Bonus Chapter

714 18 2
                                    

                  

23rd June 2016 - The Wedding day

The whole place was covered in blue and white. Nakakalat ang mga puting rosas sa bawat gilid ng simbahan habang nakasabit sa bawat pader ang asul na tela. Tumutugtog ng love songs ang banda ni Zack habang hinihintay na magsimula ang kasalan. It was perfect. It's what every bride is dreaming of.

Nagsimula na ang kasalanan. Tahimik na nakikinig ang lahat. Tahimik na kinikilig ang mga ito mula sa exchanges of vows hangang sa maisuot na ang mga singsing. Nakangiti ang lahat at masayang hinihintay ang hudyat ng Pastor. Hindi ko mapigilang tumingin kay Ej at Rylie na parehong umiiyak. Pinahid ko ang nangingilid na luha sa aking mga mata.

"Groom you may now kiss the bride!" Sa wakas ay nagsalita na ang Pastor.

Masayang nagpalakpakan at hiyawan ang lahat. Tumingin sa akin si Jacob at inusli ang nguso. Di ko napigilang matawa sa pa cute niyang itsura. Umiling ako at ibinaling ang tingin kay Lina.

"You may know kiss the bride daw! Ano hinihintay niyo? Pasko?" Natatawa kong sigaw kay Lina habang hawak ang mukha ni Zack. Dahan dahan niya ito inilapit sa kanyang mukha at tumawa.

"I love you Mrs Lina Palomo!" Malambing na bati nito sa bagong asawa.

"Ladies and Gentlemen... Mr and Mrs Palomo!" Sigaw ng Pastor habang kinakamayan ang dalawa.

Nagsilapitan kaming mga bridesmaids pati na ang mga groomsmen para batiin ang bagong kasal. Masayang masaya ako para sa kanilang dalawa. My two best friends finally tied a knot.

"Pakatino kana ah!" Bulyaw ko kay Zack at inakap ito. "Ninang ako ah!"

"Naku sinasabi pa ba yon? Automatic na yun!" Natatawang tugon ni Lina. "At excited lang? Di pa nga ako buntis!"

"Girl! Baka bukas lang buntis kana agad!" Bumeso ako sa kanyang magkabilang pisngi at pinunasan ang pumapatak niyang luha dahil sa saya. "Ang make up! Naiismear!"

Bago lumabas ng simbahan ay nagpicturan muna ang lahat. Una ang mga magulang ni Lina at kanyang mga kapatid at sumunod naman kaming mga bridesmaids at ang mga groomsmen. Hinagisan ang newly  wed ng mga talulot ng mga rosas habang sabay sabay na sumisigaw ng 'Mabuhay ang bagong kasal'.

Nakasakay na sa sasakyan si Lina ngunit naiwan sa labas si Zack. Nagmamadali itong tumakbo papunta sa amin ni Jacob.

"I love you Cathyyyy. Salamat sa lahat." Pagkatapos nitong yumakap ay tumingin ito kay Jacob. "Salamat pare. Magkita kita tayo sa reception!"

Tumango si Jacob at nakipagkamay kay Zack. "Congratulations Pare! Susunod kami sa reception."

Ngumiti si Zack at naglakad papalayo.

Inakbayan ako ni Jacob at bumulong sa akin. "I love you Cathyyyy daw."

"Oh may asawa na yung tao gumaganyan ka pa din." Natatawa kong sagot sa kanya sabay pisil sa kanyang tagiliran.

Huminto si Jacob at humarap sa akin. Kinuha nito ang aking kamay at hinalikan. "Tayo na ang susunod. Handa kana ba?"

Hinatak ko ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak at yumakap sa kanyang leeg. "I was born ready sweetheart."

The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog   #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon