NEGRA 15

371 12 3
                                    

NEGRA 15

(Facebook chat)

Rita: Cj?

Cj: seen

Rita: Cj!!!!

Cj: Sorry, ano iyon?

Rita: Cj, I need you right now.

Cj: Okay, wait for me.

Rita: Alam mo ba kung nasaan ako?

Cj: Hindi!

Rita: Pucha! Ang gwapo nga tanga naman!

Cj: Ano ang sabi ko?

Rita: No more bad words na po. Nandito ako sa BelleVars

Cj: BelleVars? E pang-gay bar iyan ah?

Rita: Talaga? Bakit ang daming gwapong lalaki dito?

Cj: Sige, susunduin na kita diyan. Mga bakla iyan!

Few hours later

"You're drunk!" pagpigil pa ni Cj kay Rita.

"H-hindi pa ako... lasing, ano ka ba?"

"Marga, tatawagan ko si Tita at sasabihin kong lasing ka na,"

"Sige, hahalikan kita diyan, subukan mo." Kinuha ni Cj ang phone nito ngunit kaagad na dinambahan siya ni Rita at naglock ang labi nila sa Isa't isa. Ngunit kaagad na kumalawa si Rita sa pagkakahalik nito sa kaibigan.

"Sinasabi ko sa iyo e, hahalikan kita e... infairness ah? Ikaw ang first kiss ko." saka na siya nakatulog. Napailing na lamang si Cj at saka niya binuhat ang kaibigan at binayaran na nito ang damages na nagawa nito't at maski na ang bill nito saka niya ipinasok sa loob ng kotse nito at she drive her at home. When he get there, binuhat niyang muli si Rita at ipinasok sa loob ng kwarto nito, galit na galit at inis na inis ang Mama ni Rita, dahil first time na umuwing lasing ni Rita ng araw na iyon at sa palagay ni Cj ay may kinalaman si Terrence kung bakit ito naglasing ng gano'n.

---

"Ang sakit ng ulo ko," pagkatayo ni Rita ay natumba siya sa higaan niya ng makita niyang nasa harapan niya si Cj.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Rita kay Cj.

"Uhm, pinapunta mo ako dito?"

"Kailan?"

"Tsk. Lasing na lasing ka kasi kagabi, kaya wala ka ng maalala. At talagang sa Gay bar ka pa nagpunta ah? Nakakatawa ka talaga!"

"May sinabi ba akong kakaiba?"

"May dapat ba akong marinig?"

"Wala!" sabay talikod pa nito.

"Oh? Bakit hindi ka pa umuuwi?" pagtataka ni Rita dito.

"Uhm, wala rin naman akong gagawin sa bahay e, ihahatid na kita sa school niyo,"

"No! Baka anong isipin nila sa akin,"

"Ano bang kinakatakot mo?"

"Cj naman,"

"Fine, kung ayaw mo edi 'wag." Tila nagtatampong tono ng boses nito at tumayo't handa na sanang lumabas ng kwarto ni Rita ngunit pinigilan siya ng dalaga.

"Sige na, ihatid mo na ako."

"Hehe sinasabi ko na nga ba e, hindi mo ako kayang hindian," piningot pa nito ang kaniyang ilong.

"Natatandaan mo na?" kumunot ang noo ni Rita sa sinabi ni Cj ng minutong iyon.

"Ano?"

"Ah? Wala, sige bababa lang ako at magluluto lang ako ng umagahan natin," sabay sibat kaagad nito.

Rita NegritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon