Chapter Two

1.2K 43 1
                                    



Its a new day... Kinalimutan ko na ang nagyari kagabi. It was just a stupid mistake that lead to stupid consequences. I am pretty sure wala naman nakakilala sa boses ko and not to mention I even changed my name. Tatlong tao lang naman nakakaalam ng nickname ko na Mei, si Lina, Rylie and EJ and I am damn sure di sila nakikinig sa radyo na yun.

I woke up really early, make up, dress up and headed for work. Maaga pa sa alas sais umaalis na ako ng bahay para di abutan ng traffic, ayoko ng late lalo na sa trabaho at ayoko na napapagalitan dahil lang di ako marunong sumunod sa tamang oras. I've been in the company for 3 years now as Marketing Assistant and so far so good. In fact, Isa ako sa pinapagpiliian na mapromote sa susunod na 3 buwan. Therefore, everything should work out fine. I am not a control freak, I just want things to be organized and in place at all times. Nakakawala sa wisyo pag magulo!

"Morning Ma'am Cath" Bati ni Manong Bert, ang security guard na laging bumubungad ng isang malaking ngiti. Isang magandang simula sa umaga.

"Good morning po manong!"  inabot ko ang dala kong kape sa kanya.

"Naku Ma'am 3 years niyo na ako nabibigayan ng kape ah! Salamat po."  He said politely as he open the building's lobby door.

"Wala po yun Manong. Malakas ka sakin!"  I replied as I walked down the lobby isle.

It's 7:30am. My first meeting will start in 30 minutes. At pag naghihintay, nakagawian na naming magkakaibigan na magkita kita ng maaga sa conference room to check if everything is settled.

"Mga bakla! Andito na si Future, Marketing Head!"  Sigaw ni Ej habang pumapasok sa conference room.

"Aga aga bakla ang ingay mo." Saway ni Lina habang bumebeso sa akin.

"Marketing Head agad? Di ba pwedeng Marketing Senior Assistant muna?"  Patawa kong sagot habang bumebeso sa tatlo.  "Tas ang wierd mga beks! Babae tayo lahat pero tawagan natin bakla!"

Tumahimik ang tatlo at sabay sabay na sumagot.  "Yes, Ma'am"

Asar talo talaga ako sa tatlong ito. 

"Mga sira kayo talaga!"  Wala na akong ibang nasabi kung hindi iyon. Sa aming 4, ako ang laging talo sa tuksuhan at kulelat sa kulitan. Ms Sungit, yan ang tawag nila sakin. Sarcasm is my forte and meanness is my nature. So instead na magkulitan, I reviewed my notes for the meeting and organize my files as the 3 chitchat unstoppably. 

But one discussion, caught my attention...

"Girls, kagabi, wala akong magawa sa condo tapos di naman ako madalaw dalaw ng antok, so I tried the radio station that Cath listens to... And guess what?"  Rylie looked at me intently -"May nag away!"

"Ohh anung bago dun? Eh lagi naman may nagsasagutan dun?"  Nagmaang maangan pa ako. Sana talaga hindi niya mahalata! Alam kaya niya na ako? Grabe na ang kaba ng dibdib ko.

Tinaas ni Rylie ang kaliwang kilay... As if naman maruning magtaray ang babaitang ito. "Seriously? Tatanungin mo?"

Sabay na nagtinginan si Ej at Lina na walang kaalam alam kung ano ang nangyayari... " Anung meron?" They asked in chorus.

"Ewan ko dito!"  Sagot ko sa dalawa sabay panlilisik ng mata kay Rylie.

"Tigilan mo yan!... Feeling nito! Kahit lakihan mo pa buka ng mata mo maliit pa din! Di na lalaki yang singkit mong mata!"  Pangiinis ni Rylie.

"Wag ninyo ibahin usapan mga sira! Pasimple pa kayo may tinatago naman"  Napipikong sagot ni Ej.

"Mga echusera kayo! Bilis na andyan na sila boss! Magstart na ang meeting! Di niyo parin sinasabi!" Excited na excited naman itong si Lina! Basta chismis sa barkada! No. 1 siya!

The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog   #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon