Chapter Twelve

568 29 1
                                    

Ilang araw nang hindi sumasagot sa tawag at text ko si Zack. Pinuntahan ko na din siya sa condo at sa bistro kung saan sila tumutugtog pero wala. Hindi siya nagbubukas ng pinto at hindi na din nagpupunta sa mga gig niya. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Pati si Lina ilang araw ng hindi pumapasok sa trabaho at hindi rin matawagan. Okay naman si Lina nung nakaraang gabi na nagdinner kaming apat. Wala din naman siyang nabanggit na problema. Ano ba ang meron? Hindi kaya nagtanan na ang dalawa? Pero malabo. Impossible.  Hindi ganong babae si Lina at hindi rin maiisip ni Zack ang mga ganung bagay.

Kalahati palang ng araw ay nagpasya na ako na umalis at bumalik sa bahay ni Zack, baka sakaling nasa bahay na siya o kaya naman ay pagbuksan na ako ng pinto. Pag wala parin ay pupuntahan ko si Lina sa bahay niya. Papagurin ko ang sarili ko malaman ko lang kung ano ang nangyayari sa kanila.

I took my things and hurriedly left the office right after the team's meeting. I took my car keys and headed down to the basement. I started the engine.

Crap! It won't start!

I tried it again. Please please please start!

No luck! Good grief! Ngayon paba papalya ang makina? Pambihira naman!

For this last time. I tried to start the engine again!

The ignition won't start!

Fail! Great! Just great!

I stepped out of the car. And walked out of the basement. Kung kelan marami kang pupuntahan tska pa masisira ang kotse mo! Napakasaya naman. Nagiinit na ang ulo ko. Sumasabay sa init ng araw.  Umiinit ang ulo ko pag naiisip ko na kailangan ko pa silang puntahan sa kani kanilang bahay para malaman kung okay ba sila at kung ano ang nangyayari sa kanila. Umiinit ang ulo ko dahil kahit pigilan ko ang sarili ko na hindi magalala ay di ko magawa!

Naglakad ako at tumawid sa tapat ng building papunta sa sakayan para pumara ng taxi. Paniguradong ubusan ng pera at pasensya ang mangyayari sa pagcocommute ko! Rush hour pa ngayon! Ilang minuto na ang lumipas ay wala paring taxi na nagdaraan na walang lamang pasahero. Napapawisan na ako! Nabibigatan sa gamit ko! Dapat pala iniwan ko nalang sa office ang mga files at laptop ko. Sino ba naman kasi ang magaakalang sa dinamirami ng araw ngayon pa masisira ang kotse ko!

Halos labing limang minuto na ako naghihintay ng may tumigil na pulang sedan at bumusina. Tinted ang salamin ng kotse kaya di ko maaninag kung sino ang nakasakay sa loob at wala akong kilala na sobrang yayamanin para mag may-ari ng ganto kamahal na kotse.

*Beeeep beeeep*

*Beeeep beeeep*

*Beeeep beeeep beeep*

Pangatlong busina na ng sasakyan. Hindi ko ito pinansin at naglakad papalayo. Hindi ko sasayangin ang oras ko makipag kulitan sa busina ng sasakyan.

*Beeeep beeep*

Bumusina ulit ito at umandar papalapit. Ay talagang nanadya! Lahat ba ng kamalasan sa araw na ito mararanasan ko? Lumakad ulit ako paharap at iniwan ang kotse. Isa pang busina kakatukin ko na ang kotse at kakaltukan ang driver!

*Beeeeeeeeeeeep*

Isang mahaba at nakaririnding busina! That's it!

"Anlalaki ng daan!! Ano ba?!" I said shouting as I tap the car hood loudly.

The right window of the card rolled down. I removed my sunglasses to see who the driver is.

Pagminamalas ka nga naman!!

"Hey Ms Summer!" Mr Jacob greeted with a smile. Yung ngiting nangiinis. Dali dali siyang bumaba ng kotse at lumapit sa parte ng kotse na pinalo ko.

"Baka naman nagasgasan na sa lakas ng palo mo Ms Summer." He said jokingly.

I returned a fake smile. "Ikaw ang hampasin ko diyan eh!" Pabulong kong sagot.

