Tumingin ang lahat sa pagbulong ko kay Mr Jacob. Nararamdaman ko ang mga mata nila na nakapako sa aming dalawa. Naririnig ko ang malabubuyog nilang bulungan. Nararamdaman ko na naman ang paginit ng mukha ko. Umiling ako at patuloy na bumulong. Sa pagbulong ko ay naamoy ko ang bango ng leeg ni Jacob. Naliligo ba ito ng pabango? Pilit kong inalis sa isip ko ang halimuyak niya.
"Laptop ko nasa kotse mo? Napansin mo ba? O naiwan ko sa bahay?" Nahihiya kong tanong sa kanya.
Ngumiti ito at pabulong na sumagot. "Bata kapa makakalimutin kana?"
Ayos ang sagot! Makapanginis lang talaga ang taong ito. Dapat yata lagi kaming nasa Tagaytay para lagi siyang mabait!
"Nasa kotse mo nga?" Napipikon kong tanong.
Tumungo ito ng ilang beses sabay tayo. Kinuha niya ang susi ng kotse sa kanyang bulsa at madahang naglakad palabas ng conferrence room. "Excuse me team."
As soon as he stepped out of the room, all our workmates started teasing. Nakabibinging sigaw at tuksuhan. Wala akong magawa kundi ang umiling at magpatuloy sa pagaayos ng gamit ko. The more the magsalita ako mas tutuksuhin nila ako. Kabisado ko na ang pagiisip ng mga taong ito. Alam kong mapapagod din sila sa kakatukso. Eto ang iniiwasan ko! Ganitong ganito ang ayaw ko.
Napuno ang buong araw ng tuksuhan, inaasahan kong lilipas ito matapos ang ilang araw. Pero, mali ako, mas lumalala ang tuksuhan. Bawat magkasabay kami sa paglalakad ay pinagtitinginan kami, pagkami naman ang magkasabay sa elevator wala ng ibang gustong sumakay. Ilang araw na ganito ang nangyayari. Para kay Jacob, wala lang ito, mukha naming sanay siyang tinutukso sa iba't ibang babae dahil sa porma at ganda niyang lalaki. Pero ako, hindi ako sanay, di ko naman magawang umiwas dahil alam kong wala naman akong gusto talaga sa kanya, di ko nga lang alam bakit sobra ang kabog ng dibdib ko pag tinutukso ako sa kanya.
Sa isang banda, maganda din ang nangyayari ang ganitong tuksuhan dahil naalis ang isip ko kay Zack at Lina. Pumasok na si Lina sa trabaho at ang tanging sinasabi niya lang ay ayaw niyang pagusapan kung ano ang nangyayari sa kanila ni Zack at bilang kaibigan, we respect her decision. A few days ago naman ay tumawag na sakin si Zack. Nasa office ako ng tumawag siya at kasalukuyang kasama si Jacob. Hindi ko sana sasagutin ang tawag niya pero inagaw ni Jacob ang phone ko.
"Hindi pag momove on ang pagtatago..." –Pinindot niya ang answer button at itinapat ang telepono sa tenga ko.
"H-h-hello?"
Umirap ako kay Jacob, tumayo at naglakad palabas ng office niya. Hindi sumunod sa akin si Jacob at nanatili sa pag-upo.
"Cathy? Nasan ka?" Sagot niya sa kabilang linya. "Pwede ba tayong magkita?"
Natahimik ako. Di ako makasagot. Makikipagkita ba ako? Sabi ni Jacob, ang pagiwas daw ay hindi pagmomove on. Huminga ako ng malalim."N-n-ngayon ba? Nasa office ako eh"
"Pagkatapos nalang ng trabaho mo? Sa Bistro?"
"O-o-okay sige. Kita nalang tayo dun"
Nagmadali akong nagpunta kay Jacob at hinagis ang phone ko sa kanya. Nagulat ito at napatayo.
"Problema mo?" Dinampot niya ang cellphone ko sa sahig at ipinatong sa table.
Umupo ako at nagtakip ng mukha. "Sinagot mo pa kasi yung phone! Nakikipagkita tuloy. Alam mo naman nahihirapan ako diba?"
"Iiyak ka nanaman?" Panunukso nito habang umuupo sa tabi ko. "Para kang teenager alam mo yun?"
Tumingin ako ng masama sa kanya at tumayo. Kung iinisan niya lang ako, mas okay pang di nalang ako makipagusap. Lumakad ako palayo ngunit dumampi ang kamay ni Jacob sa kamay ko at hinatak ako pabalik sa kinauupuan ko. Naramdaman ko ang pagbilis ng kabog ng puso ko.
"Sasamahan kita. Wag ka magalala..." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at kumindat. "Di kita iiwan dun"
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko, malakas ang kabog ng dibdib ko pero sa di maipaliwanag na dahilan, gumaan din ang pakiramdam ko. Di ko alam kung anong tulong ang magagawa niya sa pagkikita naming ni Zack mamaya but I am relieved na sasamahan niya ako mamaya.
After office hours ay dumiretso kami agad sa Bistro. Nakita kong nakaupo sa isang gilid si Zack at hindi kasama ang banda niya. Dali dali kaming lumapit ni Jacob sa kanya.
"Zack" Tawag ko sakanya habang naglalakad palapit. I faked a smile. I gulped all emotions and sat at the chair in front of him. I pulled the chair next to me and asked Jacob to sit. "Zack meet Jacob. Jacob meet Zack"
They both smiled and shook hands. I can see from Zack's face that he is not okay. That something is very wrong.
"Anong problema?" I asked him even if deep down, I do not really want to know what's going on between Lina and him. They should be the one to solve their own problem as couple. I really don't want to get in the middle of their chaos, or in the middle if their relationship.
"I asked Lina to marry me." He plainly said in a sorrowful manner. Tama ba narinig ko? He asked her to marry him? I felt my head twirl. I felt my stomach twist. I felt my heart break. It hurts. It hurts so bad. I held my tears back. I am not supposed to be sad. I am supposed to be happy. My dearest friends finally decided to tie a knot!
I looked at him and smiled. "Wow! Congratulations"
I am trying my hardest not to cry. I am struggling. I am holding it back. Tinapik ng madahan ni Jacob ang hita ko at hinawakan ng mahigpit na mahigpit ang kamay ko sa ilalim ng mesa. I held his hand with my both hands and squeezed it tightly as a started to speak.
"So kamusta? Did she said yes?" I tried to sound excited. I put a big smile on my face, hoping it will hide my true feelings.
Umiiling si Zack at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Di niya daw alam kung ano ang isasagot. Alam ko masyadong mabilis pero alam ko na alam mo Cathy kung gaano ko mahal si Lina diba?"
Parang sinasaksak ang puso ko. Masakit mang aminin pero alam kong sobra sobra talaga ang pagmamahal niya kay Lina. Pagmamahal na kahit minsan ay di niya naramdaman para sa akin, kahit kami ang mas malapit, kahit kami ang mas nagkakaintindihan, kahit kami ang unang nagkasama at nagkakilala.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang tinatago ang luha sa aking mga mata. "Alam ko kung gaano mo kamahal si Lina at alam ko din na mahal ka ni Lina. Nabigla lang yun. Just give her time to think. At para saiyo, kakausapin ko siya."
I stood up and walked away. Wiping the tears off my face. Slowly tapping my chest as if convincing my heart to calm down, to stop aching, stop beating! I waved goodbye as I hurriedly walk away. "Relax ka lang Zackyyyy. Makukuha mo din ang matamis niyang Oo."
I felt Jacob's arms around my shoulder. "Stop crying..."
-->To be continued....
BINABASA MO ANG
The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog #Wattys2016
ChickLitPaano pag nagtagpo ang landas ng isang babaeng ubod ng sungit at isang lalaking ubod ng Hambog. Will it turn into chaos or will it develop into love? Will she choose to risk her love despite her fear of hurting? This is a story of an unexpected lo...