Chapter 4
(Lesly's POV)
Ako susuko? neber! as in neber! wala sa bokabularyo ko ang sumuko at lalong wala sa mga angkan ko ang nakakagawa pa non!
Ito nalang ang tanging isinisigaw ng utak ko sa mga sandaling iyon habang nagpupumilit sumubo nong Cyramus Ala yuck! Na pina-order ko sa ulupong na ito.
Aba! Malay ko ba kasi kung seryoso talaga ito sa mga sinabi niya. Para kasing nakikipaglokohan tuwing makita ko yung mala-empakto niyang mukha na ngingiti ngiti.
Makalipas ang mga ilang oras.
"Ayoko na! parang awa niyo na! hindi na kaya ng chan ko!" Impit ko habang sukang suka na sa pag nguya nong pagkain. Sasabog na ata ako sa sobrang dami ng kinain ko. Hindi na kaya ng chan ko masyadong marami ang inokyupa nitong kapasidad kaya parang yung mga laman loob ko eh nakikipagsiksikan nalang sa loob sa sobrang dami ng nakain ko.
Tinignan ko ng masama yung unggoy na nakaupo sa harap ko. Parang gusto ko nang isuka lahat ng mga kinain ko sa mismong pagmumukha niya.
Pweh! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya. Tapos may ganas pa itong ngumiti ngiti! Asar. Hindi ko alam kung anung mas nakakasuka itong pinageksperementuhang pagkain o yung pinageksperementuhang pagmumukha na nasa harap ko!
Nagtaasan ang mga balahibo ko ng mga sandaling iyon habang nakikipagtitigan sa kutong lupa na ito.
Mayat maya ay napansin kong nag aalburuto na ang chan ko.
~Krrrg~
"Hala!" napabitaw ako sa kutsarang hawak hawak ko at saka tumayo.
"Oh bakit?" pagtatanong ng kapre saakin.
"Kailangan ko nang umalis!" bulalas ko habang isinusuot ang shoulder bag at sabay dampot sa nagiisang sapatos ko.
"Wait! Hindi mo pa ubos yang pagkain mo" pagpipigil niya saakin.
"Nabayaran mo naman na kaya hindi yan sayang!" wika ko dito ng hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.
"If your'e not gonna finish your food, think about the people in Africa" sambit nito. Agad agad siyang tumayo at saka humarang sa harap ko.
Think about the people in Africa?!
Niloloko ba ako ng unggoy na ito? Mamamatay na ako sa sobrang sakit ng chan ko tapos iisipin ko pa yung mga tao sa Africa?!
"Bago ko muna sila isipin. Uunahin ko muna tong nagaalburutong chan ko kaya lumayas ka sa harap ko!" nagpakaliwa ako ngunit humarang parin siya.
"No!" mabilis na sagot nito sabay hawak sa kamay ko.
Naku josko mapapatay ko na talaga tong lalakeng ito!
"Parang awa mo na, Nagmamakaawa na tong chan ko palayasin mo na ako dito!" nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko ngunit ayaw niya itong bitawan.
"Hindi ka aalis!" pagpupumilit niya.
"Ano ba!" saka ko siya itinulak ng pagkalakas lakas gamit ang isang kamay ko. Hindi niya mapigilang mapatilapon dahil sa lakas ng pagtulak ko.
Aba! Kahit gaano pala katanggad at kalaki tong taong ito kayang kaya ko pa palang ipatumba.
"Kapag ito hindi ko mapigilan lumabas, Pagsisisihan mo to! Pagsisisihan mo ng buong buhay mo!" dinuro duro ko siya habang nakatingin saakin mula sa pagkabagsak nito sa sahig.
Minadali ko nang lumabas at iniwan nang mag isa dun ang unggoy na iyon. Wala na akong pakielam kahit pagtinginan pa kami ng tao dahil mas uunahin ko ang reputasyon ng chan ko!
"Amin na yan!" Hinablot ko ang taling hawak hawak parin ng security guard. Nagtataka ang mukha nito at hindi nalang nakaimik. "Tapos na ang date namin ng chonggo na yon kaya makakaalis na ako" kinalas ko ang tali mula sa sapatos ko at isinuot ito kasabay ang kanyang pares.
Nagmadali akong maghanap ng taksi dahil mga ilang minuto nalang ay malalaglag na ito.
Naka para ako ng sasakyan kasabay ng paglabas ng isang hinayupak na nilalang mula sa pinanggalingan kong restaurant.
"Lesly wait!" bulyaw nito saakin. Binuksan ko ang pintuan ng taksi at binalingan siya saglit.
Naghasik ako ng masamang tingin dito at pati na rin sa restaurant na kinatatayuan niya.
Walang hiya kang kapre ka! Kasalanan mo tong lahat! As in lahat lahat! Mula sa panggugulo mo sa buhay ko hanggang sa pamimilipit ng chan ko Pagbabayaran mo to!
"Tandaan mo ang araw na to! Pagbabayaran mo to!"
"Lesly wa--!" bago pa siya nakapagsalita ay tuluyan na akong pumasok ng sasakyan.
"Manong sa Petersville village" pag uutos ko sa driver ng taksi.
Magtatangka pa sanang habulin ng unggoy na iyon ang sinasakyan ko ngunit nakalayo na ako.
Hindi na ako muling lumingon. Ayaw ko nang makita pa yong taong naninira, sumisira at nanira na ng araw ko.
"Tandaan mo ang araw na to! Pagbabayaran mo to!" ito nalang ang tangging sambit ng utak ko habang pinoproblema tong namimilipit kong chan sa sakit.
BINABASA MO ANG
The Jerk Who Broke My Heart (Completed)
RomanceDumating na ba sa buhay mo yung kinikilig ka sa isang tao pero sa huli pakikiligin ka lang pala tapos iiwan ka lang sa ere. Ayun nang-gigigil ako sa mga ganun mga salot sa lipunan. Ayun, nag Author's note lang naman ako kasi nah-highblood nanaman a...