Chapter 21
(Levi's POV)
"Poor Lester, he didn't even had the chance to see the love of his life" nakangising usal ko habang taimtim na nakatingin sa labas ng bintana at ipinapaikot ikot ang alak sa hawak kong baso.
"Isn't that right Cloisa?" binalingan ko ito at nakita ko siyang tahimik lang na nagsusulat.
Natutuwa talaga akong panuoring bumagsak ang kapatid ko. Una, ang kamuhian siya ni papa. Pangalawa, ang iwan at kalimutan siya ni Cloisa at ang susunod naman... ay ang pagkasira ng buong pagkatao niya!
(3rd person)
Nagkaroon naman ng ngiti sa mga labi nito. Hudyat ng isang hindi magandang pakay.
(Lesly's POV)
"Chelsa! Pang ilang araw na ni Lester na hindi pumapasok sa trabaho?" curious na tanong ko sa sekretarya kong abala paglalagay pa ng ibang detalye sa plano namin.
"Ma'am mga 2 months na po...pero diba nga po ma'am nalipat siya sa 5th branch ng R.N.M.N dun po sa may Maynila" paliwanag nito ng hindi ako nililingon.
"What?! Bakit hindi ko alam iyon?" nagtatakang tanong ko naman dito na medyo nahaluan ng pagkainis.
"Ma'am nung time po na iyon ay nanduon po kayo sa isang business meeting sa Batanggas at kusa naman po siyang nagpaalam sa main head. Alam po yun ng lahat ng staff at mga kasamahan ninyo sa grupo"
"So, ibig sabihin ako lang ang hindi nakakalam?" nagmamaktol kong tanong dito.
"Ma'am ilang ulit ko pong sinabi sainyo pero para lang po kayong si Rizal na nakatingin sa kawalan" sarkastiko naman niyang sabat.
"Impaktang sekretarya ito! Hindi lang kita pinatawad baka hanggang ngayon itong sapatos ko na ang lumipad jan sa mukha mo..." naiinis ngunit pabiro ko namang sinabi sakanya.
"Ma'am naman..." nagpapaawa naman nitong sinabi.
"O siya gawin mo na yang pinapagawa ko sayo at aalis muna ako"
"Ok maam" malimit niya lang na sagot saka ipinagpatuloy na ang pinagkakaabalahan.
Nagpunta naman ako sa opisina nila Jerick, Synthia Chrome at Jesica. Nasa iisang kwarto lang sila kaya madali lang kausapin. Oo, kakausapin ko sila patungkol sa pag alis nung impaktong unggoy na iyon. Aba! Pagkatapos akong pagtarayan nung isang gabi kapal mukhang iwanan ako? At malalaman ko nalang nasa Manila na pala siya ngayon?
Habang papalapit naman ako sa kanilang opisina ay bigla ko nalang narinig ang pangalan ko. Hindi ko naman gustong makinig sa pinag-uusapan nila pero kasi bigla ko nalang narinig ang pangalan nung unggoy.
"Ano?! Pinag pustahan nung magkapatid si Lesly?" rinig kong sinabi ni Synthia dahil sa medyo matinis ang boses ng nagsalita.
"Shhh! Synthia naman eh! Ang lakas ng boses mo! Baka may makarinig sayo jan sa labas!"
Too late. Rinig ko na nga eh.
"...at kaya pala bigla ring umalis si Levi. Sayang naman! Ang gwapo gwapo niya pamandin" natitiling sinabi pa nito.
"At bakit naman nila ito pinagpustahan?" narinig ko naman tanong ni Jesica dahil sa medyo bumaba naman ang tono ng boses.
Biglang nagkaroon ng katahimikan sa loob. Medyo inilapit ko yung tenga ko sa pinto upang marinig ang mga sinabi nito.
"...ewan Clo...something yun eh hindi naman kasi natuloy ni Levi yung pangalan nung babae"
(3rd person)
Gulat na napatingin ang lahat sa pagbukas ng pinto lalo na si Jerick na abala sa pagpapaliwag patungkol duon sa pustahang naganap.
"L-les—"
"So anu nga uli iyon Jerick?" nakangisi ngunit nakakatakot na tono ng boses na sinabi ni Lesly sakanya.

BINABASA MO ANG
The Jerk Who Broke My Heart (Completed)
Roman d'amourDumating na ba sa buhay mo yung kinikilig ka sa isang tao pero sa huli pakikiligin ka lang pala tapos iiwan ka lang sa ere. Ayun nang-gigigil ako sa mga ganun mga salot sa lipunan. Ayun, nag Author's note lang naman ako kasi nah-highblood nanaman a...