Chapter Nineteen

642 19 0
                                    

*Knockkkkk knockkkkk knockkkkkk

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto para pagbuksan si Jacob. Sakto ang pagdating niya sa oras na ibinigay niya sa amin. Kakatapos lang namin magbihis at mag makeup. Pinilit pa ako ng tatlo na ikulot ang buhok ko para hindi lang ito simpleng nakalugay sa aking balikat.

Ngayon nalang ulit ako nakapagbihis ng magarbo at nakapagmake up ng ganito. Halos araw araw ay eyeliner at lipstick lang ang katapat ng mukha kong maputla. Di ko nakilala ang sarili ko pagtingin ko sa salamin.

"Andyan na!" Sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa pinto. "Jac--"

Natigilan ako ng si Zack ang bumungad sa pinto hawak ang isang bouquet ng bulaklak.

"Cathyyyyyy" Bati nito habang umaakap. "Si Lina?"

Ngumiti ako at tumuro sa kwarto. Kahit kelan talaga ay malambing itong lalaking ito at di ko maiwasang isipin kung gaano kaswerte ang kaibgan kong si Lina sa kanya.

"Puntahan mo nalang sa kwarto."

Pasara na sana ako ng pinto ng biglang humarang sa harap ko si Jacob. Napanganga ako ng makita ko siyang nakatayo sa harap ko. Hindi ko alam kung babatiin siya o pupurihin ang kagwapuhan niya sa gabing ito. He was wearing a black americana suit with white lining on the collar, white inner polo with a very elegant bow tie. Pati ang kanyang buhok ay walang bahid gusot, malayong malayo sa ragged na Jacob na nakakasama ko. Ngayong gabi para siyang pupunta sa awards night ng mga artista, well groomed and proper. Naalala ko tuloy ang suot kong damit, black and white din, black long flawy fitted dress with white lining on the edge of the bra line and a giant white ribbon at the back. Sa lahat kasi ng natatago kung formal evening gown ay eto nalang ang kasya sa naglalakihan kong braso at hita. Mapapagkamalan pa yatang pinagplanuhan namin ni Jacob ang outfit namin ngayong gabi!

"Laway mo sweetheart." Hinawakan niya ang aking baba at pinunasan ang gilid ng labi ko. Nahalata ba niya na namesmerize ako sa kanya ngayong gabi? Kung sino pa ang babae, yun pa ang natutulala?!

Tinabig ko ang kamay nito at tumalikod. Pilit na tinatago ang mga ngiti sa labi ko. "Feeling mo."

"Pssssst Ms Sungit!" Sitsit nito habang naglalakad ako palayo sa pinto.

Hindi ako lumingon at patuloy lang sa paglakad. Natatawa man ay pinilit kong hindi tumingin sa kanya.

"Psssssst Summer!" Sitsit ulit nito. Palapit na ako ng palapit sa kwarto. Nararamdaman ko na sumusunod siya sa bawat hakbang ko. Abot tenga na ang ngiti ko sa kakulitan niya. Tama ngang masasanay ka nalang sa pag-uugali ng lalaking ito.

"Heh!" Natatawa kong sagot sa kanya.

"Psssssssst!" - Isang malakas na sitsit na sinundan ng malakas na sigaw. "Sweetheart!"

Napahinto ako sa paglakad sa lakas ng sigaw nito. Maging mga kaibigan ko sa kwarto ay napasilip sa sala ng marinig ang sigaw niya.

"Psssssssssssst" Isang mahaba at malakas na sitsit sa gilid ng kaliwa kong tenga.

Napalingon ako ng maramdaman kong bahagyang dumampi ang kanyang labi sa aking tenga. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba.

Paglingon ko ay tumambad sa aking mukha ang isang bugkos ng sunflowers, red and white roses na nakabalot sa puting tela at matingkad na pulang laso. Di ko naiwasang maalala ang bulaklak sa aking panaginip, bakit sa lahat ng bulaklak, sunflower pa ang napili niyang ibigay sa akin ngayon?

Sa tanan ng buhay ko, wala pang lalaki ang nakapagbigay sa akin ng bulaklak. Wala kahit isang piraso! Kaya ganito nalang ang gulat ko ng ibigay ni Jacob sa akin ang bulaklak. Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang sa bulaklak na inabot niya sa dalawa kong kamay.

The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog   #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon