7:30 pm na ng makarating kami sa bistro. Naubos ang oras namin sa paghihintay sa traffic at masaya ng nagkwekwentuhan ang lahat ng dumating kami. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi dahil sa ikinikilos ni Jacob. Pagbaba palang nang sasakyan ay mahigpit na itong nakahawak sa aking kamay. Pakiramdam ko ay para akong bata na iniingatang mawala dahil sa dami ng tao.
"Mawawala ba ako?" Pagbibiro ko sa kanya habang tinuturo ang kamay niyang nakakapit sa kanang kamay ko.
Tumingin ito sa akin at itinaas ang kamay kong hawak niya. "Oo. Baka sa iba ka pa mapakapit eh. Mahirap na..."
Agad agad akong huminto sa paglakad ng marinig ang sinabi niya. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at mahigpit na yumapos sa kanyang braso."Wag ka mag-alala. Yours exclusively! Gusto mo maglagay pa ako ng touch me not sign?"
Umiling ito at hinalikan ang aking noo. "Galing mong mambola sweetheart!"
Nakaakbay sa akin si Jacob ng pumasok kami sa Bistro. Tahimik na nanonood ay ang tatlo kong kaibigan kasama si Justin habang papalapit kami ng papalapit sa kanila. Hindi man nila sabihin, alam kong napakasaya nila para sa akin dahil sa wakas in my 27 years of existence nagkaroon din ako ng lalaking matatawag kong boyfriend. Halatang halata na kinikilig ang mga ito sa aming dalawa.
"Mr Ian... Welcome!!!!" Masayang bati ni Rylie. Tumayo ito habang hinahatak si Justin patayo. "Justin, meet Mr Ian, boyfriend ni Cath. Mr Ian, meet Justin. Boyfriend ko."
Lumapit si Jacob kay Justin at nakipagkamay. "Ian nalang pare."
Matapos nilang magkamayan ay ako naman ang lumapit kay Justin at nakipag Apir. Pagkaraan ng ilang saglit ay nakita ko nang naglalakad papunta sa amin si Zack. Ngumiti si Jacob at hinawakan ang kamay ko.
"Cathyyyyyy!" Bati nito sa akin na aakmang yayakap. Agad kong nilakihan ang aking mga mata at sumenyas ng wag. But of course his stubbornness strikes again. Lumapit parin ito at yumakap. Wala akong nagawa kung hindi yakapin siya gamit ang isa kong kamay. Naramdaman kong unti unting inaalis ni Jacob ang paghawak sa kamay ko ng yakapin ako ni Zack pero mas hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya.
"Bawal na?" Natatawang bulong ni Zack ng yumakap ito.
"Nakakainis kakulitan mo." Ilang beses kong kinalabog ng malakas ang likod nito. Tawa lang ito ng tawa sa reaksyon ko at inalis na ang pagkakayakap sa akin.
"Pare, kamusta?" Magiliw na bati nito kay Jacob matapos akong yakapin.
"Mabuti naman." Matipid na sagot ni Jacob na nakipagkamay din sa kanya.
Umupo na kaming tatlo at ako na mismo ang nakipagpalit kay Jacob para hindi kami magkatabi ni Zack. Ayokong bigyan pa siya ng dahilan na magisip ng kung ano.
Buong oras ng kwentuhan at kainan ay nakahawak ako sa kamay ni Jacob. Hindi dahil natatakot akong kumapit siya sa iba pero dahil gusto kong maramdaman niya na wala siyang dapat ikabahala sa amin ni Zack.
Syempre hindi parin namin maiwasan ni Zack na magbiruan na kami lang ang nakakaintindi o mga expressions na kami lang ang gumagamit. Hindi ko rin maalis kay Zack ang mga nakasanayan na niyang gawin katulad ng ibigay sa akin ang lahat ng gulay sa inorder niya at kunin lahat ng balat ng manok sa inorder ko. Okaya ay ang automatic na pagorder nito ng mint tea para sa akin pagkatapos na pagkatapos kong kumain. Dahil sa mga eksenang ito, alam kong may magaganap na paguusap mamaya sa sasakyan.
Lumipas ang oras sa puro bangkaan at kulitan. Habang nagkwekwentuhan ang lahat ay tumayo si Zack at lumapit sa akin. Yumuko ito at bumalong sa akin. Dahan dahan akong tumayo at bumitaw kay Jacob.
BINABASA MO ANG
The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog #Wattys2016
ChickLitPaano pag nagtagpo ang landas ng isang babaeng ubod ng sungit at isang lalaking ubod ng Hambog. Will it turn into chaos or will it develop into love? Will she choose to risk her love despite her fear of hurting? This is a story of an unexpected lo...