Chapter Twenty Eight

595 15 2
                                    

Para parin akong nanaginip. Parang hindi parin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang inamin ko ang nararamdaman ko kay Jacob. Hindi ako makapaniwalang inisantabi ko ang takot ko para sa kanya. Hindi ako makapaniwalang ang isang Katulad niya ay magmamahal sa isang katulad ko. Ilang araw na ang nakakalipas muli ng maging official kaming dalawa. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi. Hindi ako sanay sa tuwing tinatawagan niya ako ng gabi para mag goodnight at umaga para mag good morning. Hindi ako sanay na may nagaabang sa akin bawat umaga sa parking lot na may kasama pang mainit na kape. Hindi ako sanay na laging may naghahatid ng lunch sa opisina pag hindi ako makaalis sa meeting. It's too good to be true. It's like a fairytale in real life. Ang noong pinapangarap kong lovestory, kay Jacob ko lang pala mararanasan. Sa isang lalaking ilang buwan ko palang nakikila.


"Nakatitig ka nanaman sa gwapo kong mukha." Nakapikit nitong banat habang nakahiga sa sofa at nakaunan sa aking hita ang kanyang ulo. "Baka matunaw ako."

"Ang hambog talaga ng boyfriend ko!" Pagtataray ko sa kanya habang pinipisil ang magkabilang pisngi. Ang gwapo ng boyfriend ko! Hindi ko ito maikakaila.

"Lumapit ka. May bubulong ako sayo." Dumilat ito at hinintay ang pagbaba ng aking ulo. Imbis na bumulong ay mabilis nitong idinampi ang kanyang labi sa aking labi. "Huli ka!"

"Magnanakaw ka!" Pabiro kong sigaw sa kanya sabay pitik sa kanyang matangos na ilong. "Nasa office tayo! Baka may makakita naman."

Bumangon ito mula sa pagkakahiga at umupo. Kinuha nito ang hawak kong files na ilang oras ko ng binabasa.

"Kaya nga nakasarado ang blinds. Para may privacy..." Hinatak niya ako pahiga sa sofa hangang ang ulo ko ay nakapatong na sa kanyang hita. Hinimas nito pababa ang talukap ng aking mga mata at pinapikit. "Ikaw naman magpahinga. Kahit ilang minutes lang. Kanina kapa nagbabasa."

I closed my eyes and smiled. Will I get used to his sweetness and charm?

Lumipas ang ilang minuto. Walang humpay ang paghimas ni Jacob sa aking buhok habang ang isang kamay ay mahigpit na nakapit sa aking kanang kamay.

"Pssst. Jacob..." Pabulong kong tawag sa kanya. Sa sobrang hina ay yumuko ito palapit sa akin. Nang naramdaman kong malapit na ang mukha nito sa akin ay agad kong hinalikan ang kanyang malambot na labi. "Huli ka!"

Tumawa ito ng malakas at muling inilapat ang kanyang labi sa aking labi pataas sa ilong at noo. "Natututo ka sa akin ah..."

Hinipan ko ang mga hibla ng buhok na nakakalat sa aking mukha at kumindat. "Syempre! Fast learner ako!"

Muli itong humalakhak ng malakas at pinisil ang aking ilong na hindi katangusan. "I love you Summer..."

First time kong marinig sa kanya ang salitang iyon. Lagi niya lang sinasabi na he's falling for me and that he likes me but never I love you. Napadilat ako at di naiwasang magtanong.

"Why do you love me?"

He smiled and caressed my cheeks with his hands. "Pagmahal mo ang isang tao. Hindi kailangan ng kung ano ano pang rason o dahilan. I love you because you are you. I love you because you are Cathernine Summer Buentura... Ang babaeng ilang beses akong sinungitan."

I guess they're right. You will only know if you truly love someone when you're clueless on why you love them. Can this really be true love? I have so much to learn and I am willing to learn it with Jacob.

I gave him a wide smirk and sat down. I kneeled on the sofa and reached for his ear. "I love you more..."

Pabalik na ako sa pag upo ng biglang bumukas ang pinto ng office.

The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog   #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon