Chapter Twenty One

552 26 13
                                    

"I'm falling in love with her..." His voice kept ringing in my head. Inagaw ko palayo ang phone sa kanya at agad agad na pinindot ang end call sabay patay sa maingay na radyo.

"Lakas na naman ng trip mo ah!" I faked a laugh trying to hide my nervousness. "Adik ka ah!"

Hindi ko alam bakit ako kinakabahan. Di ko alam kung saan ako mas kinakabahan, yung malaman na nagbibiro lang siya o yung sabihin niya na totoo ito.

Imbis na makitawa ay umiling lang ito at ipinaandar na ang sasakyan... Mali ba na tinawanan ko siya?

"Oy? Galit ka?" Mahina kong tanong sa kanya habang tahimik itong nagmamaneho. Hindi ito sumagot at nanatiling walang imik. Ilang beses ko siyang tinanong sa buong byahe pero hindi ito nagsasalita o ngumingiti man lang. Hindi na rin ito tumitingin sa akin sa tuwing nagsasalita ako. Anong problema niya? Ako na nga pinagtripan, sa akin pa ngayon galit?

"Problema mo?" Naiirita kong tanong ng makita kong malapit na kaming makarating sa bahay. - "Nakailang tanong na ako ah."

Hindi pa rin ito sumagot at huminto lang sa tapat ng bahay ko. Hindi rin ito lumilingon para magpaalam man lang. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ng gabing ito, nagtaxi nalang sana ako!

"Tsssss... Topak mo." Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kotse. Umaasa na magpapaalam ito o mangungulit na sumaglit sa bahay para magpahinga. Pero wala! Tinignan ko siya ng maiigi bago tuluyang binuksan ang pinto. Nakatitig lang ito sa kawalan at hindi inaalis ang hawak sa manibela.

"Bahala ka nga!" Bumaba ako sa sasakyan at ibinalibag ang pinto pasara. Kung ayaw niya akong kausapin edi wag!

Pagkasaradong pagkasarado ko ng pinto ng kotse niya ay nagmamadali itong umandar at umalis. Napailing at napasipa ako sa hangin sa inis na nararamdaman ko sa kanya! Kala mo kung sino! Pag gustong di magsalita di magsasalita, pag gustong mangtrip mangtitrip? Bahala siya sa buhay niya!

Nagdadabog akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto para ayusin ang mga gamit na dadalhin ko para sa byahe namin pa La Union.

Humiga ako sa kama at napasigaw sa inis. Bumabalik na naman ang pagkabastos ng taong iyon!

"Bahala ka sa buhay mo!" Nagagalit kong sigaw habang nakatakip ang unan sa mukha.

Naiinis man, nageexpect parin ako natatawag siya o magtetext man lang para magpaliwanag... Dali dali kong sinampal ang sarili.

"Expectation can kill nga diba??" Naiirita kong paalala sa aking sarili. "At bakit ka mageexpect? Eh hindi mo naman siya gusto diba?"

"Ugghhhhhhhhh!" Isa pang sigaw na nakakabingi! I need to get hold of myself. Hindi niya ako gusto at di ko rin siya gusto. Walang dapat ikabahala, aalis na rin naman siya sa mga susunod na buwan. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang ako pa ang naguguilty? Wala naman akong ginawa ahh...

Pilit kong inalis sa isip si Jacob. Walang maganda mangyayari pagpinabayaan ko siyang tumakbo sa isip ko. Papasok na sana ako sa banyo para maligo ng marinig kong may kumakatok sa pinto. Kumaripas ako ng takbo papunta sa sala.

"Ano makikipagbati kana?" I asked sarcastically as I opened the door.

"Bakit galit ba tayo?" Nagtatakang tanong ni Zack pagkabukas sa pinto. Umakap ito at pumasok sa sala. "Sino kagalit mo?"

"Expectation can kill nga!" Bulong konsa sarili habang lumalapit kay Zack na ngayon ay nakaupo na sa sofa.

"Anong binubulong mo?"

The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog   #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon