Chapter 6: 1 week of what?!

154 3 0
                                    

Chapter 6



(Lester's POV)

"hahahahahaha!" halos hindi ako makatigil sa kakatawa sa loob ng opisina ko nung umagang yun. Hindi ko kasi mapigilang maalala yung pagmumukha ni Lesly kagabi.

"...Kailangan ko nang umalis" ito ata yung part kung saan nag umpisa.

"Haha!ha!haha! Buti nga sakanya. Ano kayang reaksyon nun pag pasok niya ng opisina? Hahahaha! Hindi ko ma-imagine" nagpipigil kong hagikgik. Well, actually hindi ko na mapigilang tumawa hahahaha!!

"Hmmm... Teka nga at magawahan ulit ng sulat" binuksan ko ang drawer ng aking mesa at kumuha ng papel at ballpen.

"At ngayon naman lalakihan ko na yung baboy" pag hagikgik ko habang nag dro-drawing sa papel.

Mga ilang sandali din ay natapos ko na din ang masterpiece kong iyon.

Tinawagan ko ang aking seketarya at ipinadala sa opisina ni biik.

        Hindi ako makapaghintay sa reaksyon ng biik na yun kaya paulit ulit lang akong napapatawag sa office niya na lagi namang sinasagot ng sekretarya niya. Wala pa daw ito at mukhang hindi muna papasok.

Weird. Eversince nung makatrabaho ko siya dito sa company. ay never once ko pa siyang nakitang ma-late, o mag leave man lang sa trabaho? Ano na kayang nangyari dun?

Napag isipan ko na puntahan siya dun sa office niya dahil baka nagkukunwari lang ito at sinisindak nito ang kanyang sekretarya kaya napipilitan itong itago saakin. Pwes! Pupuntahan kita jan ngayun din!

Nang makaabot ako ng 5th floor ng building. Una ko agad sinugod ang opisina ng biik na yun. Ng buksan ko ang pinto ay ang sekretarya lang nito ang nakita kong nandun, bising bising itong magbasa ng pocketbook at nakataas pa ang paa sa mesa habang nakaupo sa swivel chair. Gulat na gulat itong makita ako kaya umayos agad ito sa pagkakaupo at saka mabilis na tumayo.

"Ah-eh good morning sir" kinakabahang bati nito.

"Nasaan yung boss mo?" supladong tanong ko naman dito.

"Ah eh sir hindi ko po alam" kabadong wika niya.

"What? Paanong hindi mo alam eh ikaw ang sekretarya niya? Trabaho mong alamin kung anung pinagkakabisihan ng boss mo"

"May sakit po ata si ma'am kaya po hindi nakapasok" wika naman nito.

"Sakit? Anu namang sakit niya?"  curious kong tanong ko sabay alala sa mga nangyari kagabi.

"hindi ko po alam" giit naman nito.

"Anung klaseng sekretarya ka ba ha?" pagtataray ko sakanya. Nakita ko naman ang sulat na ipinadala ko sa sekretarya ko na nakalapag dun sa kanyang mesa. Lumapit ako dito at kinuha yun.

Tinitigan ko lang saglit ang sekretarya at saka tumalikod.

"Anu kayang gagawin sayo ng boss mo once na malaman niyang nakikipagharutan ka kagabi? At mismo dito sa office pa niya?" wika ko na ikinagulat naman ng mukha ng sekretarya.

"s-sir paan---" hindi niya na tinuloy ang kanyang sinabi dahil tuluyan na akong umalis. Ayaw ko nang pakinggan ang pagpapaliwanag ng babaeng yun. Bahala na yung pandak na yun na mamroblema dun.

        Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at tinawagan ang aking sekretarya na aalis muna ako saglit. Sinend niya naman saakin ang address ng bahay ni Lesly na pinakuha ko sakanya mula sa Help Desk Technician na si Synthia dahil alam kong close sila nito.

        Nagpunta muna ako sa National Book Store upang bumili ng sobre para dito sa sulat na ibibigay ko kay biik.

Nakatunton ako ng Petersville subdivision via jeep dahil nadadaanan daw nito ang gate ng village na iyon. Muntikan na akong mawala dahil hindi ko mahanap ang bahay ng pandak na iyon. Marami kasing naglalakihang bahay at hindi ko pa alam kung anung itsura ng pamamahay nun. Siguro pig pen.

"Nasan na ba ako? Teka nga at matanong ko yung ale na yun" pumunta ako sa may harap ng pulang gate ng isang malaking bahay.

"Manong alam niyo po ba kung saan yung #12 Petersville subdivision?" tanong ko sa ale.

"Ah etong bahay na to bakit?"

"May kilala po ba kayong Lesly Santiago?" pagtatanong ko muli.

"Siya yung may ari ng bahay na ito bakit?"

"Nanjan po ba siya?"

"Ah oo nasa loob. Boyfriend ka ba niya? Gusto mo bang tawagin ko siya?"

"Hindi na po. Pakibigay nalang po ito sakanya" sabay abot ko ng sobre sa ale.

"Pakisiguraduhin nalang po na maibibigay niyo po iyan sakanya"

"sige iho" tumango naman ito.

"sige po alis na po ako"

        Nagmadali akong umalis dahil nagpatawag ng emergency meeting ang mga board of directors. Hindi ko na muna inabalang hatakin sa kama niya si biik baka kasi may sakit nga talaga. Kawawang baboy.

(Lesly's POV)

Iniligpit ko ang pinagmeryendahan ni manong Felipe at saka inilagay sa lababo.

Nagpa-init ako ng pampaligo at saka umakyat sa kwarto upang makapagayos ng damit. Nakita ko ang cellphone kong nagri-ring at sinagot ang caller.

"Hoy! Lesly! Where the heck are you!?" bulyaw ng Assistant kong si Jean.

"ha? Anung where the heck ka jan?" nagtatakang tanong ko naman sakanya.

"Nagpatawag ng emergency meeting ang mga board of directors dahil may malaking problema daw sa mga ila-launch nating projects next month!" halatadong ninenerbyos ito.

"So? Anu naman yung problema na iyon? Akala ko ba ok na ang lahat?" supladang tanong ko naman dito.

"Anung so? Bakit nasaan ka ba ha? Kanina ka pa hinahanap ng mga tao dito sa company. Halos magkanda ugaga na nga kaming maghintay sayo eh"

"Bakit na-miss niyo na agad ako?"

"Ang alam kasi namin na wala sa bokabularyo mo ang mag-absent at magpa-late"

"sinabi ko naman sa secretary ko na mag le-leave muna ako ng 1 week and besides sinabi naman na ng magaling niyong CTO na ok na ang lahat at wala nang proproblemahin pa" kalmado kong sinabi.

"Bakit pa nagpa-emergency meeting ang board of directors kung ok din lang naman pala ang lahat?"

"Ba! Malay mo kung tuwang tuwa sa ginawa nating projects. O di kaya'y may misunderstanding lang. Ano ka ba! kaya niyo na yan. Kaya mo na yan ikaw pa! and besides you're my assistant bakit naman ako kakabahan sa ganyang problema? I know your potential and I know what our team can do. Nanjan naman sila Jerick, Chrome, Synthia, Jesica, yung unggoy na yun at ikaw. O anung ikinakabahala mo dun?" tanong ko dito.

"Ugh! Just please come. Meeting will start in about half an hour"

"Okay let me see"

"LESLY!"

"Okay okay fine!" pagsang ayon ko nalang.

"Good!" tuwang tuwang sinabi nito at sabay pinutol na ang tawag.

Napa-buntong hininga nalang ako sa mga narinig ko. Isang linggong kalayaan na nga lang ang binigay saakin nung chonggo na yun ipagkakait pa yung isang araw. Kaya tuloy makikita ko nanaman siya ngayon! Ish! Baka naman isa sa mga plano at pakikipaglaro nanaman niya ito.

The Jerk Who Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon