The Final Chapter

822 19 5
                                    

Mabilis akong pumara ng taxi at nagpahatid sa bulacan. Patuloy parin ang pagpatak ng luha sa aking mga mata at ang pagsikip ng aking dibdib. Hindi maiwasan ng driver ng taxi na mapatingin sa akin at abutan ako ng tissue. Nagagalit ako kay Jacob, nagagalit ako sa mga salitang binitawan niya pero naiinis din ako sa aking sarili. Umiwas nanaman ako sa pagtatalo at iniwang unresolved ang issue naming dalawa. Oo masakit ang mga ibinintang niya sa akin at talagang wala na ito sa lugar. Pero sa tuwing maalala ko ang binitawan kong salita sa kanya bago ako umalis na iba ako sa ex fiancé niya... Di ko maiwasang sisihin ang sarili ko. His fiancé fell in love with his best friend... At mali man ang pagseselos at pagiging paranoid niya sa amin ni Zack ay dapat ay mas inunawa ko siya at pinagpasensyahan. Since I know where he is coming from, I should have assured him of my love for him instead of walking away. I should have stayed and made him realize that he was wrong and that there's nothing to worry about. Napakamot ako sa ulo. Nakakiinis!


"Kuya pasensya na po pero balik po tayo sa Shaw." I have decided to immediately reconcile with him. Wala namang point kung pahabain pa ang away namin dahil lang sa simpleng bagay.

Pinilit kong alalahanin kung saan ang condo ni Jacob. Isang beses palang ako nakakapunta sa bahay nito nung minsang makalimutan niya dalhin ang laptop sa trabaho at pilit ako nitong sinama sa bahay niya. Nakailang ikot kami sa Shaw bago ko natunton ang building kung saan nakatira si Jacob.

"Tama bang amuhin ko agad siya?" Tanong ko sa sarili habang nasa elevator. Pero may silbi pa ba ang pagtatanong ko ngayong andito na ako?

Bago bumaba ng elevator ay nagsalamin muna ako at inayos ang sarili. Sa sandaling oras ng aking pagiyak ay grabe agad ang naging maga ng aking mga mata. Kalmado akong lumabas sa elevator at dahan dahang kumatok sa pinto ng condo unit niya ngunit nakailang katok na ako ay di pa rin ito nagbubukas. Halos mamaga na ang kamao ko sa pagkatok pero walang paring nagbubukas. Nasan kaya siya? Hindi kaya sumunod ito sa akin sa bulacan? Baka nagkasalisi pa kami nito!

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag. Pero hindi ko ito makita. Umupo ako sa lapag at inalis ang lahat ng laman ng aking bag. Wala! Nasan ang phone ko? Hindi ko maalala kung saan ko ito nailapag. Sa taxi ba? O naiwan ko sa bistro? Paano na ang gagawin ko? Baka pag umalis ako dito ay magkasalisi nanaman kami ni Jacob at kung nasa bahay nga siya, baka napapraning nanaman yun sa pagiisip kung nasaan ako. Baka isipin pa niya na nagpunta ako kay Zack at naglabas ng sama ng loob dito.

"Maghintay ka nalang... Hintayin mo nalang." Pabulong kong pangungumbinsi sa aking sarili habang inaayos ang aking pag-upo sa sahig.

11:00

11:15 pm

11:30 pm

Nakailang tingin na ako sa aking relos. Wala pa rin siya...

11:50 pm

12:05 am

12:30 am

Nararamdaman ko na ang pagod at antok. Ilang tao na rin ang nagdaan sa hallway at walang hamak akong pinagtitinginan.

"Makatingin kuya? May hinhintay ako wag kang magisip ng kung ano!" Nagagalit kong bulyaw sa isang mamang tagos sa laman kung makatingin.

Tuloy pa rin ako sa paghihintay. Inakap ko ang bag kong dala at inayos ang butones ng aking blouse para kung may dumaan may ay di na ito mapapalingon at mapapatitig pa sa akin.

12:45 am

1:05 am

Wala pa rin siya! Bakit wala pa rin siya? Nasan ba ang lalaking iyon?! Sa sobrang pagod ay di ko na namalayan ang unti unti kong pagpikit. Pilit kong nilabanan ang antok pero di na talaga kinaya ng aking mga mata.

The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog   #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon