Palabas na kami ng hotel ng maalala ko ang dala kong bag na naiwan sa loob ng venue. Nahihiya man ay wala akong choice kung hindi utusan ang anak ng boss ko para kunin ito sa loob. Sabagay, ngayon pa ba ako mahihiya? Sa dami ng nagawa na niya para sa akin, isang maliit na bagay nalang ang pag kuha sa bag ko. Walang pagdadalawang isip ay pumayag itong kunin ito sa loob at para ipaalam na din kela Lina, na kanina pa tawag ng tawag, na mauuna na kaming umalis kesa sa kanila dahil wala na talaga akong mukhang maiihaharap sa gabing ito sa mga tao sa grandball.
Naghintay ako kay Jacob malapit sa exit ng hotel, suot pa rin ang kanyang magarang americana. Ilang sandali pa ay lumabas na mula sa venue si Jacob dala ang bag ko at sinabing nainform na niya ang mga kaibigan ko sa paguwi namin, susunduin nalang daw nila ako ng madaling araw para bumyahe pa La Union para sa outing naming magbabarkada.
Ilang minuto lang ang lumipas at nasa highway na kami pabalik ng bulacan. Isang mahaba habang byahe nanaman. Di ko maalis ang maawa kay Jacob, for sure ay madaling araw nanaman itong makakauwi dahil sa layo ng byahe pauwi sa bahay ko.
"Mag taxi nalang kaya ako? Para di ka masyadong gabihin pauwi."
Kumunot ang nuo nito at madahang umiling. "Di naman ako uuwi eh. Hihintayin kitang sunduin ng mga kaibigan mo." Ngumiti ito at kumindat. "Syempre di na nga ako makakasama, di pa kita ihahatid kahit sa pagalis mo lang."
Ako naman ang kumunot ang nuo sa sagot niya. Bakit kailangan niyang hintayin akong makaalis? Nitong mga nakaraan, naguguluhan na ako sa inaasal ni Jacob. Often times, he is overly sweet and caring. Iniisip ko tuloy may something ba? Meron ba akong dapat maramdaman? Naawa pa ba siya sa akin o may something na? Nagiging kaibigan lang ba siya? O may something na? Di mawaglit sa isip ko ang ibinigay niyang mga bulaklak sa akin, yung panaginip ko, yung pagyakap niya sa akin, yung paghatid kahit na abutin pa siya ng umaga, yung pag aalala niya kanina sa party, yung reaksyon niya sa bawat sitwasyon na nasasaktan ako at umiiyak. Kung gaano siya kasaya pag naman masaya ako. Di ko lubos maisip, meron nga bang namumuo sa aming dalawa? I mean, as far as I know, hindi ko siya gusto. Ou nagagwapuhan ako sa kanya, sino naman ang hindi? Baka bulag lang ang di makakapansin nun. At sa pagkakaalam ko, walang ibang laman ang puso ko kung hindi si Zack, pero di maalis ang pagtataka ko kung bakit, kumakabog ang dibdib ko sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko, sa tuwing kinukulit o sa tuwinang pabiro niya akong tinatawag na sweetheart. Bakit di ko mapigilan na kiligin? At kabahan?
My goodness!!! Nagugustuhan ko na ba siya?!!! Paano nangyari yun? Hindi. Hindi maari. Impossible! Napaka impossible. Marahil ay napaparanoid lang ako dahil sa panunukso ng tatlo sa akin kanina... Hindi. Wala. Impossible.
"Hindi" Pabulong kong sabi sa sarili.
Nakita kong lumingon sa akin si Jacob. Masyado bang malakas ang pagbulong ko? Ano ba naman!!
"Anong hindi?" - Nagtataka nitong tanong habang nakatitig sa akin.
Grabe!!! Ako hulas na ang make up at nawala na ang ganda sa gabing ito, pero siya? Walang nagbago sa itsura, still fresh as ever. Oh crap! I'm thinking about him again! No... Nadadala lang ako ngayong gabi... Nadadala lang ako sa kabaitan niya at sa kakulitan niya. Masyado yatang maraming bumuhos na red wine sa ulo ko, na pati ito nalasing!
I shook all ideas out of my head. Hindi ako gusto ni Jacob at never ako magaassume na gusto niya ako. Yun ang isang bagay na hindi ko tatawirin. BAWAL MAG ASSUME, NAKAMAMATAY!... Yan, yan ang dapat kong ilagay sa isip ko. Ito ang dapat matutunan ng mga babae... Hindi dapat binabase ng babae ang nararamdaman niya sa ikinikilos o ipinapakita ng mga lalaki... Dahil at the end, babae lang din naman ang mabibigo. Majority ng lalaki sa panahon ngayon pafall by nature! Sadya man nila o hindi. Pafall sila period.
BINABASA MO ANG
The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog #Wattys2016
ChickLitPaano pag nagtagpo ang landas ng isang babaeng ubod ng sungit at isang lalaking ubod ng Hambog. Will it turn into chaos or will it develop into love? Will she choose to risk her love despite her fear of hurting? This is a story of an unexpected lo...