Humakbang siya papalapit sa kinatatayuan ko.  "Sorry may sinabi ka?"

Narinig ba niya ang sinabi ko? Well wala naman akong pakielam kung marinig niya. Oo nagkabati na kami nung nakaraan pero talagang iba ang hangin nitong si Mr Jacob na hindi ko maalis sa sarili ko na mainis. Kaya imbis na ipakita ko na napipikon ako ay umaalis na lang ako o lumalayo sa kanya. That way walang magkakainisan, walang magkakapikunan at walang magiging iringan.

Umiling ako sabay talikod. "Una na ako Mr Jacob may pupuntahan pa ako."

"Ms Summer!" Hinablot niya ang dala kong bag at folder. Hindi ko napigilan tumitig ng masama. Anu nanaman ang gusto niya?

"Ano? Mr Jacob ano?" Naiirita kong tanong sa kanya habang hinahablot pabalik ang mga gamit ko. "What do you want?"

"Init ng ulo ah. Summer na summer." He replied laughing. Hindi ba talaga gumagana sa taong ito ang pagsusungit ko? Hindi ba talaga gumagana sa taong ito ang pagtitig ko ng masama?

I took a deep breath and look him in the eye. "Mr Jacob, please just tell me what you wan't. I need to be somewhere." Kung di ka madaan sa pagsusungit, baka madaan kita sa pagpapaawa.

He walked towards me and leaned over. Kumabog ang dibdib ko at humakbang patalikod. He smiled teasingly and reached for the car door. "Sakay na."

Sakay na? Bakit? Hindi na nga gumagana ang pagsusungit, hindi pa gumagana ang pagpapaawa! Pambihira talaga!

Pinagmasdan ko siya. Hindi siya tumatawa. Nakangiti lang siya na parang timang. Hindi ko talaga makuha ang trip nito sa buhay. Is he trying to be nice?

"Hah? Sakay?" Nagtataka kong tanong.

Hinablot niya ulit ang mga gamit ko at ibinaba sa backseat.

"Sakay na Ms Summer." He said again as he hopped in to his beautiful and expensive car.

Yumuko ako at tumingin sa kanya. "Anong trip to?" Hindi ko na napigilang magtanong.

"Walang trip trip promise. Sakay na."  He laughed real hard and raised his right hand. "Promise talaga!"

Di ko maintindihan ko ano ang nakakatawa sa sinabi ko o kung ano ang nakakatawa sa nangyayari. May sapak yata talaga siya eh.

"Bakit nga ako sasakay??"

Kumamot ito sa ulo at busina ng mahaba habang nakangiti. Sadyang agaw pansin siya sa mga naglalakad at naghihintay ng masasakyan. Napapatigil sa paglalakad ang mga tao sa gilid ng daan at sinisilip kung ano ang nangyayari sa amin.

"Mr Jacob? Ano ba?" Naiirita kong tanong sabay balibag ng pinto pasara. Ano ba ang gusto niya?

Ibinaba niya ang bintana sa passenger seat at Imbis na sumagot ay busina ulit ito ng ilang beses. Nagtitinginan na ang mga tao sa paligid. Nakikita ko ang mata nila na nakatitig sa akin.

*Beeeeeeeeeeeep*

Isa nanamang mahabang busina kasabay ng sunod sunod na maikli ngunit nakabibinging busina.

"Sakay!" Nakangiti niyang sabi habang nakapindot sa busina. "Di ako titigil Ms Summer."

"Ano ba?" Pabulyaw kong sagot sa kanya. "Nakakahiya ka!"

Nakita kong tumingin sa amin ang pulis na nakaantabay sa kabilang kalye. Naglalakad na ito ng matulin papalapit sa amin.

"Ano po ba ang nangyayari diyan? Kanina pa kayo ah." Sigaw ng pulis habang tumatawid ng kalsada. "May problema ba?"

Bumusina ulit si Mr Jacob at binuksan ang pinto. "Sakay! Ngayon na"

Palapit na ng palapit ang pulis. Sasakay ba ako?? Nakakainis! Nakakainis talaga!

"Crap!!! Nakakinis!!" I shouted angrily as I entered the car and slammed the door closed!

The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog   #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon