Chapter Twenty Six

516 15 5
                                    

Hindi maalis sa isip ko ang mukha ng babaeng kasama ni Jacob. Paulit ulit kong naaalala kung paano niya hinawakan ang kamay nito sa elevator, kung paano niya tawaging Honey ito at kung paano alalayan habang naglalakad. Naiinis ako sa sarili ko pag naiisip kong nag seselos ako sa babae na iyon.

"Oy! Ang lalalim na naman ng iniisip mo. Jacob na naman yan eh!" Panunuksong bati ni Rylie habang kumakatok sa pintuan ng aking opisina.

"Sino yun?" I replied snarkily while frowning.

Sabay sabay na pumasok ang tatlo at inilapag kanilang mga gamit sa mesa.

"Ay ladies! Alam ko inalmusal nito." Nakangiti ng malaki si Ej at nakaturo sa akin.

"Oh sige! Pagbibigyan kita sa banat mo. Ano inalmusal ko?"

Lumapit si Ej sa akin at umakbay. "Tinapay!... At... Peanutbitter!"

"Last joke mo na yan ah!" Tumayo ako at kinuha ang walet sa bag na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Humamba ako kay Ej at tumalikod. "Iwanan na nga natin to maglunch."

"Oy! Bitter ka talaga..." Lumapit si Ej kay Rylie at Lina at kunwaring bumubulong. "Sa Edsa! Sa Edsa lang may forever!... May ganong batuhan ng hugot!"

Sumakay naman sa pangaasar si Rylie. "Pati Edsa dinamay?"

"Galing ninyong mga kaibigan ah. Talagang nagagawa ninyo pa akong biruin ng ganito?" Nagkunwari akong nagagalit sa tatlo. To be honest, di ako mapipikon sa kanilang panunukso. Alam kong ginagawa lang nila iyon para mabaling ang attention ko sa kanila imbis na kay Jacob.

Pinisil ni Lina ang aking braso at iniwagayway ang daliri sa hangin. "No no no. Why should we comfort you? Sabi mo nga di ka affected eh."

"True. Sabi mo pa nga sa text mo sa amin... Hindi ka nakakaramdam ng selos at hinding hindi ka makakaramdam nun lalo na kay Jacob." Rylie wobbled her head in agreement.

Hindi natapos doon ang kanilang pangaasar. Patuloy ang kanilang tawanan at tuksuhan. Katulad ng dati wala akong magawa kung di pagtiisan ang pangbubuska ng tatlo buong lunch break. Pero nanahimik ang tatlo ng nakita nilang pumasok sa cafeteria si Jacob kasama ang babae. Panay ang senyasahan ng tatlo sa dalawang naglalakad papunta  sa bakanteng mesa malapit sa amin. Nararamdaman kong palapit na ng palapit ang dalawa sa mesa naming apat. Bawat hakbang ng dalawa ay siya namang paglaki ng mga mata ng tatlo.

"So ladies... See you all later. May gagawin pa ako." Mabilis kong paalam sa kanila ng maaninag ko si Jacob sa gilid ng aking mata.

Sa aking pagharap ay saktong pagsasalubong naman nila Jacob. Ngumiti ang babae sa akin at patuloy na naglakad.

"Good afternoon Summer..." Pormal na bati ni Jacob ng makaharap ako.

"Good afternoon Mr Jacob." I politely greeted back. My head tilted towards the floor as I continue to walk away.

I rushed out of the cafeteria and headed back to the elevator. My head wanted to look back but I tried my best not to.

"Remember that you are not jealous. Remember!" I kept repeating the words in my head. "Get hold of your self. Kalma!"

Breathe in. Breathe out. I tried to breathe normally. I can feel the pressure in my chest. My heart won't stop pounding. Bakit ba ako nagkakaganito? Ilang ulit kong hinimas ang aking dibdib.

"Summer..." Narining ko si Jacob na sumigaw.

Hindi pa din nagbubukas ang elevator at hindi pa ako handang humarap sa kanya. Nagkunwari akong hindi ko narinig ang pagtawag niya at dali daling lumabas sa fire exit. Nagmadali akong pumanik sa hagdan para di maabutan ni Jacob. Ngunit kahit anong pagmamadali ko ay naabutan parin ako ni Jacob.

The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog   #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon