NEGRA 2
(Facebook Chat)
Aldrin: Hi, negra
Rita: Oh? Bakit may butiki dito?
Aldrin: Bakit may maitim dito?
Rita: Anong kailangan mo?
Aldrin: Diba may tindahan kayo? Gusto ko sanang bumili ng uling, mga isang sako! Lol!
Rita: Haha. Ang funny mo no? Diba may petshop kayo? Mabuti hindi ka nila binibili? Kasi hayup ka din e.
Aldrin: Oo! Hayup sa kagwapuhan.
Rita: Wow! Ang lakas din naman talaga ng tiwala mo sa sarili mo e no? Abot dito sa amin.
Aldrin: Gano'n talaga, ikaw rin naman e. Abot dito iyong polusyon na dala mo. Lol!
Rita: Bakit mo ba ako palaging inaasar?
Aldrin: Wala lang, trip ko lang.
Rita: Hindi mo ba alam na nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo?
Aldrin: Hindi.
Rita: Nasasaktan din ako. May damdamin din ako. Anong tingin mo sa akin?
Aldrin: Uling!
Rita: Cursed you! Aldrin!
Aldrin: Thank you!
---
Rita: Fren, hindi ko na talaga kaya ang pang-aasar ni Aldrin sa akin.
Pinky: O? Anong balak mo? Ipapatay na natin kay Duterte?
Rita: Papatay kaagad? Ayaw ko nang gano'n fren. Masyadong marahas, pero I like the idea. Pero hindi pa ngayon ang panahon. I want him suffer, gusto kong makita siya na magmamakaawa sa akin at humingi ng sorry.
Pinky: Anong bang gusto mo?
Rita: Gusto kong magpaputi fren.
Pinky: Ay mahirap iyan.
Rita: Salamat ah? Ramdam na ramdam ko iyong suporta mo!
Pinky: Fren, mahal iyan.
Rita: Grabe! May Ipon naman ako ah?
Pinky: Diba pang-college mo pa iyon?
Rita: Grabe siya oh? Hindi ko naman gagastusin iyon lahat. Ganon ba kahirap magpaputi ngayon?
Pinky: Hmmm, oo! Ano? Belo? Calayan o Kuskos nalang?
Rita: Do'n tayo sa mura. Kuskos nalang! Leche! Bibili nalang ako ng sunblock.
---
Rita posted a picture on her facebook. Bumili kasi siya ng sunblock at pagkatapos niyang bumili ay kaagad niya itong pinost sa facebook. Kaagad din naman nagpm si Aldrin sa kaniya.
Aldrin: Uy, negra! Ano na namang pakulo iyong pinopost mo?
Rita: Hell care?
Aldrin: Concern lang ako sa balat mo.
Rita: Wow ah? Salamat raw sabi ng skin tone ko.
Aldrin: Concern lang ako baka lalo ka pang umitim.
Rita: Gago! Wala ka naman bang magawa?
Aldrin: Wala!
Rita: Can you please just leave me alone?
Aldrin: Bakit magkatabi ba tayo? Hindi naman diba?
Rita: Ay, bobo! Lubayan mo na ako iyon ang tagalog no'n.
Aldrin: Parang 'di naman. Nag-pm lang ako sa iyo, isang friendly reminder lang. 'Wag mo nang gamitin iyan.
Rita: Bakit natatakot kang pumuti ako? At wala ka ng malait?
Aldrin: Hindi, natatakot ako na baka mas umitim ka pa at maging kamag-anak mo na si Binay.
Rita: Hoy, hindi ko kamag-anak si Binay.
Aldrin: Kaya nga kung ayaw mong maging kamag-anak, 'wag ka ng gumamit niyan.
Rita: Gagamitin ko parin ito.
Aldrin: Bakit ba?
Rita: Para ipanglaban sa iyo.
Aldrin: Para ano?
Rita: Kapag pumuti ako, hindi mo na ako malalait kahit kailan.
Aldrin: Tanga! Hindi ka puputi sa sunblock. Proteksyon lang iyon para sa UV light. Negra na nga, tanga pa!
BINABASA MO ANG
Rita Negrita
HumorRita Negrita Sabi nila The more you hate, the more you love. Parang sina Aldrin at Rita. Parating nag-aaway, parating nagbabangayan, parating nagpapatutsabahan, hindi magkasundo. May love kayang mabuo sa kanilang dalawa? Maaari kayang mahalin mo an...