Chapter 41 - Blood

1K 15 2
                                    

THE place was suffocating me and at the same time, I find it exciting to belonged to this crowd.

"Oppa! Oppa!" Malakas na sigaw ni Sheena sa aking tabi.

"Bestfriend, pakipulot nga yung matres ko. Nahulog ata!" Natawa ako.

"Oppa GD! Marry me. O kaya buntisin mo na lang ako! Mga sampu, kontento na ko! I love you!" Walang awat na patuloy nitong sigaw.

It was Sheena who introduced me to the KPOP world. Kung ikaw ba naman ang parating may ganitong klaseng adik na kasama araw-araw, hindi ka ba mahahawa? Anyway, I am faithfully and proud V.I.P. Eh itong bruhida kong kaibigan, ang daming "asawa" - tawag niya sa mga Kpop boys na pinagpapatasyahan niya. Basta ako, si T.O.P lang my loves. May ginanap kasi na concert ngayon ang BIGBANG dito sa Pilipinas.

"Oppa! Wag siya! Ako na lang! Pangit kasi ang lahi nito! Kaya ako na lang." Nakangisi akong pinagpapalo ni Sheena.

"Wala namang laglagan bestfriend."

"I'm sorry I'm a bad boy." Sumabay kami ni Sheena sa kanta tulad ng karamihan na narito sa Araneta. We laughed and bounced wholeheartedly.
Naramdaman ko ang pamilyar na mga braso na pumulupot sa aking bewang. He hugged me from the back and I sighed in content.  Together, we swayed in rhythm.

"Ang boses mo, baka mapaos ka." Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa aking kaliwang tenga. Halos hindi ko na siya marinig dahil sa sobrang ingay ng paligid.

"Okay lang! Salamat, my prince. Once in lifetime lang to. Salamat! I love you na talaga." Sigaw ko pa para mas marinig niya.

"Kahit ano basta para sa prinsesa ko." Kinilig ako. Ampotek! I cannot! Nilibre niya kami dahil alam niyang fan na fan ako ng  BIGBANG. He gave me three tickets as our fifth monthsary gift. Ansaya-saya! Nagsilbing bodyguard namin si Red. Minsan natatapilok kami o muntikan pang madapa sa kakatalon, pero parati naman siyang nandyan para saluin kami. He also shielded us from other people, preventing us to be squeezed by the crowd. Suportado ako ng boyfriend ko sa kabaliwan ko.

"Roxanne." Nilingon ko siya saka ko lamang napansin ang pagkabalisa sa kanyang mga mata. Medyo may kadiliman ang paligid pero naaninag ko pa rin ang pagdadalawang-isip na lumarawan sa kanyang nga mata. Pawis na pawis siya at medyo magulo na rin ang kanyang buhok.

"Ayos ka lang? Oy? Red?" Hinarap ko siya at tiningnan ng maigi ang kanyang mukha.

"Mahal kita Roxanne!" Red screamed. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat at hindi ko maiwasang mamula na parang kamatis sa sobrang kilig. Mabuti na lamang ay medyo madilim ang paligid.

May nilagay siya sa aking palad at nang sinilip ko iyon sa pagitan ng patay-sinding ilaw ay naaninag ko ang isang bagay. Isa iyong korona. Plastik na puting korona na madalas sinusuot sa mga beauty pageant. Kahit may kaliitan ay maganda iyon sa aking paningin. Nilapit niya ang kanyang labi sa aking kaliwang tenga.

"If you marry a prince, then you'll be a princess." I heard him gulped. "Marry me princess." Lumayo siya sa akin para silipin ang aking mukha.

I stood still. The crowd vanished, the loud music even the crazy and laughing Sheena. I can't see anything beside him. Inaabsorb pa ng utak ko ang kanyang sinabi.  Pati ang kaluluwa ko ay pansamantala akong iniwan. Ganito pala ang pakiramdam. The feeling when your boyfriend propose to you. The uneasy feeling. The fear. The ticklish worms in your stomach. The absolute happiness.

"We love you Philippines." Sigaw ng isa sa mga myembro ng BIGBANG. Hindi ko na kinilala kung sino iyong nagsalita sapagkat hindi ko maialis ang aking paningin sa aking nobyo.

The Campus Mistress Meets The Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon