Chapter 35 - Crazy

1.1K 16 0
                                    

ROXANNE's POV

Hunter dragged me out of the coffee shop. Nakita kong sinundan lamang kami ng tingin ni Grace. Pinapasok ako ni Hunter sa kanyang kotse at isinuot sa akin ang aking seatbelt. Umikot siya para sumakay sa drivers' seat at saka kami umalis sa lugar na iyon.

Galit ba siya? Hindi ko alam kung ba't ko ginawa 'yon? I didn't mean to do it. I closed my eyes when my headache intensified upon realizing my mistake.

"Are you okay? Roxanne."

Narinig kong tanong ni Hunter ngunit hindi ko man lang siya nilingon at nanatili pa ring nakapikit. Nahihiya ako. Pero hindi naman siya tunog galit.

"Masakit lang ang ulo ko."

Naramdaman kong huminto ang kotse makalipas ang ilang sandali. Nang binuksan ko ang aking mga mata ay napag-alaman kong inihinto pala ni Hunter ang kotse sa harap ng Celine's Pharmacy. Lumabas si Hunter at pumasok sa nasabing pharmacy.

Bumalik siya makalipas ng ilang minuto saka kami muling tumulak. Nang makarating kami sa aming destinasyon, magksabay kaming bumaba ng kotse.

Laking-gulat ko na lang nang bigla akong umangat mula sa lupa. Binuhat ako ni Hunter na para kaming bagong kasal.

"What are you doing?" Pinandilatan ko agad siya ng mata. He didn't answer me.

"I'm fine. Kaya ko pa namang maglakad." Pero hindi siya nakinig sa akin.

Sumakay kami ng elevator na puro kahihiyan ang natanggap ko. Nakasabay pa namin si Joshua at yung dalawang matandang babae na ngiting-ngiti. Wala akong nagawa kundi itago ang mukha ko sa dibdib ni Hunter. Nakakahiya!

"Happy honeymoon!"

Gusto kong sapakin si Joshua dahil nagawa pa niya kaming tuksuhin nung papasok na kami ni Hunter sa loob ng aking apartnent. Binaba ako ni Hunter sa kama saka siya na rin ang nagtanggal sa suot kong heels. Habang ginagawa niya iyon ay wala akong ginawa kundi ang pagmasdan siya. He's here.

"Ipagluluto muna kita. Diyan ka lang." He didn't wait for me to answer and just left the room.

Makalipas ng ilang minuto ay bumalik na si Hunter na may dalang isang tray. Nakita kong aroscaldo pala ang niluto niya. Umupo ako sa kama at tinangkang abutin ang kutsara pero inunahan lang ako ni Hunter.

"Ako na." Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilang ngumiti nang sinimulan niya na akong subuan.

"Dahan-dahan lang mainit."

Pagkatapos niya akong pakainin ay pinainom niya ako ng gamot. Pinahiga niya ako muli sa kama at saka hinilot nang dahan dahan ang aking sentido kasunod nun ang aking magkabilang braso at paa. Nagtataka ako kung bakit hindi niya ko pinagalitan o kinuwestyon sa ginawa ko kay Grace.

"Feeling better?" Concern was evident in his eyes. Tumango ako bilang sagot dahil ayokong mag-aalala siya.

"I'll get some fruits."

Patayo na siya nang pinigilan ko siya. Hunter looked at me confused.

"Maybe I'll just get some rest. Just please stay close." Nahihiya kong saad. Gusto kong pamulahan ng mukha dahil sa sinabi ko.

Natuwa ako nang sa wakas ay aking nasilayan ang kanyang ngiti. Kumpara kanina na nakaunot-noo at mukhang seryoso talaga na para bang sasabak ng gera.

Nanlalaki ang aking mga mata nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. I held my breath when his lips was inches from mine. And I even closed my eyes as excitement and nervousness crept into my heart.

The Campus Mistress Meets The Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon