Chapter Sixteen

586 28 0
                                    

Its 5:00am...

Halos 3 oras lang ang tinulog ko. Anong oras na ako naihatid dito sa bahay ni Jacob. 2:30 na ng makahiga ako at makatulog. Kung pwede lang hindi pumasok sa trabaho ngayon, hindi talaga ako papasok. Parang ansarap lang matulog ng buong araw, sobra ang sakit ng ulo at ng katawan ko. Talagang hindi na ako bata na pwedeng magpagod at magpuyat ng lubusan. Kung wala akong tulog, pano pa kaya si Jacob? Pagkahatid sakin ay kinailangan pang bumalik ng manila. For sure late yun sa trabaho, kung hindi naman ay absent yun panigurado.

Kahit ayaw kong bumangon ay wala akong nagawa, tunog ng tunog ang alarm ng cellphone ko. Iniisip ko din ang mga kailangan tapusin lalo na sa grand ball ng company na kami ang in charge at ako ang head of planning, kaya hindi talaga pwedeng mawala ngayong araw. Most specially, next week na event na iyon.

Dali dali akong naligo at nagbihis. Naisip ko na since magcocommute lang ako dahil nasa basement pa ng office ang kotse ko ay pwedeng pwede ako makatulog sa byahe! Pababa na sana ako ng may narinig akong kumakatok.

Time check: 6:07am

Sino naman ang pupunta ng ganto kaaga? Kumabog ang dibdib ko. Hindi kaya si Zack yun? Pero bakit pupunta siya ng ganito kaaga?

Habang lumalabas ang kwarto dala ang handbag ko at sapatos ay patuloy ang pagbulong ko sa aking sarili.

"You made a choice to let go. Deal with it. You have decided. Live with it!"

Patuloy ang pagkatok sa pinto. Patuloy din ang pagkaba sa dibdib ko. Magbabago kaya ang decision ko to really un love him when I see him in my doorstep?

Huminga ako ng malalim at dahan dahang binuksan ang pinto.

"Jacob??"  I was astonished. Hindi si Zack ang nasa pinto kung hindi si Jacob? Imbis na mawala ang kabog ng dibdib ko ay lalong bumilis ito. Napahawak ako sa dibdib at napaatras.

He was smiling and in his hands are 2 cups. 2 cups of coffee, I think.

"Morning sweetheart."  He laughed and wink.  "Baka maaga kang mainis. So Summer nalang."

He raised the cups asking me to choose from the 2.

"I don't drink coffee"  I plainly replied. I was still baffled. I wasn't smiling and wasn't moving either. My eyes are fixed on his. I can see the tiredness in his eyes. Did he even sleep?

He handed me a yellow to go cup. "Hot chocolate then."

I took the cup and simply said thank you. Hindi ko na pinapasok sa loob ng bahay si Jacob. Lumabas ako at isinara ang pinto. Patuloy ang pagkabog ng dibdib ko. Pinilit kong ngumiti.

"Ano ginagawa mo dito?"

He took a sip from his coffee.  "Sinusundo ka. Diba wala kang kotse ngayon?"

Sabay kaming naglakad palabas ng gate ng bahay at palabas sa daan kung saan   siya nakapark. Sa bawat hakbang ay siya namang kabog ng dibdib ko. Pinilit kong wag itong pansinin

"You know that you don't have to do that right?"  I smiled shyly.  "Sanay kaya akong magcommute."

Nakarating kami sa kotse niya at binuksan ang pinto para sa akin. Hinintay niya akong makapasok at makaupo bago isinara ang pinto. Tumataas na yata ang bloodpressure ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"I know, but I want to..."  I heard him say as he closes the door.

"Natulog ka ba?"  Pagbibiro ko sa kanya habang iniistart ang kotse. Magbibiro na lang ako kesa maramdaman ang kabog ng dibdib ko. Lumingon ako sa kanya at napansin ang namamagang eyebags nito. Di naman kasi niya kailangang sunduin ako. Sobra sobra na ang ginawa niyang tulong sa akin kagabi.

The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog   #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon