Chapter 3: So bad

2.4K 56 0
                                    

Chapter 3: So bad

ROXANNE

Saglit natahimik ang canteen nang pumasok ako. Pero bumalik din naman agad 'yung ingay. Bumili ako ng lunch at agad naghanap ng mauupuan. I sighed. Halos wala ng bakante. Gutom na talaga ako. Ang haba ng pila tapos wala pang mauupuan, I was like kill me now please. Lao na ay nasa third year na ako. Business Management ang course ko. Ang hirap maging estudyante. Promise!

It took me minutes before I spotted an empty seat. Naghihirap na ba ang Knight University? Ang ganda nga ng canteen kaso kinulang sa chairs. Ang laki-laki ng bayad namin sa tuition pero ni simpleng plastic chair para dito sa cafeteria, kinulang pa. I sighed again then I silently eat my lunch alone.

"My gosh! Wala talaga siyang delekadesa. Meron na naman siyang nabiktima. Campus bitch talaga!" Ano ba yan? Nagbubulungan na lang naririnig ko pa din.

"Siya pala ang dahilan ng break-up nila Sasha at Tommy? That's unbelievable. Akala ko matino si Tommy." Matino talaga si Tommy. Malandi lang talaga ako. I smirked inwardly.

"Last year inagaw niya si Jacob kay Cynthia." Naririnig kong bulungan ng katabi kong table.

"Don't forget, that last month rin, si Paul ang inagaw niya kay Katherine." That was two months ago, not last month. Duhh, mali-mali naman yang tsismis nila.

"Totoo ba? You cheated with my boyfriend?"

Halos mabilaukan ako sa biglaang pagsulpot ng isang babae sa harap ng aking mesa. Pansin ko ang muling pagtahimik ng canteen at halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa dereksyon namin. Sabay-sabay pa silang nagbubulungan.

Nakilala ko 'yung babae. May katangkaran ito. Maganda na may maliit na mukha. Maputi. Makinis. Mukhang rich kid dahil rich kid naman talaga ito. Nakamedicine uniform si Sasha. 'Yung nakaputi lahat. White blouse, pants and shoes. Hndi ako sure kung anong course niya. Medtech ata. Radtech?

"Bakit? Bakit si Tommy pa?"

Nakakatomboy 'yung kagandahan ni Sasha. Pero ngayon ay mapapansin talaga ang malalaking eyebags nito at mukha siyang stress na para bang sumabak siya sa sampung major exam.

"Please 'wag siya."

Ramdam ko ang pammigat ng dibdib ko. She looked so pitiful. Mukhang ano mang oras ay maiiyak na ito.

"P-please wag si Tommy. I love him at mahal niya rin ako."

I dropped my spoon ang covered my real emotion. I shooked ny head. I don't understand people like her. Siya na nga ang niloko. Siya pa ang nagmamakaawa? Tanga lang! Bakit dumadami ang tanga sa mundo?

"Yes. Mahal ka niya .. Pero nagkataon lang na mas mahal niya ko." Mayabang kong sabi. Napasinghap ang lahat sa sinabi ko. Kaninang nagmamakaawang mukha ni Sasha ay ngayon napalitan na ng galit. Inilabas ko yung phone ko at nagdial.

"Canteen. Now." At agad kong binaba ang tawag. Nakita kong nakakuyom na ang dalawang palad ni Sasha.

"Masaya ka ba? Masaya ka bang nang-aagaw ng boyfriend ng iba?" Mahinahon pero halatang galit na tanong nito.

"Yes. Let just say, Tommy is a great trophy."

Her eyes went wide. "Bitch." Then she slapped me. Ang sakit! FUCKSHIT! Natabingi ang mukha ko sa lakas ng sampal ni Sasha. Napatayo pa 'ko sa gulat.

"Roxanne!"

Great! Late si prince charming. Bwisit! Nasampal na 'ko. Ngayon ka pa dumating.

"T-tommy." Sasha whispered.

Hindi siya pinansin ni Tommy.

"Are you okay?", tanong sakin ni Tommy sabay hawak sa magkabilang braso ko. He looked all over my face. Then Tommy gently touched my left cheek which I'm sure doesn't looked good.

"Tommy." Rinig kong tawag ni Sasha sa ex niya. Binitawan ako ni Tommy at humarap ito kay Sasha.

"I thought you are better than this Sasha. Walang kasalanan si Roxanne." Halata sa boses ni Tommy ang galit. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha ni Sasha.

"Inagaw ka niya sakin."

"Wag kang mag-eskandalo rito." Mahinang sabi ni Tommy at halatang kinokontrol lang nito ang kanyang galit.

"Tommy." Tawag ko sakanya. Bumaling sakin si Tommy at napalitan ng pag-aalala ang makikita sa mga mata nito. Rinig ko ang malakas na pagsinghap ng mga tao sa paligid namin. I am so mad right now. Sinampal ko siya. Gulat ang lahat lalung-lalo na si Sasha. Sinampal ko na para sa kanya ang manloloko niyang boyfriend.

"Sa susunod na lumapit pa sakin 'yang ex mo, magagalit na talaga ako." Matigas kong litanya sa lalakeng nasa harap ko.

Dinampot ko yung sling bag ko at nagwalk out. Kainis! Sayang 'yung burger ko. Hindi ko man lang naubos. Gutom pa 'ko. Pero infairness ang haba ng hair ko! Pero shit talaga! Ang sakit ng mukha ko.

Napabuga ako ng hangin habang naglalakad sa kahabaan ng pathway.

Roxanne Rojas, the campus bitch, the campus mistress, sulutera, malandi etc. Wala akong pakialam kung ano pang itawag nila sakin. Kaya wala ako masyadong kaibigan. Nagsawa na rin kasi ako sa mga plastik sa tabi-tabi. I prefer to be alone. May mga kaibigan din naman ako pero kadalasan nagsosolo talaga ako. Hindi ako masama. Ang mga lalake ang masasama.

Mabait pa nga ako sa lagay na 'to eh. Gusto ko lang ipaalam sa mga babaeng assumera, fairytale doesn't exist. Hindi sapat na maganda ka lang. You should know how to play the game. Kailangan malandi ka, para hindi ka mapag-iwanan. At maiwan.

I am so freaking bad. So bad.

---

THE CAMPUS MISTRESS MEETS THE PLAYBOY
BY: songjongki19

Vote. Comment. Follow.
9-17-15

The Campus Mistress Meets The Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon