Chapter 23 - Grace

1.4K 27 0
                                    

Roxanne POV

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng malaking school gym para hanapin ang partikular na tao. May basketball practice game ngayon kaya hindi na ako magtataka kung bakit marami-rami ring estudyante ang narito. Kadalasan mga babae at ang haharot. Ngche-cheer ang mga hitad na ito para sa mga manlalaro ng school.


"Go Hunter! Go Hunter!"

"The best ka Hunter!"

"I love you Hunter! Ahhh!"

Grabe! Ang sakit sa tainga. Kung makatili naman si ate parang KANYA yung gym. Napatingin ako sa lalakeng chinicheer ng karamihan. Suot nito ang number 19 Villegas jersey na bagay talaga sa kanya. Kahit naliligo siya sa pawis, walang effort .. mas lalo lamang siyang nagniningning sa gitna ng basketball court.

Nagshoot ng bola si Villegas at kasunod ang malakas na tilian ng mga babae. Practice game pa lang to. Kung makatili .. tsk. Kairita! Mas nanggagalaiti ako nang may sumilay sa kanyang labi ang isang nakakamatay na ngiti. He ran his finger through his wet hair.

DAMN!! He looked messy hot!

Kumindat pa si Villegas sa mga babaeng nasa bleacher na nasa di kalayuan ko. Playboy ka! Mamatay ka na!

He transfer his eyes to looked on the other side. My side! Nawala ang ngiti nito nang nagtama ang aming mga paningin, namatay ang nagliliwanag nitong mga mata at pansin ko ang pandidilim ang awra ni Villegas. He clenched his jaw, his face expression hardened and his fist turns white. Nag-iwas agad ito ng tingin mula sa akin at ipinagpatuloy ang practice game nila. Bumalik muli ang playboy awra nito habang naglalaro.

Anong nangyari? Bakit- nakapagtataka. Hayy di bale na nga. Inalis ko ang aking paningin sa basketball court and searched the bleachers. Ayun! Nakita ko rin ang kaibigan kong may tahimik at sariling mundo. Lumapit ako kay Sheena at nakita kong namumula ang mga mata nito.

"Sheen, what's wrong?", naupo ako sa tabi nito at hinagod ang likod ng ang aking kaibigan. Mukhang kagagaling lang ni Sheena sa kakaiyak.

"K-kasi ..", suminghot pa si Sheena at kinusot ang namumula nitong mata.

"Bakit nga?" Tanong ko. I'm worried.

"The queens are back!" At bigla na lang akong niyakap saka humagulgol. Kinuwento sakin ni Sheena yung pagperform ng favorite band niya sa MAMA - ang 2ne1. Kpop girl po ang kaibigan ko. Halata ba? Diko gets ang drama ng kaibigan ko. I can see her happiness and how excited she is.

"Sandali, sino yun?" Tiningnan ko yung tinuro ni Sheena. I felt my blood drained.

Pinupunasan ng isang pusit si Villegas sa mukha. Yung babae naka-mini skirt at heels. The girl flipped her hair at akala mo naman ang haba ng hair. Ambisyosa! Abat! Ngising-ngisi naman itong si Villegas at mukhang nag-eenjoy pa. Wala ba siyang kamay? Bakit hindi niya punasan ang sarili niya? Malandi talaga.

"Tara na nga! Bakit ka ba dito tumatamabay?" Inis kong tanong kay Sheena.

"May ibinigay lang ako kay Giyan." Si Giyan ay ang pinsan ni Sheena at isa ring basketball player ng university. Sabay kaming bumaba ng bleachers ni Sheena at hinatak ko ang aking kaibigan palabas sa bwisit na gym na yun. Haisst! Bwisit! Bwisit! Nabibwisit ako. Sino ba ang pusit na yun?!

"You hate the fact that I'm inlove with you."

Naalala ko na naman yung sinabi niya sakin nung nakaraang gabi. Yung playboy's confession niya.

I closed my eyes to contol my anger. Damn! Inlove pala ha? Ah ganun? Inlove sakin ang playboy? Pero may kalandiang pusit ngayon sa loob ng gym na to. BWISIT SIYA! Pinagloloko ako ng walanghiyang Villegas na yun! Neknek niya!

The Campus Mistress Meets The Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon