Chapter Twenty Two

585 17 2
                                    

I tried to pull away but something inside of me told me not to. My eyes were closed, my fist tightly closed and my heart felt as if it will stop beating any moment from now. I feel like I am in a state of shock. I was completely still waiting for him to pull away.

"Summer"  He said right after his lips freed mine. I did not open my eyes. I don't like to see him. I am afraid to see him. He touched my faced and tucked my hair behind my ears.  "Su- Summer... I am falling in love with you. What I said earlier, it's not a joke."

Mas hinigpitan ko ang pagkakapikit sa aking mga mata. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Ang alam ko lang, hindi pa panahon. Hindi pa dapat. Hindi dapat.

Inalis ko ang kamay niya sa aking mga pisngi at umiling ng ilang ulit. Hindi dapat nangyayari ang mga bagay na ito. Wag ngayon. Wag muna!

"Jacob why are you doing this?"  I finally said as I open my eyes. His expressions made me want to cry. I saw pain and frustration. I was embarrassed. I was ashamed of myself for asking such a stupid question.

"I'm doing this because this is what I feel for you."  Hinawakan nito ng mahigpit ang aking mga kamay.

"Jacob. Di mo alam sinasabi mo... Ba-baka pagod ka lang. O baka naawa ka sa akin. Okay naman ako Jacob. You don't have to worry. You've done so much for me already but not to this extent."

Nakita kong nangalit ang kanyang mga panga. Inalis niyo ang pagkakahawak sa aking mga kamay.

"Summer. I'm not toying with you! Di ko ginagawa ito dahil naawa ako sayo. I am serious. If you weren't so focus with what you feel for Zack you would have felt it dati pa..."

I shook my head. I can't believe what he is saying right now. A guy like him would never fall for a girl like me. No. This is not happening.

"Di pa ako handa. Alam mo yan."  Naiiyak kong sagot sa kanya. Aaminin kong masaya ako pagkasama ko siya pero di pa kaya ng puso ko ang umibig ulit. Tumalikod ito at naglakad palayo. Bago tuluyang umalis ay lumingon ito sa akin at tumitig sa aking mga mata.

"Handa kana. Natatakot ka lang dahil iniisip mong katulad ako ng mga lalaking minahal mo."  He shook his head and started walking again.  "You should know by now that I am different from them."

I felt my heart broken, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. He is right, he is different from them. Pero paano ako makakasigurado? Sa lahat ng sakit na naramdaman ko. How will I know na di niya ako iiwan o sasaktan? Malapit na rin siyang umalis at ayokong maranasan ulit ang naramdaman ko noon ng iwan ako ng taong minahal ko. Ayoko nang umasa. Ayoko nang masaktan. Ayokong mabigo.

Hindi na ulit lumingon pa si Jacob at tuluyang umalis. Di ko maalis sa sarili ko ang lumuha. Naninikip ang dibdib ko sa sakit. Pati mga tuhod ko ay bumigay sa pagkakatayo. Bakit? Bakit ako nagkakaganito?

"Cath!"  Nagmamadaling sigaw ni Zack ng makita nitong nakaluhod ako at humahagulgol.  "Ano nangyari?"

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Mahigpit niya akong niyakap at walang humpay na hinimas ang aking likod.

"There is nothing to be afraid of Cath. Pag hinayaan mo mangibabaw ang takot... mawawala ang taong mahal mo. Maniwala ka sa akin dahil pinagdaanan ko yan." - His voice was shaking. He took my hand and placed it on his chest. - "Kaya ka nga nawala sakin kasi natakot ako."

I was taken aback. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. He wiped my tears and continued talking.

"Una palang kitang nakilala Cath minahal na kita. Kaya nga halos araw araw gusto kitang makita, gustong makasama. Ayoko na nawawala ka sa paningin ko. Ayoko na wala ka sa tabi ko. Gustong gusto ko na sana aminin sayo. Gustong gusto ko sabihin yung totoong nararamdaman ko sayo but I was a coward. Natakot ako. Nahiya. Hangang sa dumating Rick."

"What? What are you saying Zack?"  I pulled my hand away from him.

"Let me finish Cath."  Malumanay niyang sagot habang kinukuha pabalik ang kamay ko.  "I fell in love with you and that scared me. Ayoko na masaktan kita. Ayoko mawala kung ano ang meron tayo. But eventually, you fell for Rick and I saw how hurt you were at sinabi ko sa sarili ko na di ko kahit kelan gagawin na masaktan ka dahil sa akin."

"Then came Lina?"  Dali dali akong tumayo at naglakad patungo sa bahay.  "You fell for me. I fell for Rick. Then you fell for Lina just when I fell for you."

Hinabol ako ni Zack at hinablot ang kamay ko.  "Hindi mo ako mahal Cath. Akala mo lang mahal mo ako pero ang totoo naging comfort zone mo lang ako nang mawala si Rick."

Napailing ako sa sinabi niya. Paano niya sasabihing hindi ko siya mahal? Imbis na gumaan ang loob ko ay lalo akong nahirapan at nasaktan. Sabagay... Ano nga naman ang maasahan kong sagot sa isang lalaking malapit nang ikasal.

"Umuwi ka nalang Zack."  Naiiyak kong pahayag sa kanya.

"Cath... You don't love me... Siguro noon pero ngayon hindi na... You have to realize that!"

"If your talking about Jacob. You're wrong. I just met the guy a few months ago. Tapos mahal agad? Pwede ba Zack... Please umuwi ka nalang."  Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa pinto ng biglang humarang si Zack sa daraanan ko.

"Cath. Naalala mo ba yung pinayo mo sa akin dati? Nung nagdadalawang isip akong ligawan si Lina?"

I slightly nodded in response.

"Sabi mo sakin noon... Ang pagmamahal hindi base sa haba ng pasasama kung hindi sa lalim ng pinagsamahan. Diba? Bakit ngayon binabase mo nararamdaman mo sa ikli ng pinagsamahan niyo ni Jacob?"

"Zack Emmanuel Palomo!"

"Catherine Summer Buentura! Wag kang parang bata ah! Pumasok ka sa loob maguusap tayo!"  Naiinis nitong pahayag habang tinutulak ako papasok ng pinto. Huminto na ang pagluha ko at medyo nawala ang bigat ng kalooban.

Umupo ako sa sofa at nagtakip ng unan sa mukha.  "Wala kang narinig kanina regarding sa nararamdaman ko sayo ah!"

Palundag na umupo ito sa tabi ko at hinampas ang unan na nakapatong sa aking mukha.  "Wala akong narinig at wala kang nararamdaman. Alam mo ba bakit ko alam?"

"Bakit?"

"Kasi di ka masasaktan at matatakot ng ganyan kung di mo siya gusto. Kung nakita mo lang ang reaksyon mo nung nakita mo siyang naglakad palayo. Kung nakita mo lang yung iyak mo nung makita mo siyang umalis. Walang dapat ikatakot kung di mo naman gusto diba? Pero kaya ka takot na takot kasi deep inside gusto mo na."

"Expert?"  Pabiro kong tanong habang nangingilid ang luha sa aking mata.

"Hindi ako expert... Sobrang kilala lang kita Cath. At alam ko na gusto mo siya. Antagal ko nang nararamdaman yun... At nakikita ko na iba ka pagkasama mo siya. Nalalabas mo kung sino ka at kung ano ka ng walang takot. Kaya ko nga iniinis ang lalaki na iyon sa harap mo  dahil gusto kong magkaaminan na kayong dalawa. Di ko naman alam na mas duwag ka pala sa akin."  Tinapik niya ng ilang ulit ang braso ko habang madahang sinisipa ang paa ko.   "Sorry for confusing you. Sorry kung ako pinagmulan ng takot mo... Kahit kami na ni Lina... I can't let you go... Ikaw ang comfort zone ko eh... Ikaw yung tao na pinaghihingahan ko. At ganto din ang nangyayari sayo... You think you love me but the fact is you are just use to being with me. Being beside me."

I took a deep breath. Totoo nga kaya na nahulog na ako kay Jacob? Di parin maalis sa akin ang matakot. Pag naiisip ko na baka nga naiinlove na ako kay Jacob ay mas lalo akong natatakot. Maybe because I know that He is too good to be true. Maybe because I do not see him as someone who would fall for someone like me. Maybe because I wasn't expecting that he would fall for me. What if he does not meet my expectations? What if I don't meet his? Edi matatapon at masasayang lang ang lahat. When I think about falling in love with Jacob I can't help but compare him to a stone... Bato na ihahampas sa sarili kong ulo. Hindi maalis sa akin na maisip na baka mamaya sakit lang ang hanap ko pag tuluyan akong nahulog sa kanya. I need to think straight and I need sort things out. But how?

"Paano na gagawin ko?"  Mahinang tanong ko kay Zack na tahimik na nakadantay sa aking mga balikat.

The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog   #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon