman ni mang Estelito na hawakan ng mahigpit ang dalawang kamay nito.

"But wait!" pagpupumilit nitong pumiglas.

"Wait...wait ka jan! waitin mo mukha mo! Umalis ka na nga! Galing galing mong umeskandalo dito sa icecream shop ko, walang best actor award dito pumunta ka sa tapat ng bahay ni Big Brother at dun ka gumawa ng eskandalo itchura neto! Manong paalisin mo na yan" tumango naman ang guard saka ito binuhat papalabas.

"Lakas talaga ni manong guard, bakit kaya hindi nalang bouncer ang ipatawag ko dito sa shop ko? nakakatakot marami pa namang pesteng gustong pumasok. hay! makalinis na nga"

Sa lahat ng ka0dramahang nangyari sa icrecream shop, pansin ko namang relax na relax lang ang mga customer at parang walang pakielam sa nangyari. Ang iba pa dito ay enjoy na enjoy sa napanuod. Kulang nalang ay magstanding ovation na silang lahat at parangalan ako ng "Pagpapalayas award".

"Hay maka linis na nga ng opisina pesteng distorbo"  inis na sambit ko saka nagdirediretso na akong tumungo sa office.

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon